KABANATA - 17

5 1 0
                                    


"Shit," agad akong bumaba at sinuot ang undergarments kahit labag sa loob ko. Dumadaloy pa din ang pinaghalong naming katas ni Lucas.

"What's wrong?" hinihingal niya din na sa saad. Umukit ang pag-aalala sa mukha nito habang inaayos ang sarili.

"Bakit mo inilabas sa loob!" angil ko. "Wala ka bang dalang condom?" asik ko.

Namula ako pero nawala din agad dahil sa sobrang pag-aalala. Nag-umpisa na akong kabahan dahil paano kung mabuntis ako? Hindi pa ako handang maging ina. Ang dami ko pang gustong makamit sa buhay. Ang dami ko pang gustong patunayan sa sarili.

Hindi pa ako pwedeng maging ina. Maghihirap lang ang anak ko. Hindi ko pa kayang ibigay ang mundo sa kanya. Hindi ko pa kayang ibigay ang kahit ano sa kanya. At ang sasabihin ni Don Lucciano... shit, shit, hindi pwede. Bakit ba padalos-dalos ako?

Tumaas ang sulok ng labi niya. "I'm sorry to disappoint you, Vittoria. But I don't go around carrying condom with me, expecting that I'm going to have sex with anyone,"

Nagtagis ang mga ngipin ko. "Wag ka ngang ngumiti diyan, hindi nakakatawa. Kung wala kang dala, s-sana sa labas mo na lang p-pinutok." Hinihiling ko na sana lamunin na lang ako ng lupa. Ano ba 'tong pinagsasabi ko! Eh mukhang hindi niya naman ako sineseryoso!

"It's hard not to lose myself when I'm inside you, Vittoria."

Napatiim ako ng labi.

Bumuntong-hininga siya. "Don't worry, I'll ask my secretary to buy you contraceptives. I'll have it ship immediately para pagdating natin sa resort andon na," he said when he's done buckling his belt.

Inilabas niya ang cellphone at akmang lalabas na ng pinigilan ko sa braso.

"Sandali." Binuksan ko ang pinto at sinilip kung may tao ba 'dun. Nakahinga ako ng maluwag ng walang nakita.

When I looked back at him. He was smiling foolishly at me. "You're acting like a criminal so afraid to be caught red-handed,"

Umismid ako ng mata. "Nag-sex tayo sa fitting room, Lucas." I said matter-of-factly.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. "No regrets, though. I would still choose to do it over and over again,"

Hinampas ko siya sa braso bago siya natatawang lumabas. Kung pwede lang na-ipaligo ang cologne sa buong katawan ko ay ginagawa ko na. I smell of him and sex.

Nang maayos na ay halos mapatalon ako pabalik sa loob dahil nasa labas na si Mara. Sinubukan kong umaktong normal. Malakas ang radar nitong si Mara, eh. Hindi din ako lumapit sa kanya, takot na baka maamoy ang amoy ng pagtatalik namin ni Lucas.

Kumunot ang noo niya. "Oh, asan na iyong isa pa?"

"Tapos ko ng isukat. Ang tagal mo kasing bumalik kaya pinili ko na lang iyong pangalawa," ani ko.

"Nasaan si Sir Elohim? Nag-presinta pa iyon na siya na sayo ang magbabantay, ah?"

"Malay ko." Nagkibit-balikat ako. "Tara na, Mara. Bayaran mo na 'to!" Nguso ko sa maroon na two-piece. Pinilo ko pa iyon ng maayos para hindi halatang nagusot sa ginawa ni Lucas.

Tumango siya at inabot iyon. "Pakibalik na lang iyan doon sa matandang nagbabantay sa una. Isusuot niya naman iyan doon sa display na mannequin,"

Mabilis akong tumalima sa utos niya. Pagbalik ay nakasupot na na iniabot ni Mara sa akin ang two-piece. Nag-ngising-aso ako at kumapit sa braso niya.

"Thank you, Mara. May kaonting kabutihan ka naman pala sa puso,"

"Hindi iyan libre, akala mo?" panunuya niya.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now