KABANATA - 15

6 1 0
                                    


"Ikaw bruha ka!" Pabirong hinaklit ni Mara ang buhok ko habang tinitingnan ako na parang nakapatay ng tao.

"Anong ginagawa ni Sir dito ha? Bakit siya andito? Ano, mag-uukay-ukay din 'yan?!" pabulong niyang sigaw sa akin pero noong lumingon si Lucas sa direksiyon namin ay ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

Tinawanan ko lang siya bago muling tinanaw si Lucas na nakikipag-usap kina Gerald, Jeff, Ronald at Simon. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila sa amin.

Turns out, marami pa pala kaming sasama. Since niyaya lang naman ako ni Mara ay ngayon lang ako na-inform na inaya niya din pala ang mga pinsan niya. Tuloy naghihintay kami dito sa iba pa.

Hinablot ni Mara ang balikat ko para mapaharap sa kanya. Sumimangot ako sa kanya. Hindi talaga ako tatantanan ng bruhang ito!

"Torry wag mo akong mangiti-ngitaan lang diyan. Boss natin iyan si Sir Elohim, at hindi lang basta-basta Boss! Tagapagmana 'yan, Sis," she hissed. "Sana nagsabi ka para napag-planohan ko kung paano umakto. Para ma-impress si Sir. Edi baka ma-promote pa ako!"

Tinawanan ko lang siya. "Magpapa-impress ka habang bibili ng mga damit? Ano, maghuhubad ka?"

"Pwede din," she grinned at me.

Nabura ang ngiti ko at malamig ko siyang tinitigan. Mas lalo siyang humalakhak at umatras palayo sa akin habang nakataas ang dalawang kamay.

"Woahh! Vittoria, kumalma ka! Biro lang naman," asar nito sa akin. I glared at her.

"Possesive tayo ah? Binabakuran mo na? Ano, nagtukaan na ba kayo? Rapsa ba si Sir Elohim?" she wiggled her eyebrows.

Na-e-eskandalo ako sa sinabi niya. Nagtrabaho na ako sa strip club at lahat-lahat pero minsan naiilang at nahihiya pa din ako sa mga ganitong usapan. Lalo na kung si Lucas ang sentro ng usapan.

"Ay namula!" parinig ni Mara. "Baka virgin pa? O baka isinuko na ang Bataan!" sinadya niyang lakasan ang sinabi.

Nanlaki ang mata ko dahil baka may makarinig! Ang sarap nitong ibaon sa buhangin.

Aabutin ko na sana ang buhok niya pero mabilis siyang umalis na humahagikhik. "Wag ka na manakit, Sis! Tawagan ko muna iyong mga pa-VIP kong pinsan!" tawa siya ng tawa at tumakas.

Inirapan ko lang iyon at tinanaw si Lucas. Sumulyap siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Muli siyang bumaling sa kausap niya at tila may sinabi dito bago naglakad papalapit sa akin.

May malisyosong titig sa mga mata nila Jeff. Malamang may iniisip na sila sa aming kakaiba.

"Hi." His low voice made me bite my lower lip. God, even his voice sounded so sexy.

Napatingin siya sa ginawa ko sa aking labi at tumikhim. Sabay kaming nag-lunch kanina at buong magdamag lang kaming nagkwentohan tungkol sa mga bagay-bagay. Sabay din kaming pumunta dito kaya halos lumuwa mga mata nila Mara noong makita nila kami. Kailan ko pang tanggalin ang kamay ni Lucas na nakahawak sa beywang ko dahil kung hindi ay baka nagsilaglagan na ang mga mata nila sa buhanginan.

Kung hindi niya pa sinabi ay hindi ko pa maaalala na may lakad pa pala kami. Ang sarap niyang pakinggan habang nagkukwento. He left me hanging with every word he says. He's very passionate on expanding their businesses to neighbouring countries.

He's an ambitous man, that's for sure. Ang dami niyang plano para sa negosyo nila. He wanted to conquer the business industry... and I know he will. One day, he'll be soaring up... and I wouldn't be able to hold him anymore.

Masyado siyang mataas para sa akin.

"Sabay tayong mag-dinner mamaya?" he asked.

Napangisi ako. "Lulutuan mo ako?"

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now