KABANATA - 9

6 2 0
                                    


"Welcome to Nirvana Resort! You are...?" Sinalubong ako ng isang maliit na maputing babae sa reception desk.

Ngumiti ako. "Vittoria," Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng mga pasilyo na tanaw mula sa reception desk. Hindi ako makapaniwala na ito ang ibig sabihin ng hindi pa 'develop' na resort ayon kay Don Lucciano.

The walls were painted in beige and there were graffitti in it. Nandoon din nakapinta ang masining na lettering ng 'Nirvana Company. The floors were in marbled tiles and two of the corridors was being lit with small chandeliers that were hanging from the ceilings. Sa isang pasilyo ay wala ng mga pader. Mga railings na lang kung saan mo tanaw ang beach front.

Medyo matao din at karamihan ay banyagang lahi. Na-excite tuloy ako! Parang pumayapa ang pakiramdam ko ng napalapit na ako sa dagat.

"Nice to meet you, Maam Vittoria," sabi ng babae at ngumiti sa akin. Halos matawa ako sa turan niya sa akin.

"Ako nga pala si Donna,"

"Nice to meet you din, Donna." Ngiti ko dahil nakakahawa ang ngiti niya. Hindi ko na din pinuna ang sinabi niya.

Mamamasukan na nga lang akong waitress dito ay gagawin pa akong amo.

"Ako kasi napag-utusan na ituro sayo ang tutuluyan mo at i-tour ka sa buong resort, Ma'am!"

Napangiwi ako sa tawag niya sa akin pero pinilit na ngumiti. "Ah, ganoon ba?"

Masigla siyang tumango. "Kaano-ano mo ba si Don Lucciano? Apo ka ba niya?"

Hindi ba sinabi sa kanya na bilang waiter lang ako dito at hindi bilang panauhin? Nakakahiya naman.

Ngumiti lang ulit ako at tumingin sa dagat. The turquoise water and the soft crushing of waves against the bay soothes me. Palawan truly is something astonishing.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy na lang siya.

"Shall we start?"

Ako naman ngayon ang excited na ngumiti. Nagsimula siyang naglakad at tahimik lang akong sumunod.

"Pupunta muna tayo sa tutuluyan mo para maiwan iyang bagahe mo. Ma-eenjoy mo ang tour Ma'am kung wala kang bitbit dyan," ani nito.

Sumang-ayon naman ako. Ilang liko pa ang ginawa namin bago huminto sa isang pinto. Nangunot ang noo ko na tumingin sa kanya.

"Dito? Bakit dito? Hindi ba dapat sa mga quarters ng staff ako matutulog?"

Huminto kami sa pinto ng isang kwarto na alam kong dapat ay para lang sa mga turistang dumadayo dito.

Room 29, ang sabi.

"Hindi pwede, Ma'am—"

Hindi ko na napigilan. "Vittoria na lang, Donna. Hindi ako nandito bilang turista. Andito ako para mag-trabaho," puna ko.

Napaatras naman ang leeg. "T-talaga?" naguguluhan niyang saad.

Tumango ako. "Bakit, sino ba ang nag-utos sa iyo at anong sabi niya?"

"Si Ma'am Dolores, 'yung manager namin. Sabi may dadating na babaeng green ang mata, kailangan ko daw tratuhin ng espesyal dahil ipinadala dito ni Don Lucciano," kwento niya.

"Mamasukan lang naman akong waitress dito, Dolores,"

Nagkamot siya ng ulo. "Ganoon ba?" nalilito niyang sambit. "Pero mahigpit na bilin ni Don Lucciano na sabi sa akin ni Ma'am Dolores na dito ka papatuluyin,"

Bumuntong-hininga ako bago tumango. Sige na nga lang. Kung tatanggihan ko ay baka isipin ni Don Lucciano na hindi ko ina-appreciate ang mga tulong niyang ibinibigay. He'll see me as ungrateful. At saka maabala ko pa si Donna, dahil hahanapan niya pa ako ng espasyo.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now