01

277 24 6
                                    

                                Chapter 01

"PAMBIHIRA kang bata ka oh, mahuhuli ka na sa klase mo." humihikab akong bumangon nang dahil sa patuloy na pag-katok at pagtawag ni Manang Celia sa kwarto ko. Inaantok pa'ko pero wala naman akong choice dahil gising na rin naman ako kaya agad kong tinignan ang alarm clock ko.

7:01 am

Shit. Late na'ko! Magsasara na ang gate ng school in about twenty-five minutes.

Agad akong nagtungo sa banyo pagkatapos ay mabilis na naligo at nagsipilyo. Mabilis rin ang pagbihis ko ng uniform at kumaripas na bumaba patungo sa kusina.

"Oh Happy. Kumain ka muna anak, bilisan mo na lang dahil late ka na sa klase mo." si mama nang lingunin ako habang nagluluto.

"Ma, teka! Nasaan na si Kuya?" agad kong tanong kay mama na siya namang nakatalikod na sa akin. Naamoy ko ang niluluto niyang bacon and egg.

"Kalalabas lang ng Kuya mo –"

"Thank you ma!" Lumapit ako sa kanya sabay halik sa pisngi para magpaalam.

"Kumain ka muna! 'Wag na 'wag kang magpapagutom."

Kumuha ako ng dalawang piraso ng tinapay saka mabilis na nilagyan ito ng bacon. Instant sandwich!

"Okay na 'to ma." Nakangiting hinarap ko si mama saka mabilis na lumabas ng bahay. "Love you!"

Narinig ko pa siyang pinagsabihan ako pero mas inuna kong hanapin si Kuya. Nakita ko naman agad siya na inilalabas ang bike niya mula sa gate ng bahay namin.

"Kuya! Teka lang! Paangkas." Mabuti nalang at naabutan ko siya. Kung maglalakad kasi ako ay siguradong late na talaga ako. Kung magti-traysikel naman ako ay siguradong late pa rin ako dahil nasa labasan ng village pa ang pila ng mga traysikel. Malamang napakahaba na ng pila ro'n.

"Oh ano? Late ka na naman?" Natatawang sabi niya pero sinimangutan ko lang siya bago umangkas sa bike niya.

"Kung maka-late ka naman, ngayon nga lang eh." Depensa ko. "Late na tayo, tara na.. bilis!" I intended to tease him kaya biglang bumusangot ang mukha ng kapatid ko.

"Maka-utos ah! Bike mo? May bayad 'to!"

"Hahatian nalang kita ng sandwich." I grinned at nginitian ko siya nang pilit kaysa makipag-asaran pa sa kanya. Late na nga kami eh! Umiling si Kuya at nagsimulang nalang magpadyak ng bike niya.

Labin-limang minuto rin ang layo ng school namin mula sa bahay. Kung lalakarin siguro ay mga dalawampu't limang minuto naman.

Papunta sa school ay matatanaw mo ang ganda ng bayan namin. Walang gaanong polusyon hindi tulad ng nasa Maynila. May mga traysikel at jeep naman rito pero mangilan-ngilan lang. May mga kotse rin naman pero napaka-kaunti lang rin.

Ang kagandahan rin sa bayan namin ay walang bahid ng mga kung ano'ng modernong istruktura. Tulad nung mga napapanood at nakikita ko sa T.V. at magasin na naglalakihang mga buildings. Puro matatayog at berdeng mga puno ang nagapapasariwa ng hangin dito sa probinsiya.

Madadaanan namin ang plaza at simbahan. Medyo may kalumaan na ang simbahan sa bayan namin pero napakaganda pa rin nito at napakalaki pa. Lumulutang pa rin ang eleganteng disenyo nito simula noong itayo ito sa panahon ng pananakop ng Espanya.

"Sandwich ko?" Bigla akong natauhan sa pagmumuni nang mapagtantong nasa school na pala kami.

"Kumain ka na eh." Reklamo ko habang pina-park ni Kuya ang bike niya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Wala akong nagawa kung hindi hatian siya ng sandwich na baon ko bago siya talikuran.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon