13

40 6 0
                                    

Chapter 13

"CLASS. Paki-usap, tumahimik kayo."
awat ni Sir Flores sa buong klase. Sobrang ingay ng lahat nang ina-announce ni Sir Flores na matutuloy ang JS Prom.

Matagal na kasing tinanggal ng school ang pagkakaroon ng JS Prom dahil sa may nangyari raw noon sa school. Puro haka-haka lang naman 'yon pero wala talagang nakakaalam ng totoong dahilan.

Ngayon, everybody's elated dahil matutuloy na ulit ang JS Prom. Hindi raw kasi kumpleto ang highschool life mo if you never experienced attending a JS Prom.

"Quiet class. Utang na loob." Nasapo nalang ni Sir Flores ang noo dahil hindi nakikinig ang mga kaklase ko.

I also wanted to be excited pero badtrip pa rin ako. Wala talaga ako sa mood. Parang hindi nga ako nakatulog dahil naiinis talaga ako kagabi. "Guys, tahimik na raw.. please." napatayo ako nang wala oras at sabay-sabay silang napatingin sakin. May mga mangilan-ngilan na masama pa akong tinignan.

"Epal." Rinig kong bulong ng isang kaklase ko. Bumulong pa eh rinig naman!

Bakit ba sila ganyan makareact? Hindi ba nila nahalatang ang bastos na nila? Isa pa, hindi na nila nirerespeto ang teacher sa harap! Eag talaga nila ako susibukan ngayon dahil wala talaga ako sa mood.

"Respeto naman!" Biglang singit ni Ollie.

Nagpatuloy si sir Flores sa pagpapaliwanag ng gaganaping JS Prom. Isa kasi siya sa mga mamumuno sa event na'to at mukhang excited siyang ishare sa'min ang mangyayari sa rito.

"Kaya ngayon palang ay subukan niyo nang maghanda. You have all the time to prepare your attires and some of you will have the chance to perform."excited na sabi ni Sir Flores, napapangiti pa nga siya nang ikwento niya kanina ang experience niya sa JS Prom noong kabataan nito. Bata pa naman siya, meron rin siyang baby face.

"Sir!" Nagtaas agad ng kamay si Ollie. "Required po bang may ka-date?!" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Olivia. Ako tuloy ang nahiya para sa kanya.

"Uhm. Hindi naman. Pero matik naman na you can have dates. Naalala ko noon.. actually hanggang ngayon ay tradisyon pa rin ang pag-aaya ng mga lalaki sa mga babae para maging ka-date nila sa prom!"

Bigla naman tinukso ng lahat si Sir Flores. Blooming na bloomong kasi siya nung mga nakaraan. Tas excited pa siya sa mga gan'tong topic.

"Ako nalang sir! Yayain mo!" Sigaw ni Paulo.. a.k.a. Paula. Ang beki kong kaklase. Paulo siya sa umaga at Paula naman sa gabi.

"No sir! Ako nalang!" Mas nagulat ako nang sumingit sa Olivia. Nakikisabay rin. Aba! Anong nakain nito ngayong araw at napakabibo niya? Bida-bida!

Natawa nalang ang buong klase sa kanila.

Dumating ang break at usap-usapan pa rin ang gaganaping JS prom. Gaganapin raw iyon bago matapos ang klase this year. So basically, baka mga second week ng March.

"Yayain ko kaya si crush?!" Rinig kong bulong ng mahadera kong kaklaseng si Lovely sa mga kaibigan niya.

"Girl onting hiya! With class dapat tayo. Tayo dapat ang inaaya! Sa ganda nating 'to? Like, duh!" Sabat naman ng isa kong kaklaseng si Peaches.

"Tss. As if. Asa." Napalingon ako kay Ollie nang dahil sa sinabi niya. Mahina lang 'yon pero sapat na para marinig nga iba na malapit sa amin.

Masama naman siyang tinignan ng mga mahadera kong kaklase.

"Ba't ba ang daming epal dito sa klaseng 'to?!" Parinig ni Peaches. "May multo ba dito,? Kasi sabat nang sabat eh. Hindi naman kinakausap."

Nagulat ako nang biglang tumayo si Ollie. Agad ko siyang pingilan nang biglang sumingit si Paulo.. este.. Paula sa usapan.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon