03

103 15 3
                                    

Chapter 03

"ARIES?!" Nanlaki ang mata ko nang makitang si Aries ang nakabangga ko. Napuno ng berdeng pintura ang puting uniform ko. Natalsikan rin ng kaunting pintura ang mukha ko pati ang kulay peach kong bag. Ganoon rin ang nangyari sa uniform niya, napuno ng pintura.

Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante lalo na at malapit kami sa lobby.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Inalalayan niya akong tumayo ngunit biglang nadulas ang kamay ko nang subukan kong angatin ang katawan ko para makatayo. Kaya naman ay sumubsob nang tuluyan ang mukha ko sa dibdib niya.

Gusto kong maglaho sa oras na 'yon dahil sa kahihiyan. Parang nag-init bigla 'yung paligid. Pakiramdam ko ay nakuha namin ang atensyon ng mga naglalakad na estudyante at pinagpipyestahan na nila ang eksena namin.

Kahit hindi ko igala ang paningin ko ay ramdam kong pinagtatawanan na nila kami.

"Uh, Pres?" He slightly poked my shoulder just enough for him to get my attention. "Pwede ka na bang tumayo?"

"H-Ha?" Nauutal kong tanong, hindi ako makapagisip nang maayos sa sitwasyon namin ngayon.

"A-Ano kasi.." napunta ang paningin niya sa kamay kong nasa may ano niya. "B-Baka kasi.." hindi niya maituloy ang sinasabi at iniwas nalang ang tingin niya sa akin.

Bigla kong naramdamang nag-init at mukhang namumula na ang mukha ko kaya pinilit kong tumayo sa marahang paraan. Sinigurado kong hindi na ako madudulas.

Gusto kong humingi ng pasensiya dahil sa kamuntikan ko nang masagi ang ano niya – ah basta! Ang awkward na tuloy!

Teka nga, kasalanan niya rin naman. Hindi ko yata nakakalimutang puno ng berdeng pintura ang uniporme ko.

Nang makatayo siya ay inayos ko ang sarili ko. Pinulot niya ang lalagyan ng pintura na ngayon ay wala nang laman. Lahat ay nagkalat na sa sahig.

Tinignan ko ang mga estudyanteng kanina ay nanonood sa amin na ngayon ay unti-unti nang nagsisi-alisan at kunwaring patay-malisya sa nasaksihan nila.

Nilingon ko si Aries na nakanguso na sa harapan ko, gusto kong sigawan at magalit sa kanya pero ayokong gumawa ng panibagong eksena. "Ano? May sasabihin ka ba?" Inis kong tanong sa kanya.

"Sorry. May extra shirt ako at P.E. pants sa locker. Kukunin ko lang."

"Wag na!" mahinang singhal ko. Kahit kumuha pa siya ng pamalit ay paniguradong malaki sa akin ang mga 'yon dahil obvious naman na maliit ang pangagatawan ko.

"Bakit naman?" he asked, confused. But after few seconds ay bigla nalang siyang ngumiti ng nakakaloko.

Pinagtitripan niya ba ako?

"Meron akong sariling pamalit." sabi ko sabay irap at pinulot yung bag ko.

"Wala naman akong sinabing wala kang pamalit." he said, as if stating a fact. What's worse is yung nakangiti pa rin siya.

"H-ha?"

"Kailangan ko ring magpalit Pres." Natatawang sabi niya. "Ahh. Iniisip mo sigurong papahiramin kita ng damit no?" tanong niya at mas lumapad pa ang ngiti ng loko.

"A-Anong?! Hindi no!" Inis ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad papunta sa banyo.

"Uy Pres! Biro lang!" narinig ko pa ang tawag niya pero hindi ko na siya nilingon. May pagkakataon pang nadudulas ako dahil may pintura rin sa sapatos ko.

"Oh anong nangyari sayo?" Biglang sumulpot si Alex sa harapan ko at tinignan ang kabuuan ko. "Halika ka nga." Hinila niya ako papasok sa banyo.

Gusto kong maiyak sa mga oras na 'yon. Gustong-gusto kong magsumbong kay Alex at umiyak na parang bata. Una ay dahil sa kalokohan ni Ollie at 'yung isa ay dahil sa ginawa sakin ni Aries.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon