KABANATA - 26

5 1 0
                                    


Napaigtad ako sa kinauupuan habang si Jack ay natatarantang kinuha ang kamay sa likod. Lahat ng tao ay napatingin sa amin. May isang sinusubukan kaming kunan ng video pero hindi yata nahalatang may flash. Mabilis akong tumayo para makalayo. Napakapit ako sa edge ng mesa sa biglang pagkahilo. Aalalay na sana si Jack pero agad na napaatras ng nauna akong dinaluhan ni Lucas.

Winaksi ko agad ang kamay niya na humawak sa akin. Nagulat siya sa reaksiyon ko. Nakitaan ko ng pagkalito ang mga mata niya. Bumunot ako ng malalim na mga paghinga bago binitbit ang tote.

Pilit akong ngumiti sa mga naroon. Lahat sila ay nanonood na sa amin. Ang dalawang staff ng resort ay nanlalaki ang mga mata.

Naglakad ako at sa kabutihang palad ay tuwid pa naman ang direksyon ko. Nahihilo ako at pakiramdam ko ay masusuka ako. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Masyadong malapit ang presensya niya sa akin na ang init ng katawan niya ay naglalakbay papunta sa akin. O baka init lang ito ng alak.

Napapatingin ang mga taong nasasalubong sa akin bago sa kanya. Kung hindi'y napapatingin ng matagal, napapahakbang pagilid. Napakapit ako sa pader ng napilok. Mabilis kong nadama ang matigas at mainit niyang braso sa beywang ko.

Napapikit ako. Ang kuryenteng nararamadaman namin tuwing nagdidikit ay nagpigil ng hininga ko. Ginamit ko ang natitirang pwersa para hindi maging komportable sa init ng katawan niya. Pati ang sarili niyang amoy na gusto kong umungol sa bango.

Ano, Vittoria? Rurupok tayo? Hindi pwede!

Pilit kong tinanggal kamay niya na nakakapit sa akin pero hinigpitan niya lang lalo.

"Don't be a fucking stubborn or you'll get hurt by tripping yourself," he snarled. Galit man ay kalmado pa din ang tono. His hot breath caressing my ear.

Nakasuot lang ako ng fitted tank top at high-waisted denim jeans kaya may balat na naka-exposed sa tiyan ko. At ang balat na iyon ay hawak ng kamay ni Lucas.

"Anong pakialam mo kung madapa man ako?" asik ko at muling tinulak siya gamit ang siko. "Bitawan mo nga ako, Lucas!"

Para siyang bato na hindi man lang natinag.

"No. Bibitawan lang kita kung nahimasmasan ka na. For the mean time, let me guide you, hmm? I don't want you hurting, baby," nagsusumamo niyang pakiusap.

Natunaw ako ng bahagya. Napapikit ako at nagpakawala ng eksaheradang buntong-hininga. Naiirita kong sinuklay ang buhok na bahagyang basa na ng pawis. Nagtiim-labi ako.

"Okay!"

Inalalayan niya ako palabas ng bahay nila Mara. Nandoon na ang mga magulang niya at mismong si Mara na din. Sa mukha niya ay medyo nahimasmasan na din siya.

"Sir, kain po muna kayo," alok ni Mara, Napairap ako at humalukipkip habang hawak pa din ni Lucas sa beywang.

"Thanks, but no thanks, Mara. Susunduin ko lang 'tong si Vittoria. Happy Birthday Mara," tipid na ngiti ni Lucas na hindi umabot sa mata. Sumulyap siya sa akin at nandilim ang mga mata.

Bakit ba parang sa amin dalawa, ako pa ang may kasalanan ngayon sa mga tingin niya?

Habang sila ni Astrid ay nagpapakasasa sa mga ginagawa nilang dalawa, ako itong kawawang talunan na sa alak ibinuhos ang sakit. Tapos ngayon parang ang laki ng atraso ko sa kanya? Anong karapatan niya? Ang kapal lang.

"Ah, ganoon ba Sir? Sige mag-ingat na lang po kayo!"

Tumango si Lucas bago magalang na kinausap ang mga magulang ni Mara. Bumaling si Mara sa akin at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now