KABANATA - 28

4 1 0
                                    

"What really happened?"

Nag-unahang sumagot si Mara at si Daniella. Ang maninipis at matataas nilang boses ay nagparindi sa mga tenga namin. Hinampas ni Ma'am Fernandez ang mesa at lahat kami napatalon. Natikom ng dalawa ang kanilang bibig. Dinaga ako ng kaba. Sa totoo lang mas natatakot pa talaga ako kay Ma'am Fernandez kaysa kay Lucas, eh.

"In behalf of my immature and very unproffesional staff, Sir." Isa-isa kaming tinapunan ni Ma'am ng malamig na tingin. "I sincerely apologize. Give them the punishment that you deem fit and I'll gladly follow your orders, Sir."

Tumango si Lucas at pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. Ako, Si Ma'am Fernandez, Mara, Daniella at ang dalawa niyang alipores, si Jeff bilang witness at si Lucas ang narito.

"Jeff," tawag ni Lucas ng binasa nito ang nametag ni Jeff. "Tell me what you saw," mando niya.

Tumikhim si Jeff bago nagsalita. "Hindi ko po nakita iyong buong pangyayari dahil may kausap akong customer. Pero noong narinig ko ang nagbagsakang mga pinggan, nakita kong nasa sahig na si Torry." Kinakabahan siyang tumingin kay Mara na supladang nakahalukipkip lang. Umirap siya.

"Tapos sinugod po ni Mara si Daniella. Binuhusan niya ng coke at doon na po nag-umpisa iyong sakitan nila,"

"Tingnan niyo Sir?!" sabat ni Daniella. "Hindi ko po siya sinadyang patirin! Nandoon na talaga ang paa ko nakalagay. Hindi naman po kasi siya tumitingin sa daan. Baka natatabunan ng tray na hawak niya tapo etong si Mara bigla na lang akong sinabuyan ng inumin,"

"Huy! Ang kapal ng mukha mo," anas ni Mara. "Kitang-kita ko kung paano mo inusli ang paa mong impakta ka! Napaka-itim talaga ng budhi mo!"

Tumango ako. "Nagsasabi ng totoo si Mara, Lu- S-Sir," ani ko. "Tumitingin naman ako sa dinadaanan ko lalo na't kailangan kong makasigurado na maiihatid ko ang order sa customer ng walang aberya. Sigurado akong kung may paa o kung anong bagay man sa daraanan ko, iiwasan ko iyon. At sigurado din akong walang ano mang bagay na nakaharang doon!"

"Hindi 'yan totoo, Sir!" sabat ni Eula. "Nagpapalusot lang 'yan si Torry at ipinapasa ang sisi kay Daniella dahil takot ibawas sa sweldo ang mga nabasag niya!" Umawang ang labi ko. "Nambibintang lang din 'yan si Mara kasi may gusto iyong ex niya kay Daniella!"

Iyong mukha ni Mara hindi maipinta. "Diyos ko naman Eula, anong pinagsasabi mo? Sino sa ex ko?"

Muntik na akong humagalpak ng tawa, ganoon din si Jeff, pinigilan lang ng makitang hinihilot ni Ma'am Fernandez ang batok niya habag nakapikit.

"I ordered the CCTV footage from the security department. Malalaman natin kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi. Regardless of who lied and who said the truth, those who are all involved in this incident will recieve a punishment," Lucas sounded so business-like. Ang awtoridad sa tono niya at nagpatahik sa amin.

Nakasuot siya ng putting button-down shirt. Nakatupi ito hanggang siko. Bakat ang malapad niyang dibdib sa damit nito pati na ang biceps. Mga parte ng katawan niyang matigas at mainit. Alam ko dahil ilang beses ko na iyong nahawakan at nahalikan.

Ang malapot niyang titig ang sumalubong sa akin ng i-angat ko ang tingin sa nag-aalab niyang mata. Lumandas din ang mata niya paibaba sa kabuoan ko bago dinilaan ang ibabang labi.

Nadama ko ang pahilala pailalaim ng nasa pagitan ng hita ko. Nag-iwas ako ng tingin habang uminit ang dibdib at batok ko. Nakita ko ang namumutlang grupo ni Daniella at ang makahulugang tingin nila sa isa't-isa.

Nakita din iyon ni Mara kaya napangisi siya. Hindi ko na din maiwasang mapangisi. Biglang parang sumama ang mukha nila ng binanggit ang CCTV. Hindi sila mapakali sa inuupuan at galaw ng galaw.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now