KABANATA - 4

10 2 0
                                    


"Torry!" Napalingon ako sa sumigaw.

Dali-daling tumakbo si Maria sa akin at pahaklit na inagaw ang panglinis ng pool. May laman ang loob ng net na mga tuyong dahon na kanina lang ay palutang-lutang sa sa tubig.

Umikot ang mga mata ko.

"Torry naman! Sabi ko wag ka ng tumulong dahil mamaya baka pagalitan ako, kami ni Don Lucciano! Ang tigas talaga ng ulo mo!" saway niya.

Umiling ako. "Maria," panimula ko, nawawalan na ng pasensya sa paulit-ulit na pagpapaalala sa kanya. "Isang linggo na akong nakatingga dito sa mansyon. Mamatay na ako sa bagot kung wala pa akong gagawin,"

Isang linggo na ako dito. Isang linggo na rin na kung pagsilbihan ako ay parang isang prinsesa. I am well pampered here and yet it makes me feel uncomfortable. Hindi ako sanay. Kailanman ay hindi ako masasanay. Lumaki akong ako ang naninilbihan sa sarili ko kaya ngayong may umaalalay sa akin ay hindi ko maatim.

"Eh manuod ka na lang ng Netflix o mamasyal ka! Nakita kong inabutan ka ng black credit card ni Don Lucciano," ani nito.

Nangunot ang noo ko at umiling ito. "Ayaw kong gamiton iyon. Ayaw kong gumastos ng pera ng ibang tao,"

Sobra-sobra na ang tulong niya sa amin ni Vlademyr. Malaki na ang utang na loob namin sa kanya. Oo nga't sabi niya na kabayaran ito kina Lolita pero hindi ko pa rin maiwasan na mahiya at manliit.

Ayaw ko ng buhay-prinsesa. Nakangisnan ko na ang buong araw na pagtatrabaho. Mula sa umaga hanggang hapon sa burger shop at mula gabi hanggang hating-gabi o madaling araw sa club ay nakagisnan na ng katawan ko.

Routine na iyon para sa akin. Routine na mahirap gibain.

Nakaimprinta na sa katawan ko ang gumalaw buong araw. Kaya ngayon ay hindi ako mapakali na nakaupo lang at walang ginagawa.

"At saka ano ba 'yung Netflix? At ano naman kung itim 'yung credit card?" nagtataka kong tanong.

"Hindi mo alam 'yung Netflix?" bigla niyang tanong. "Pati 'yung ibig sabihin ng itim na credit card?" Sa mukha niya ay parang nakapatay ako ng pusa.

Umiling ako.

"Iyong Netflix ba... parang ano..." Nagkamot siya ng ulo. "Basta marami kang mapapanood na palabas doon sa TV! Iyon 'yun!"

Tumango-tango ako. Pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"Iyong itim naman na credit card ay ibig sabihin unli shopping and gastos, ganern!" Pinitik niya pa ang kanyang daliri.

Tumango ulit ako. Ganoon pala iyon? Grabe naman pala talaga ang yaman nila ni Don Lucciano.

Pinanliitan ako ng mata ni Maria. "Torry sabihin mo nga sa akin ang totoo, sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga ni Don Lucciano?"

Natigil ako bago pinakatitigan si Maria. Dahil sa sinabi ni Elohim sa akin noong una naming pagkikita, laman na ako ng tsismis at panlalait ng mga kasambahay at tauhan nila dito.

Hindi ko na ininda dahil sanay naman ako sa ganoong pagtrato.

"Totoo 'yung sinabi ni Don Lucciano na anak ako ng matalik niyang kaibigan. Laki lang ako sa hirap kaya ganito ako Maria," sambit ko na lang. Ayaw na munang sabihin ang personal na detalye tungkol sa akin.

Laking pasasalamat ko ng hindi na siya nagtanong pa ulit. Hindi pa ako handa na magkwento ng buhay ko sa ibang tao.

Sumapit ang gabi at ako lang ang isa ang kumakain sa malawak at mahaba nilang hapag-kainan. Wala yata si Don Lucciano dahil baka nasa isa sa mga resort niya.

Kwento sa akin ni Maria na halos lahat ng resort na nakatayo dito sa Palawan ay pag-aari ni Don Lucciano. Pag-aari nila ang Nirvana Company— isang chain of resorts dito sa Pilipinas. Karamihan sa resorts nila ay naka-sentro dito sa Palawan.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now