KABANATA - 13

8 2 0
                                    


"May ipapalinis ka daw, Sir?" magalang kong tanong.

Napalunok siya at tila may gusto sa aking sabihin. Napatingin muna siya kay Katie na parang timang na nagnining-ning ang mga matang nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam kung iismid ba ako o matatawa. Diyos ko Katie mahiya ka naman! Gusto ko siyang sigawan.

"Katie," pukaw ko sa kanya na patuloy nakatingin kay Lucas na ngayon ay mariin ng nakatingin sa akin.

Namalayan yata ang paglalaway niya kaya dali-dali siyang umalis sa namumulang mukha.

Bumagsak ang balikat ng naiwan kaming dalawa. Nagsisisi tuloy ako na pinaalis ko ng una si Kate. Sana pala sinabi kong palit nalang kami kung ano mang ipinagawa sa kanya, para hindi ko na makasama si Lucas.

I put on my polite facade when I faced Lucas. "Saan ipapalinis mo, Sir?"

He gulped and looked at me with so much intensity in his eyes that my knees would turn jell-o any minute now. Ganyan na lang lagi. Tuwing titingin siya ay agad akong nanghihina. Para akong lulutang na hindi ko maintindihan.

I don't know it it's just me or I'm one of the many who was deeply attracted to him like a moth to a flame.

Tumango siya. "Follow me." Tinahak namin ang pasilyo hanggang nasa harap kami ng isang pinto. Ang malapad niyang likod ay nag-fe-flex ang muscle sa bawat galaw niya.

Pinagbuksan niya ako at nag-aalinlangan pa akong pumasok. "Dito?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

He played with his lip using his finger as he slowly nodded. I sighed and entered the room. His room was very spacious and had a full view of the resort, too. Glass wall ang likurang dingding ng kwarto niya. Tinted iyon kaya hindi siya kita dito sa loob.

Ang itim na king-sized bed ay nakaharap sa glass wall. Hindi kalayuan sa paanan nito ay may sofa at sa isang sulok ay may mini-library kasama ang isang study table. May isang pinto pa doon na hula ko ay ang bathroom yata.

Nadinig ko ang pagsarado niya ng pinto. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Saan dito?"

"The scene you saw a while ago...—"

"Tinatanong ko kung ano at saan ang lilinisin ko hindi ang nakita ko kanina," malamig kong saad.

"I was telling her to go away from me, Vittoria. Magkaibigan lang kami ni Kazandra,"

Mariin akong pumikit. "Tabi," utos ko sa kanya na nakatabon sa pintuan. Aalis na lang ako dahil wala naman pala siyang ipapalinis dito.

"No," he said firmly. "I won't let you leave until you don't believe me,"

"Lucas." Nauubos na ang pasensya ko. "Hindi na mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan ko. Buhay mo 'yan, gawin mo ang gusto mong gawin. But please, don't..." do these to me. Umaakto kang parang pag-mamay-ari ko. nagpapaliwanag ka na parang tayo.

"Not to me. Mahalaga sa akin ang pinaniniwalaan mo. Kazandra is not my woman unlike what you're assuming. She's just a family-friend,"

Tumango ako. "Iyon lang ba? Okay na," sang-ayon ko na lang para matapos ang usapan.

Gusto ko na lang lumayo sa kanya. Being alone with him in a secluded room doesn't sit well with me. Being with him is being prone to temptaton. Having him near me made me so excited.

He clenched his jaw. "Bakit ba ang hirap para sayo na paniwalaan ako?"

Natawa ako. "At bakit hindi? Isa kang propesyonal na babaero. Para namang hindi kita nakita na iba-iba ang babaeng hawak sa pool noong nasa mansyon pa ako,"

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now