KABANATA - 30

5 1 0
                                    

Wala sa sarili akong dinala ng mga paa ko sa opisina ni Lucas. Ayaw kong pumunta sa conference room lalo na't andoon pala si Astrid at ang mga magulang niya. Duwag na kung duwag pero hindi pa ako ganoon kalakas para sa konprontasyon.

Sa lahat ng nangyari, ang hirap ng bitawan ni Lucas.

Sumibol ang galit sa puso ko. Bakit hindi niya sinabi sa akin na naipangako na pala siya sa ibang babae? Ang dami naming ginagawa, ang daming nakasaksi kung ano kami tapos nagawa niya pa ring itago ako sa dilim. Pinagmukha niya akong tanga.

Ano ba ako sa kanya? Isang bachelorette party bago siya itali kay Astrid? Ang huling babaeng paglalaruan bago bumuo ng pamilya kasama ang iba?

Alam ko na may kung ano na sa kanilang dalawa. Hindi naman siya nagkulang sa pagbigay sa akin ng assurance na kailangan ko pang makipag-kompetensya sa ibang babae, paano akong hindi mapapanatag kung ganyan?

Tao lang din naman ako. Higit sa lahat babae lang din.

Dahil sa alak ay mas lalo lang lumalim ang iniisip ko sa bagay na iyon.

"— You promised to marry her, Elohim! Ikaw na mismo ang nagsabi diba?"

Naestatwa ako. Mabilis na napaangat ang tingin sa pinto na bahagyang nakaawang. Tahimik akong lumapit doon at sinilip ang mga tao sa loob. Umawang ang aking labi at napaatras ng konti.

Nagdalawang isip ako kung aalis ba o makikinig dito. Nang marinig ko ang boses ni Lucas ay doon lang ako nagkalakas ako ng loob para manatili.

"I did—"

"You did and it's been a month since you started staying here!" sigaw ulit ng matandang lalaki. May isang matandang sopistikadang babae ang nasa gilid niya, pinapakalma siya.

Sa isa pang gilid nito na bahagyang nakahawak sa braso ay si Astrid. Mga magulang niya yata ang kaharap ni Lucas. May isa pang lalaki sa sulok na ngayon ko lang din nakita.

"Honey calm down." Hinimas ng matandang babae ang braso ng asawa nito.

"Pa, that's enough," mahinahong awat ni Astrid.

Nakasuot siya ng itim na plunge V-neck dress. Nakalugay ang buhok nito at nagsusumigaw ng sopistikadang ganda ang kabuoan. She's the epitome of graceful beauty.

Umiling ang Papa ni Astrid. "This bastard had a deal with me! Na pag-ibebenta ko ang 75% ng share na 'tin sa kanya ay papakasalan ka niya, Astrid," gigil niyang sambit sa nakatagis na mga ngipin.

"We gave you power, Elohim. And now you have to pay the price," seryosong saad ng matandang lalaki. Mataas siya pero mas mataas pa rin sa kanya si Lucas.

"You do your end of the bargain or we will take that power back and you'll lose everything you worked hard for all these years,"

Seryoso lang si Lucas na nakatingin sa matanda. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga nito. Nakasuot siya ng blue button-down shirt na nakatupi ang sleeve hanggang siko. Hantad ang malaki niyang braso na umusli ang mga ugat ng nagpamulsa ito.

His eyes were cold as ice when he looked at the old man. He looks ruthless. A monster ready to devour anything within its reach.

Minsan pakiramdam ko ang lamig ng titig niya ay ang galit sa kanyang puso. He's cold when he's angry.

"I will marry, Astrid."

Doon pa lang nabingi na ako. My ears refused to hear what he's about to say next. Sa isang iglap ay ang malalim na lang na mga paghinga ang nadidinig ko. Dahan-dahan akong napatuwid ng tayo at panandaliang namanhid bago tuluyang bumulusok sa akin ang kakaibang sakit.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now