KABANATA - 24

5 1 0
                                    


Nanatiling nakatingin ako sa baso. Mas lalong ayaw kong masilayan ako ni Astrid. Hindi ko magawang makahinga ng papalapit siya sa akin at hanggang malagpasan ako. Umupo ang grupo nila Astrid sa mismong likuran ko.

"Have you tried texting him, Astrid?"

Saglit na katahimikan. "Tapos na. Bago lang. He won't reply to me... alam niyo naman diba. Hindi nga niya sinasagot ang mga tawag ko. Galit pa iyon sa akin," 

"Ikaw naman kasi!" ani ng kasama niyang babae. "If you didn't date Theon like how Elohim wanted to, edi sana hindi nagselos at nagalit sayo si Elohim," sabi ng isa niyang kaibigan. Apat sila kaya hindi ko alam sino nagsasalita.

Gumuhit ang daliri ko ng mga hugis sa mesa. Parang may bumuhos ng malamig na tubig sa loob ko. Nag-init ang damdamin ko sa nadidinig.

Alam kong hindi sasadyain ni Lucas na paglaruan ako. Na gawin akong panakip-butas para pawiin ang sakit ng nakaraan niya. Iyon ang paniniwalaan ko. Ngayong naririnig ko ang mga ito, hindi ko maiwasang pagdudahanan siya.

Walang usok kung walang apoy. Hindi naman nila pag-uusapan ang ganitong bagay kung wala silang nalalaman.

"You think it's true, though?"

"Na andito si Elohim? O iyong sabi ng staff sa reception na may kasama siyang babae?" ani pa ng ibang boses.

Napasinghap ako sa usapang naririnig. Tumuwid ako ng upo. Hindi malakas ang boses nila pero hindi din ganoon kababa para hindi ko marinig.

"I think it's true. Unless nasa hallucination stage ang mga staff dito. Elohim is here. Biglaan lang siguro dahil nga diba nawawala iyong anak na lasenggo ng konsehal," bulong ng isa. "Don Lucciano entrusted Elohim the responsibility of this resort. He won't let down his Abuelo since he's the candidate for being the successor of their businesses,"

"Clarisse has a point, Astrid. Malamang andito nga iyon ngayon," sang-ayon ng isa. "Ba't mo pa kasi ni-cancel iyong plano mong pag-bakasyon sa Nirvana Resort sa El Nido ngayong summer? Pumunta nga doon si Elohim dahil inaasahan siguro na nandoon ka,"

Lumunok ako. May bumikig sa lalamunan ko. Biglang napagod ako. Emosyonal na napapagod. Bumagsak ang kung ano sa mga balikat ko dahilan ng pagbigat ng nararamdaman.

"I didn't know he'll follow me, okay?" depensa ni Astrid. Kilala ko ang boses niya mula sa video.

Mahinahon at malumanay siya magsalita. Parang anghel. At kung maganda siya sa mga litrato... her beauty in personal antagonized me. Maiintindihan ko kung bakit nabaliw... o nababaliw pa rin sa kanya si Lucas.

Sobrang ganda niya. Walang bahid na kapangitan sa kaya. Para siyang bidang prinsesa sa mga fairytales.

"So, if he's really here like just what the receptionist told us... baka totoo din iyong may kasama siyang ibang babae? A woman with green eyes?"

May natawa sa kanila. "Kung totoo nga 'yan, it's just another desperate slut he's using as a rebound. Kilala niyo naman 'yang si Elohim, sobrang dami ng babae. Kay Astrid lang talaga tumitino at bumabalik-balik,"

Sumikip ang dibdib ko, medyo nahirapan sa paghinga. Pakiramdam ko mababasag ko na ang baso sa higpit ng hawak ko dito. Dudugo na din ano mang oras ang labi ko sa higpit ng pagkagat ko dito.

"Yeah," tawa din ng isa. "Kita mo nga noong hindi ka siguro naabutan sa resort sa El Nido ay pinapunta siguro doon si kazandra,"

"Sofia also said that he was rumored dating a staff there. Right, Sofie?"

"Yep," sang-ayon noong si Sophie. "Hindi ko lang alam kung totoo iyong tsismis na iyon. Nakita daw sila na nag-di-date. May pictures pa nga kaso nakatalikod iyong babae. Pasakay sila ng bangka 'nun,"

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now