KABANATA - 25

5 1 0
                                    


Tumili si Mara ng bumaba ako mula sa pagkakaangkas sa likod ni Gerald. No-offend ako na akala niya talaga hindi ako pupunta.

Tinext ko na lang si Gerald na daanan ako kung pupunta siya kina Mara. Noong sumakay ako sa kanya ay tahimik niya lang akong tinitigan pero hindi na siya nagtanong pa. Alam nilang kay Lucas ako dapat sumakay.

Kumalat ang pait sa akin. Busy na si Lucas sa ibang bagay. Pinilig-pilig ko ang ulo para maiwaksi ang mga naiisip. It will do me no good. Just mental harm and bitterness.

Agad na inangkla ni Mara ang kamay sa braso ko. Kumunot ang noo niya na tumingin sa likod ko, tila may hinahanap.

"Oh? Akala ko si Sir Elohim ang maghahatid sa iyo?"

Inilingan ko siya. "Busy iyon." Busy sa ibang babae.

Pinanliitan ako ni Mara ng mga mata pero hindi niya na nagawang usisain ako. Dumagsa ang iba niya pang bisita.

Pumasok kami sa bahay nila. Sa loob ay puros matatanda ang mga kumakain at nagkukwentohan.

"Ma! Pa!" tawag ni Mara.

Napalingon ang isang matandang kalbo na bumabati sa mga bisita at ang kasama nitong babae na naka-pixie cut. Lumapit kami doon.

"Ma, Pa, si Vittoria po. Iyong kinukwento ko sa inyo!"

"Hello po," magalang kong bati habang nakangiti.

Sa gitna ng kirot sa dibdib ko ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan. Ito ang unang pagkakataon na nagkaibigan ako... ng totoo... at ipinakilala ako sa mga magulang niya.

"Ah ito ba 'yun?" namamanghang saad ng Mama ni Mara. "Kay ganda naman palang dilag,"

"Lucinda, Hija. Tawagin mo na lang ako ng Tita Lucinda." Hinaplos niya ako sa braso at magaan na ngumiti.

"Renato, Vittoria. Tito Renato na lang din. Palagi ka nitong si Mara na ikinikwento ka sa amin,"

Napatingin ako kay Mara at pinanliitan siya ng mga mata. "Ano pong mga kwento?" tanong ko habang nagbabanta ang tingin sa nakangising si Mara.

Humalkhak ang Papa niya. "Ang sabi'y nobya ka daw ng boss niyo kaya kinakaibigan ka niya para ma-promote siya!"

Natawa ako sa ani ng Papa niya. Siraulo talaga itong si Mara kahit kailan!

"Naku, hindi ho iyon totoo, Tito!"

Natawa si Mara at Gerald.

"Ganoon ba, Hija? Ito talagang si Mara kung ano-anong pinagsasabi," si Tita Lucinda.

Natawa si Mara. "Diyan din naman 'yan papunta," bulong-bulong niya.

"Oh siya, maiwan na muna namin kayo. Kailangan pa naming asikasuhin ang iba pang bisita. Doon kayo sa likod, sa mga kaedaran niyo. May pagkain na doong nakalatag," ani ng Papa niya.

"Ikaw Gerald, wag kang mahiyang magsupot at dalhan ang mga pamangkin mo," ani ni Tita Lucinda.

Dumiretso kami sa likuran. Malawak ang espasyo at nasasakop ng bermuda grass ang lahat ng lupa. May mga halaman doon at iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Nakalatagang mga bilugang mga mesa at nakapalibot ang mga monoblocks sa mga ito. Nakasabit ang mga mumunting light-bulbs sa strings sa ibabaw, nag-bibigay ng komportable at pag-ka-relax sa ere. Laidback lang at mapayapa ang selebrasyong ito.

Napapahinto kami ni Gerald dahil humihinto si Mara para kamustahin ang bawat mesang nadadaanan. Nasa likod lang ako ni Mara at pinagmamasdan ang mga kumakausap at nakikipagbatian sa kanya. Sobrag famous niya.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now