10

66 10 0
                                    

Chapter 10

"TORI, okay ka lang?" Tanong ni Ollie.

Nilingon naman ako ni Alex at Emanuelle na abala sa pamimili ng mga casette tape para patugtugin.

"O-Okay lang."

Agad kong tinago ang phone ko at palihim na pinalitan ang ringtone no'n para mag-vibrate nalang kung sakaling may magtext man o tumawag.

Nahiga ulit ako at nagpatuloy sa pagkukwento si Ollie ng mga kung anu-anong bagay. May pagkakataong kinukwento niya yung episode sa Tabing Ilog na nakaligtaan naming panoorin nila Alex. Avid fan kasi kami ng show na 'yon.

Naikwento niya rin yung minsang pagbabakasyon nila sa Maynila nung nakaraang buwan para sa kasal ng pinsan niya at pagbisita niya sa tita niyang nag-aaral sa kolehiyo.

"Nako talaga kapag nakapasa ako sa Big 4 universities magpaparty ako!" wika ni Ollie.

"Ipasa mo muna Math mo Olivia." Natatawang sabi ni Alex.

"Oo na! Kayo na genius. Mga panira ng imagination. Hmp!"

Bigla ko naman naramdamang nagvibrate ang phone ko sa may ulunan.

Palihim akong nagtalukbong ng kumot at tinignan ang mga text.

From Aries:

Uy. Tulog ka na?

From Aries:

Prezzzzzzz.

From Aries:

Ang aga mo naman matulog. Cinderella lang, may curfew?

From Aries:

Nagugutom ako Pres. Wala akong kausap. Kausap ko 'yung pader.

Naging sunud-sunod ang mga text niya. Halos hindi ko alam ano rereplyan ko.

From Aries:

Magrereply ka o tatawagan kita?

Mabilis akong napaupo sa kama at sabay-sabay nagulat ang mga kaibigan ko.

"Ano na naman Victoria? Kanina ka pang hindi mapakali. May bulate ka ba sa puwet?" Angil ni Ollie.

"Wala." Agad na sagot ko at mabilis na lumabas ng kwarto nang mapansin ang tawag ni Aries.

Agad akong nagtungo sa may veranda at siniguradong walang tao bago ko sinagot ang tawag.

"Oh?!" Medyo irita kong bungad sa kanya.

"Good evening!"

"Bakit?!"

"Ay? Sungit."

"Good evening. Oh bakit nga? Kailangan talaga tumawag?" pinilit kong walang makarinig sa usapan namin.

"Eh hindi ka nagrereply."

"Oh eh tapos? Malamang busy ako."

Biglang naman siyang natahimik bago muling nagsalita. "Wala lang. Gutom ako."

"Eh di kumain ka. Labo mo."

"Wala akong kasalo."

"Eh di yayain mo ang pamilya mo." Sabi ko at bigla na naman siyang natahimik.

"Walang pang tao sa bahay." malungkot niyang sabi. Ako naman ang natigilan.

"Anong oras na ah? Kumain ka na." Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon