KABANATA - 6

7 2 0
                                    


Napaatras ako sa intensidad ng titig niya. Kanina pa ba siya diyan? Nakikinig ba siya?!

Hindi lang babaero. May pagka-tsismoso din pala ang isang ito. At kung nakakamatay lang siguro ang tingin, double dead na ako.

Akala ko ba ay mag-di-dinner sila 'nung sino 'yun? Matilda?

Umiling na lang ako at umalis. Lalampasan ko na sana siya ng hinablot niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

Na naman!

"Ano ba! Nakakailang h-higit ka na sa akin ah!" Piglas ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin. Para lang akong laruang manika sa kanya.

"Who was that?" mariin niyang saad.

Nangunot ang noo ko. Nasamyo ko ang mamahalin at panlalaki niyang pabango. Nanuot ito sa ilong ko at nagbigay init sa aking kalamnan. Masyado ding malapit ang mukha niya na paulit-ulit akong napapatingin sa mga labi nito.

Lord, ilayo niyo po ako sa temtasyon. Lalo na sa isang ito na walang alam gawin kung hindi ang gawing kalbaryo ang araw ko.

"S-sino?" naguguluhan kong saad.

Mariin niyang pinikit ang mga mata na tila nawawalan na ng pasensya. Halos mapa-igtad ako dahil akala ko ay sasaktan niya ako pero mas lalo niya lang inilapit ang mukha niya.

Ang bango niya talaga. Presko at at nakakaliyo ang sarili niyang amoy. Hindi ko na yata makakalimutan ang bango niya.

Naduduling ako pero parang nagbunyi pa ang sistema ko dahil natatanaw ko siya ng ganito kalapit. Na para bang isang itong pribiliheyo.

Gusto kong abutin ang mukha niya pero isa lang iyong kahangalan. Siguradong sasampalin niya palayo ang kamay ko.

"The one you were talking to the phone?" bulong niya. Ang mainit at mint na hininga ay tumatama sa pisngi ko.

"L-Lucas, nasasaktan ako," daing ko.

Sandaling lumambot ang ekpresyon niya. Niluwangan niya ang hawak sa akin pero hindi pa rin binitawan. Nang nagtama ang mga mata namin ay seryoso na uli iyon.

"Sino siya?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko obligasyon ang sabihin sa iyo ang mga ganoong bagay!"

Pagak siyang natawa. Nasasamyo ko ang mamahalin niyang pabango habang napapasulyap ako sa mga braso niyang hitik sa muscles na bakat na bakat sa itim niyang button-down.

"How about this, then." Nahigit ko ang hininga ng bumulong siya sa aking tenga. Halos mapapikit ako sa pagkakiliti ng mainit niyang hininga.

"How much did Abuelo pay you for being his mistress? How much per night, huh?"

Para akong sinampal sa sinabi niya. Hindi na dapat ako masaktan o magulat pero ganoon pa din ang kinahinatnan ng nararamdaman ko.

Marahas ko siyang naitulak. Malalim at mabilis na din ang paghinga ko dahil sa galit para sa kanya at sa sakit sa mga paratang niya.

Eto na naman ba? Sobrang baba ba talaga ng isang katulad ko para sa paningin niya?

Nabitawan niya ako dahil sa gulat habang nanggagalaiti ako sa kanyang tumingin.

"Hindi ako bayaran at lalong hindi ako kabit ng Lolo mo! Akala ko ba matalino ka gaya ng sinasabi nila?"

Sabi ni Maria ay matalino siya dahil Magna cum laude ang natapos! Siguro kasinungalingan lang ito. Dahil sino ba ang matalinong tao ang maniniwala ng basta-basta ng wala namang nalilikom na ebidensya o nakikita ng sariling mga mata?

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now