17

51 4 0
                                    

Chapter 17

"TORI, kanina pa ako nagtetext sayo. Wala ka bang load?" Himutok ni Ollie, kanina pa niya ako kinukulit at inaabala sa pag-isnab ko raw sa kanya. "Gusto mo pasahan kita ng load?"

"Olivia, marami pa akong gagawin. Mag enjoy ka nalang sa paglilibot sa mga booth. Shoo. Shoo!" Kahit anong gawin ko ay ayaw niyang umalis.

"Paano naman ako mag-eenjoy eh wala naman akong kasama." Aniya at mas bumusangot pa ang mukha nito saka nagpameywang. "Si Emanuelle ayun kasama ang pinsan niya. Si Alexis kasama ang tropa niya. "

Masyado namang loner to'ng kaibigan ko. Mukhang kawawa naman.

"Si Pau naman, ayun nakikipaglandian sa mga soccer players. Kainis yun! Iwan ba naman ako! Pinagpalit ako sa mga pawisang may anghet!" Reklamo pa nito.

Gustuhin ko man siyang samahan gumala ay hindi pu-pwede dahil kailangan ko pang tapusin ang natitirang oras ng shift ko. Hindi porket maraming volunteer eh maglalakwatsa lang ako.

"Eh di.. yayain mo nalang si Ivan." Suhestiyon ko pero sinimangutan niya lang ako.

"Yuck. Ba't ko naman yayain 'yun?"

"Eh bakit naman hindi? Close naman kayo ah.. da-dati." Dagdag ko pero biglang natahimik si Ollie. Minsan naisip ko baka kailangan rin prumeno ng bibig ko.

Ewan ko ba bakit laging mainit ang ulo niya kapag pinaguusapan si Ivan. Simula pagkabata ay magkaibigan na sila. Pero nitong taon lang ay biglang nag-iba ang pakikitungo ni Ollie kay Ivan.

Ayaw rin naman namin kulitin si Olivia na ikwento sa amin ang nangyari dahil kung gusto niya talagang sabihin sa amin 'yon ay matagal na niyang ginawa.

"Bilisan mo nalang, okay? Aish! Tulungan na nga lang kita para matapos na shift mo."

Mabilis ko ngang natapos ang mga ginagawa ko sa SC dahil sa tulong ni Ollie. Maganda na rin 'yun dahil gusto ko rin naman maglibot pa ng school. Andami pang booths na pwede naming puntahan.

"Tapos na!" Bulalas ni Ollie at mabilis niya ako inayang umalis.

Ngunit hindi pa man kami nakakalabas ng SC room ay biglang tumambad si Lucas sa may pintuan nito.

"Lu-Lucas?" gulat na gulat si Ollie na para bang isang himala ang makita si Lucas sa harapan niya. Hindi ko rin naman siya masisi. Sa mga naging kaklase namin noon, si Lucas ang bihira lang namin makita. Kung hindi ito absent ay tulog lang ito tuwing may klase. "Long time no see!" bati ni Olivia at itinaas ang kamay para makipag apir kay Lucas pero tinapunan lamang siya nito ng masamang tingin. "N-No talk rin. Hehe."

Hindi naman pinansin ni Lucas ang kakulitan ni Olivia at mabilis na lamang pumasok ng SC room.
Inilapag nito ang mga kahon na tingin ko ay mga pagkain ang laman.

"Maraming natira?" Tanong ko. Ang alam ko ay isa siya sa mga nagdi-distribute ng mga cookies at mga tsokolateng hugis puso sa may SC booth.

"Kainin niyo nalang." Aniya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Mabilis kumuha si Ollie ng mga natirang cookies at nagbulsa pa ng ilang piraso.

"Huy! Mahiya ka nga." Pagsita ko sa kanya. Gusto pa yatang ubusin yung mga dinala ni Lucas.

"Kaysa naman mabulok dito! Ang KJ mo talaga Pres!" Aniya habang binabalatan ang cookies. Nakabalot kasi ito sa plastic gamit ang isang ribbon. May nakalagay rin na papel na may mga message o kaya quotes doon sa balot ng bawat cookies.

Kumuha pa si Ollie ng isang pirasong cookie at mabilis iyong inilagay sa bag ko.

"Teka. Maiba nga tayo, anong ginagawa ni Lucas dito?" Usisa niya habang pinapapak ang cookies na hawak.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon