KABANATA - 34

3 2 0
                                    


Itinaas ko ang kamao at kumatok. Nadidinig ko ang kalabog ng puso. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Drew, classmate ko at isa din sa barkada nila Ronald, may hawak na sigarilyo ang isa niyang kamay habang ang isa ay bote ng beer.

Napatingin ako sa kaliwa ko, sa kahabaan ng corridor sa palapag kung saan ang condo unit ni Andy. Gumapang ang lamig at mabigat na nararamdaman sa sistema ko.

Pwede pa akong tumakbo palayo kung sakali. Walang pipigil sa akin.

Sa hindi malamang kadahilanan ay tumatayo ang balahibo sa kalampag ng beat ng music sa loob ng unit. Kumapit ang kamay ni Drew na may sigarilyo sa ibabaw ng pinto at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Namumungay na ang mata nito at nakakaloko akong nginisihan.

"Akala ko hindi ka na pupunta?" nanunuya ang tono niya. Paano niya ako titigan ay nagpaugat sa akin sa kinatatayuan.

Dinungaw ko ang sa likuran niya. "Si Macey?" Ibinalik ko sa kanya ang titig at nahuling nakatingin sa hinaharap ko.

My skin crawled. All I want to do is to run away from this. Ang pag-iisip na andito si Macey lang ang nagpapigil sa akin.

Sumimsim si Drew ng beer at nilakihan ang awang ng pinto. "Pasok ka. The party's just getting started, Vittoria." Kindat niya.

Nag-aalangan akong tumingin ulit sa kahabaan ng pasilyo. Walang katao-tao. Walang pipigil sa akin pero wala ding tutulong. Sound-proof kaya mga unit nila dito?

"Ano?" iritang tanong ni Drew.

Pumasok ako at ang unang nakita ay si Sandro at ang nobya nitong naghahalikan sa couch. Napatingin ako kay Drew at tumaas lang ag kilay niya na nakangisi. May iilang tao at halos lahat ay lalaki. Hindi ko pa mga kilala.

Lumikot ang mata ko, desperadang mahagilap si Macey at bantayan siya o hilahin palabas dito. Hinakbang ko ang mga paa at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng hoodie.

Sa kaliwang bahagi ng living room, may hallway na padiretso sa dalawang pinto na magkaharap. Sa pinaka-dulo nito ay open space na gaming room yata. May mga naglalaro kasi ng billiard at ang isang tumpok ng lalaki ay may binabatong yellow na bola sa mga red cups na may lamang beer.

Naglakad ako palapit doon. Sa daan ay may halong pagtataka at asiwa ang tingin ng dalawang babaeng naka-tight dress sa suot kong hoodie, loose jeans at rubber shoes.

Napahinto ako ng lumabas si Ronald sa isang pinto na binubutones ang pantalon. Namamawis ang dibdib nito, maraming kalmot ang leeg at dibdib at magulo ang buhok.

Napahinto siya ng mamataan ako at unti-unting napangisi. Papalapit siya sa akin ng lumabas ang isang babaeng sa kwartong pinagmulan ni Ronald. Nanginginig ang mga balikat sa paghagulhol nito. Ang mascara ay kumalat sa palibot ng mga mata niya at ang lipstick ay dumungis sa pisngi at baba.

Nanginginig ang katawan nitong tumakbo palayo at ang tunog ng kanyang iyak ay sapat na maling-mali ang pagpunta ko rito. Nilampasan niya kaming dalawa. Nanlamig ako ng naamoy ang sex sa babae.

Umawang ang labi ko at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Ronald. Did he... Marahas akong napalunok. Tumalikod ako para sundan ang babae pero hinablot niya ang braso ko at pinaharap ulit sa kanya.

Namumula ang mga mata at amoy alak ang hininga ni Ronald. Humagulhol ulit ang babae kaya nilingon ko ito. Nakita kong nakaharang si Drew sa pinto habang pilit na lumalabas ang babae bitbit ang high heels. May marka ang leeg at braso niya. Nangilid ang mga luha sa mata dahil alam ko na ang nangyari... at sa sobrang kaba.

Sinunggaban ni Ronald ang panga ko at marahas na pinaharap sa kanya. "Eyes on me, Vittoria."

Halos masuka ako sa amoy na nanggagaling sa kanya. The smell of vices: cigarettes, liquor, drugs and non-consensual sexual intercourse.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now