KABANATA - 32

4 2 0
                                    


Dahan-dahan kong kinalas ang braso ni Lucas na nakapulupot sa akin. Napapigil ako ng hininga ng gumalaw siya. Nakahinga lang ng maluwag ng bumalik na sa normal ang kanyang paghinga.

Nagtagis ang ngipin ko ng bumaba sa kama. Madilim pa at wala akong makita pero ramdam ko ang bawat markang iniwan ni Lucas sa katawan ko. Napatulala ako ng maalala sa mga nakalipas na oras.

My sex was swollen and sensitive from the endless rough sex and gentle love-making. My breasts were tender and bruised from too much sucking and groping.

Lumandas ang mata ko sa orasan. 4 na ng madaling araw na. Alas-tres natapos sa akin si Lucas. Pinatunayan niya ang banta. Paulit-ulit niya akong inangkin hanggang kahit sa paghinga ay nahihirapan na ako.

Papatulugin at papahingahin niya lang ako ng ilang minuto bago aangkinin ulit. Lumabas ang parte ng pagkatao niyang halimaw sa kama. He was an animal tonight. A hungry animal on full rampage because he was deprived of food for years.

Kahit sobrang pagod ko na, pumikit lang ako at sinabayan ang paghinga. Sa kabila noon ay pinanatili kong gising ang diwa. Hinintay ko siyang matulog para makakaalis ako ng payapa.

Akala ko ginawa ko ito para hindi niya ako madaling makalimutan. Bumalik lang sa akin ang intensyon ko. Dahil sa gabing ito, ako ang hindi siya kailanman makakalimutan.

Hindi lang katawan ko ang ninakaw at inalipin niya. Pati na ang puso ko. He finally made me realize how deep and raw my love for him is.

Hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula. Ang alam ko lang hindi na magwawakas ang nararamdaman ko sa kanya. Sobrang lalim na ng pinagbagsakan ko na kung gusto kong umahon, habang-buhay ang oras na kakailanganin ko.

Tumayo ako at pinulot ang roba sa sahig. Pumihit ako paharap para titigan ang lalaking unang minahal... at minamahal ko.

Bahagyang nakasampok ang kilay nito at may tikwas ng buhok ang tumatabon sa kanyang noo. Lumipat ang tingin ko sa kamlot at kagat sa leeg at braso nito. Naiwanan ko din siya ng marka ng hindi namamalayan.

Hinawi ko ang buhok sa kanyang noo at hinalikan ito. "Mahal kita," bulong ko. "Pero hanggang dito nalang."

Tumalikod ako at naglakad palayo. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha pero hindi na ako nag-abalang pinalis ito. Kaonti lang naman ang gamit ko kaya mabilis akong nakapag-impake. Nasa akin na din ang sahod ko. Hoodie at pantalon ang suot para hindi kita ang mga markang iniwan ni Lucas. May nakita pa akong kiss marks sa mga hita ko.

Mabuti na lang at may sasakyan kahit maaga pa. Pumara ako at sinabi ang address ng mansyon ni Don Lucciano. Nang nahinto na ako sa destinasyo ay bumaba ako at nag-door bell sa malaking gate.

Nagulat si Manong Allan, ang isa sa guard nila dito ng makita ako. "Oh Torry ang aga pa ah?"

Pagod lang akong ngumiti. I can still feel Lucas in my mouth, breasts, between my things and with all of me. "May ipagpapaalam lang sana kay Don Lucciano Manong,"

Tumango si Manong at iginiya ako paloob. "Gising na din siguro si Don Lucciano. Sige pasok ka muna,"

Pagkasabi noon ni Manong, tumagos ang tingin ko kay si Don Lucciano na nagkakape sa balkonahe ng kanilang masyon. Alas-sinco pa lang. Sa edad ni Don Lucciano ay hindi na din kataka-taka na maaga siya gumigising.

Kumunot ang noo niya at nangiti ng nakita ako. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. Tuluyan siyang tumayo ng nasa harap niya na ako.

"Look what we have here," ani nito at sinikop ako sa isang yakap. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Agad kong pinanatiling normal ang paghinga para hindi maiyak sa mismong harapan ni Don Lucciano.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now