KABANATA - 29

6 1 0
                                    

"Kadarating mo lang?" tanong ko at nilakihan ang awang ng pinto para makapasok siya. Bumalik ako sa kama at sinikop ang mga gamit bago pinasok sa tote bag.

Nagpaalam siya sa akin kanina na may meeting siyang dadaluhan mismo sa headquarter. Wala naman akong masabi dahil ano ba dapat ang sabihin ko? Sa katunayan ay hindi naman na dapat niya ako ina-update sa mga gagawin niya. Ano ba kami?

Ramdam ko ang titig niya nang umupo sa gilid ko. Nanatili akong nakayuko, inabala ang sarili sa pag-aayos ng gamit. Kahit pagkatapos kong mag-ayos at tumayo, nag-iinit na ang gilid ng mukha ko sa diin ng titig niya.

"Ano?" dinaan ko sa tawa ang tanong. Nag-iinit ang dibdib ko sa lapit niya. May kung anong humahalungkat sa tiyan ko na hindi ko maintindihan.

His eyes were enough to weaken me. Sobrang ganda ng mata niya. His eyes speak what he truly feels. Pag galit ay dumidilim, pag masaya ay kumikinang, pag nababagabag ay malayo ang tingin, pag nagbabaga dahil sa makamundong pagnanasa ay lumalapot... at pag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay parating malumanay na titig ang iginagawad sa akin.

He's a rough and intimadating man, but most of the time when he looks at me, para akong babasaging manika. O na baka bigla na lang akong maglaho.

Imbes na sumagot ay hinawakan niya ang bewang ko at hinila sa kandungan niya. Pinulupot ko ang mga braso sa leeg nito.

"Ayos ka lang? Mukhang pagod ka," puna ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri.

"Not anymore." He nuzzled his face in my neck. "You feel home, Vittoria. It feels good being in your arms,"

Napakagat ako ng ibabang labi dahil nakikiliti ako sa stuble jaw niya. Tinulak ko ng bahagya ang balikat niya para magtama ang mga mata namin.

I cupped his jaws. Bahagya akong napangiti. Ang liit ng kamay ko sa mukha niya. Pinatakan ko ng halik ang namumula niyang labi.

Napangisi ako at napalapat ag kamay sa dibdib ng hinabol niya ang aking labi.

Nang sinalubong ko ang mga mata niya, naging hilaw ang ngiti ko. May mali sa mga mata ni Lucas.

"May nangyari ba?" nag-aalala kong tanong.

"Wala." Iling niya bago hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang palad ko.

Muli niya akong niyakap at inihilig ang ulo sa dibdib. Napalunok ako.

"Ano ba Lucas..." Pinilit kong kumawala pero hinigpitan niya lang ang hawak sa akin. "Malapit na ang shift ko—"

"I want to have sex with you, Torry."

Nanlaki ang mata ko. Napasinghap sa gulat kahit hindi naman dapat. Hindi na mabilang ang beses na may nangyari sa amin ni Lucas.

Humalakhak siya at ang vibration nito ay nagpatayo sa balahibo ko. Idiniin niya ang tenga sa aking dibdib. "Your heart's beating mad, baby,"

Siraulo 'to. Paanong hindi kakabog puso ko? Ano-anong lumalabas sa bibig niya!

Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siya sa ganoon. Bukod sa kinakabahan na ako dahil baka mamaya pagurin niya na naman ako, eh may shift pa ako!

"A-ayos ka lang ba talaga?"

"What will you do if I'm not?"

Natigilan ako saglit. Ano bang dapat kong gawin... "Mag-usap?" alanganin kong sagot. "O makinig? Pwede naman akong makinig sayo Lucas,"

Naramdaman ko ang pag-ngiti niya sa dibdib ko. Kinuha niya ang mga kamay ko sa leeg niya at sinikop iyon sa kandungan ko. Muling niyang pinalibot sa akin ang kanyang mga braso.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now