33

55 3 2
                                    

Chapter 33

Huminga ako nang sobrang lalim. Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan ako ngayon. Tama ba 'tong napuntahan ko?

Nakatayo ako ngayon sa harap ng matayog na gate ng isang napakalaking mansiyon. Bibisitahin ko kasi si Aries at dito ang address na ibinigay sakin ni Ivan.

May ganito pala kalaking bahay sa probinsiya namin? Presidente ba ang nakatira dito? Nakakalula eh.

Kung sa ganito pala kalaking mansiyon nakatira itong si Aries eh bakit pa siya nagtatrabaho?

Nagdala rin ako ng cake dahil birthday pala nitong si Aries. Mabuti nalang pala talaga naisipan kong bumisita. Nagpaalam lang ako kay mama dahil nasa school naman si Kuya para sa graduation rehearsal kaya walang pipigil sa'kin. Nang malaman nga ni mama na pupunta ako kila Aries ay mas excited pa siya kaysa sa'kin! Gusto pa nga niya sumama pero nakakahiya namang pabigla-bigla kaming pupunta na dalawa na walang pasabi.

I pressed the doorbell button. Pagkalipas nang ilang segundo ay wala pa ring lumalabas na kahit sino kaya patuloy ang pagdo-doorbell ko.

"Sino 'yan?!" biglang may lumabas na matandang babae at binuksan ang gate. "Sino ho sila?" tanong niya ulit.

"Ah. Ako po Si Tori, kaklase at kaibigan ni Aries. Dito po ba siya nakatira?"

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siya ngumiti. Pero yung ngiti niya sobrang pure. "Oo dito nga siya nakatira. Pasok ka hija."

"T-Thank you po."  pumasok ako at habang naglalakad ay bumungad sa akin ang isang napakalaking garden. May malaking fountain sa gitna noon at napakarami ring mga bulaklak.

"Ngayon lang may bumisita sa batang iyon." natigil ako sa sinabi ni Manang. "Hija? May problema ba?"

Paanong ngayon lang? Marami namang kaibigan si Aries hindi ba?

Umiling ako at ngumiti. "Ang ganda naman po ng garden niyo."

"Alagang-alaga ni Aries ang mga halaman diyan. Siya rin ang nagpapanatiling malinis ang paligid nito."

"T-Talaga po? Siya po ba ang hardinero dito?" Naisip ko lang na baka namamasukan siya dito kaya siguro hindi niya kasama ang lolo at lola niya sa kanila. Tas nagtarabaho pa siya sa restobar. Ganoon ba siya kasipag?

Natawa naman si Manang. "Halika na muna sa sala. Tatawagin ko lang siya." sabi ni Manang at tuluyan nang umalis. Pinalagay ko muna sa kanya  sa ref 'yung dala kong cake.

Pagkapasok ko ng bahay ay lalo akong nalula dahil sa high ceiling at napakalaking chandelier sa gitna ng living room.

Naupo ako sa isang napakalambot na sofa na mukhang mas malambot pa sa kama ko.

Pagbalik ni Manang ay may dala na siyang juice at tinapay. "Kain ka muna. Antayin mo nalang at naligo pa 'yon sa labas. Nag-ayos kasi ng kotse sa garahe ang batang 'yon. Nagulat nga siya nang malaman niyang may bisita siyang magandang dalaga. Hihi."

I don't know how to respond. Ako? Maganda? Si Manang joker din eh. Ngumiti nalang ako bilang tugon.

Saglit na nakipag-usap sa'kin si Manang at kinamusta sa akin si Aries.

"Marami po siyang kaibigan at mabait ho siya. Matalino rin ho siya pero.."

"Pero?" Naku, pwede ko bang sabihin na umabsent siya noong finals?  "Ah wala po." sabi ko nalang at pilit na ngumiti.

"Talagang mabait at masipag ang batang 'yan kaya hindi nakapagtatakang marami rin siyang kaibigan. "

Nagpaalam rin agad si Manang nang bigla may tumawag sa kanya. Nalaman ko nga na hindi talaga siya dito nagsi-stay. Nagpupunta lang siya kada weekend sa mansiyon para maglinis. Dati siyang namamasukan dito pero simula nang mag ka-apo siya ay paminsan-minsan nalang siya nagpupunta rito.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon