24

30 3 0
                                    

Two days ago nang yayain ako ni Cy na maging prom date niya. Nasabi ko nga pala kay Ollie 'yung nangyari. Ayun napaka-ingay na naman niya. Hindi ako tinantanan.

"By the way bestie, mamaya na raw darating 'yung mga gowns! I'm so excited!" she exclaimed. Kanina pa siya hyper dahil tatlong araw nalang ay prom na. "Hindi na bale walang date basta rarampa tayo!"

Ewan ko ba rito kay Ollie. Marami namang nag-aaya sa kanya for the prom pero lahat tinanggihan niya. Ang choosy talaga. Papayag lang raw kasi siya kapag si Chris ang nag-aya sa kanya.

Nandito rin ngayon si Ems dahil nagdala siya ng mga mangga na pinabinigay ng mommy niya.

"Ikaw Emmanuelle? May nabingwit ka na bang date para sa prom?"

"Ah-eh.. wala pa. Actually kahit wala. I don't even have plans to go sa prom." sabi ni Ems.

"What?! Bakit naman?! Guys naman, ako lang ba talaga ang excited dito? Teka, gusto mo hanapan kita?" Ems shook her head. Ang kulit talaga ni Ollie. "Bakit ba ako nagkaroon ng mga inosenteng kaibigan. Huhu."

Natawa kami ni Ems. Kung si Ems lang rin naman ang pag-uusapan, gets ko naman kung ayaw niyang pumunta. Ayaw nga niya ng kahit anong maingay o nakakaubos ng energy na activities. Introvert rin kasi 'tong kaibigan namin. Kung introvert ako, mas introvert siya.

"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit diyan?" ako naman ngayon ang nakita ni Ollie.

"Pagod lang." Totoo naman. Nagrereview kaya ako sa gabi.

"Hindi ba dapat masaya ka dahil prom date mo ang crush mo! Ipapaalala ko lang sa'yo na ka-date mo si Cyrus. Si Cyrus lang naman!"

I released a heavy sighed. "I know.. Pero.."

"Pero?" she continued. Pinaningkitan niya ako ng mata.

Well, masaya naman talaga ako. Sabi nga ni Ollie, Si Cyrus na 'yan eh. Marami ang nangangarap na maka-date siya. Kahit ngitian lang sila ni Cy ay parang dream come true na. Ano pa kaya 'yung yayain kang maka-date?

Actually, medyo napapaisip rin talaga ako. Nacu-curious ako na sa dinami-rami ng babae sa school eh bakit ako ang inaya niya? Pwede naman ang kapatid niya, o si Ems o si Ollie, o kaya si Amanda. Bakit naman ako?

"Pero dahil ang ingay mo nawala excitement ko!" biro ko. Mang-intriga ba naman 'tong babaeng 'to. "Masaya nga ako oh! Yehey!"

"Iba ang masaya lang sa tunay na masaya." ulit niya pa. Hay na'ko, ano na naman ba ang nasa utak nito?

"Oh shocks! Nakalimutan ko. Nandito ba si Aries?" tanong ni Ems. "Kailangan ko nga pala siyang makausap tungkol sa school paper. Kailangan ko siya ma-interview."

"Aba ewan ko ron. Kahapon absent ngayon naman–nasaan na nga ba 'yun?" Ollie asked habang nakatingin sa'kin.

l just shrugged. Malay ko ba kung nasaan siya. Hindi na kami nakapag-usap since noong Monday na inindian niya ako. He never replied to my message when I said 'Thank you'. Kahapon naman absent siya. Pumasok naman siya today pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Bahala nga siya sa buhay niya.

Nang matapos ang break time ay agad namang nagsimula ulit ang klase. Lahat naman kami sa class ay present maliban sa isa. Nasaan na naman ba 'yun? Kanina lang nasa first period pa siya ah.

Dumating ang lunch time at doon ko naman napansing pumasok si Aries sa classroom. Kinulit pa nga siya ng ibang girl classmates namin. Pati nga kung sino ang prom date niya ay tinanong rin nila. Kaninang umaga nakita ko pa nga siya, may naginvite sa kanya pero ayun tinanggihan naman niya. Siguro may ka-date na siya. Pero grabe, naaawa ako doon sa mga binasted– este tinangihan niya.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon