15

66 7 0
                                    

                        Chapter 15

"TORI?" gustuhin ko mang magulat ay hindi ko na nagawa nang dahil sa takot na nararamdaman ko.

Naging banayad rin ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Aries. Pakiramdam ko ay ligtas ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya pero tanging hikbi lang ang naging tugon ko. "Uy."

Naramdaman ko ang malalim na buntong hininga niya at ang pag-upo niya sa tabi ko.

Ang paghaplos niya sa aking buhok ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa'kin. "Tahan na."

Pinilit kong pigilan ang sunud-sunod kong paghikbi pero ewan ko ba kung bakit mas naiiyak ako sa ginagawa ni Aries. He keeps caressing my hair kahit hindi ko siya kinakausap.

"Panget mo na nga, mas papanget ka pa niyan, kina-career?" Aniya at mabilis ko naman siyang hinampas sa balikat. "Nananaket? Aba!" Angil niya at tinapunan ako ng kung ano sa mukha.

"A-Ano 'to?" Usisa ko ro'n sa itinapon niya sa mukha ko. Paano'y nawalan na rin ng baterya yung mini flashlight ko. Napakadilim na tuloy ng paningin ko.

"Basahan."

"Aries!" kahit kailan talaga puro siya biro.

Kinapa ko 'yung itinapon niya and that's when I realized it was a handkerchief.

"Ba't ba ang high blood mo?"

"Eh puro ka biro eh!"

"Alangan naman takutin pa kita?"
Aniya at naramdaman ko naman siyang tumayo. "Ba't kasi mag-isa ka lang." Rinig ko pang bulong niya.

"May kasama ako."

Ngayon na nga lang kami ulit nag-usap, tapos ay ganito pa siya. Tusukin ko kaya mata nito.

Maya-maya pa ay inilahad niya ang kamay niya. "Tumayo ka na diyan."

Kahit hindi ko siya nakikita ay gumagaan ang pakiramdam ko. Maybe because alam kong hindi na ako nag-iisa. Kaya gad ko naman iniabot ang kamay ko sa kanya para alalayan ako. Ngunit nang malapit na akong makatayo ay bigla nalang may kung anong gumalaw sa paanan ko!

"Aaaaahhhhh!" malakas na sigaw ko. "A-Aries. U-Umalis na tayo rito, please." Paki-usap ko pa sakanya but I didn't receive any reaction from him at all.

Pinagtitripan ba ako ng taong 'to?

"Huy! Magsalita ka naman!" Inis kong singhal.

"M-Mahigpit."

"Huh?"

"P-Pwede ka nang bumitaw. Pero kung gusto mo talaga–" I heard him sighed heavily. "Okay lang naman."

Ano bang sinasabi ng isang 'to–

"Alam mo bang wala pang nakakalapit sakin.. nang gan'to kalapit?" suddenly I felt awkward kaya bigla nalang ako napabitaw sa pagkakayakap sa kanya!

Ano ba naman Victoria? Bawal nga ang PDA di ba?! Asan ba utak mo ngayon? Hindi ko naman sinasadyang yakapin siya. It's just an impulse!

"E-Eh ano tapos?" pinilit kong maging kaswal para hindi mailang.

"Wala naman. Share lang." iniwan niya ako at nauna nang maglakad. Kahit kailan!

Mabilis ko siyang hinabol pero sinikap kong hindi lumapit sa kanya. Ang kapal naman kasi ng mukha niya! As if gusto ko talagang yakapin siya.

Mabuti na nga lang kahit papaano ay may bahagi ng horror house na may mga ilaw.

Pero sa bahaging madidilim ay hindi ko naiwasang mapakapit sa kanya. Iwas dapa rin 'yon. Saka baka mabunggo pa ko.

"Kapit lang. Walang hubaran." kaswal niyang sabi. I felt my face blushed from embarrassment kaya nahila ko tuloy ang t-shirt niya! "Wala ngang hubaran, hinubaran mo naman! Chansing na 'yan."

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon