KABANATA - 10

7 2 0
                                    


"Torry!" Awtomatikong napalingon ang ulo ko sa direksiyon ng counter. "Order?" Mabilis akong lumapit kay Jeff, iyong isa sa mga assistant chef namin.

"Yep." Tango niya. "Sa table 11, ganda." Kumindat siya na nagpatirik ng mata ko.

"Sungit," nguso niya.

"Ikaw nga maharot, nagrereklamo ba ako?" Irap ko.

Humalakhak siya bago mabilis na umalis dahil tinatawag na siya ulit sa likod. Ilang araw na ako dito at sa kabutihang palad ay maayos naman ang takbo ng lahat.

Liban na lang kung magmomonitor dito si Ma'am Hernandez. Noong una talaga naiirita ako kasi sobrang maldita niya sa akin gayong maayos naman ang pakikisama niya sa ibang kasamahan ko.

Pero noong tumagal ay napag-alaman kong may kung ano pala sa kanila nooong head chef namin. Si Chef Luigi.

Mabait si Chef Luigi at gwapong chinito. Palaging nakangiti. Nawawala lang kung andiyan na si Ma'am Hernandez at dinadalaw siya sa likod habang nagluluto ito.

Kuryuso man ay hindi ko talaga alam kung anong totoong ugnayan nila. Hindi ko na sinubukang maki-usisa dahil gusto ko lang kumita. Kalaunan ko lang napag-alaman kay Jeff, may pagkachismoso kasi iyong lalaking iyon, na nakikita daw akong banta ni Lucille sa puso ni Sir Luigi.

Tinawanan ko lang iyon dahil ayaw kong maniwala. Paano namang mangyayari iyon na kadadating ko nga lang? Ngayon ko nga lang nakita at nakilala si Sir Luigi, eh.

Pero para payapa ang buhay ko ay hindi na lang din ako pumupunta sa likod kung hindi talaga kailangan. Totoo man o hindi ang sinasabi ni Jeff, ayaw ko ng gulo kaya iiwas na lang ako.

Kinuha ko ang tray na may lamang order at inihatid sa table 11. May mga sumenyas sa kabilang table kaya pinuntahan ko at inilabas ang ballpen at papel mula sa apron na suot.

Matapos nilang umorder ay ibinigay ko na kay Daren, isa pa sa mga nagbabantay sa counter, at mabilis niya naman iyong inihatid kay chef sa likod.

Napahilot ako sa batok ng nabakante. Malapit na ang end ng shift ko. Pagod na ako at hinihila na ng antok.

"Ano, kaya pa, girl?" tanong sa akin ni Mara, kapwa ko din waitress, ng huminto sa gilid ko.

Pagod akong ngumiti. "Ang dami kasing nag-check out kaya marami din kaming nilinis na kwarto at pinalitan na bedsheet kanina," kwento ko habang hinihilot ang balikat.


May tatlong oras pa akong pahinga bago ang call time ko sa restaurant kaya iginugugol ko iyon sa pahinga at paglilibot sa resort.

Nitong nakaraang mga araw, masasabi kong pinakamapayapa at productive na araw sa tanang buhay ko. Minsan sa umaga, bago ako magtrabaho ay tinatanaw ko ang dalampasigan. Si Vlady naman ay nakaka-video call ko. Mabuti na lang at may signal dito kung globe ang gamit mo. Madalas ko nga lang na natutulugan dahil sa pagod.

"Torry, gusto ka daw makilala ng kaibigan ni Adam." Siko sa akin ni Mara.

Kumunot ang noo ko. "Sinong Adam?"

"'Yung boyfriend kong galing England?"

"Huh? Iba na naman ba 'yan? Sabi mo sa akin noong isang araw si Dante galing sa Spain iyong boyfriend mo?"

Si Mara... matinik ito sa mga banyagang customer na kumakain dito. Lalo na pag-tipo niya, halos tumuwad na lang siya para magpapansin.

Mabuti na lang at nakukuha niya na ang mga natitipohan niyang lalaki. Marami ding nagkakagusto sa kanya kaya minsan ayaw ko ditong sumasama dahil kung kani-kanino na lang ako pinapakilala.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now