KABANATA - 19

5 1 0
                                    

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaki habang binabagtas namin ang pasilyo papuntang room ko.

Buong magdamag ay tahimik lang umupo sa tabi ko ang lalaki. Gagalaw lang kung magpapatusok ako ng marshmallow sa stick ko. Ang katahimikan niya ang kailangan ko para huminahon.

Nahiya lang ako ng nahimasmasan na at nawala na ang tama ng alak. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na pero nag-alok siyang ihahatid niya daw ako.

Hindi na ako tumanggi. Masyado na akong pagod. Isa pa mukhang wala naman siyang balak na masama. Magaan siyang kasama.

"Yours first,"

"Jinky," ani ko.

Pinanliitan niya ako ng mata. "So, you're not just a drunkard but a liar, too Torry?" diniinan niya ang pagkakabanggit ng pangalan ko.

Nag-init ang pisngi ko. "Alam mo naman pala itatanong mo pa." Irap ko. "Hindi ako lasingga! At paano mo alam ang tunay kong pangalan?!"

He chuckled. "Okay, tiger. You calm down. Narinig kong tinawag sayo kanina ng bartender," sabi niya. "What's your full name? Sasabihin ko din iyong akin pagkatapos. No more lies, please."

"First name lang," sabi ko.

"Whatever the lady wants,"

"Vittoria,"

Nanantya ang tingin niya sa akin bago tumango. "Maxim,"

Tumango din ako. "Nice to meet you, Maxim," sabi ko ng lumiko na kami at papalapit na sa room ko.

Bumagal ang lakad ko hanggang mapahinto ng makita si Lucas na nakasandig sa pinto ko habang nakapamulsa. His eyes were pressed shut while his head was tilted upward. His adam's apple protruded.

Sa mga hakbang namin ay napamulat si Lucas at bumaling ang tingin sa amin. Napatuwid siya ng tayo at dahang-dahang lumapit. Nakakunot ang noo nito at nakatiim ang bagang habang nakatingin sa taong nasa gilid ko.

And then his eyes went cold and hard.

Mag-a-alas-dos na. Kanina pa ba siya dito? Sabado bukas. Pinangako ko sa kanya na hahayaan ko siyang i-tour ako sa buong Palawan. Nasasaktan man ako at may pagtatampo, tutupad pa din naman ako sa usapan.

"Oh, I get it." Maxim said in an amused tone. "Kaya pala naglasing kasi may gulo sa paraiso," bulong niya pero ang titig ko ay nanatili kay Lucas.

"Who are you?" umalingawngaw ang malamig na boses ni Lucas. Lumapit siya sa amin.

Malamig niyang pinagsalin-salin ang tingin sa aming dalawa at nagpamulsa. Ang lamig at kaseryosohan niya ay pinabigat ang tensyon sa ere.

"Who is he?" Mariin niya akong tinitigan. Nangatal ako bahagya.

"Till next time, Torry," paalam ni Maxim. Umatras siya. "Nice to meet you, Vitttoria. I had fun spending the night with you." Tumalikod siya at naglakad palayo.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na humarang ng akmang susunod si Lucas sa kanya sa paglalakad. I put my hand on his warm chest.

"Lu— Elohim," Mabilis kong tinama ang tawag sa kanya.

Tinatawag siyang Lucas ni Astrid. Sinasabi niyang gusto niya tuwing tinatawag ko siya sa ganoong pangalan. Paano kung gusto niya ganoon itawag ko sa kanya dahil ganoon din ang tawag sa kanya ni Astrid?

Dinungaw ako ni Lucas. His eyes flashed with simmering anger. Kalmado siya pero ang galit ay nagkukubli doon. "Sino 'yun? Why are you with him?"

Binitawan ko siya at nilampasan. Nilabas ko ang susi. "Maxim ang pangalan niya. Ngayon ko lang siya nakilala,"

Sweet Vittoria ReignsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin