11

65 10 1
                                    

Chapter 11

MABILIS kong isinara ang pinto at agad na hinarap si Lucas.

"Kailangan kitang makausap." sabi ko pero hindi niya ako nilingon at panay lang ang paghahalungkat niya sa mga librong nasa bookshelf. "Lucas." I tried to voice it out with authority.

Lumingon naman siya at mabilis na ibinalik sa shelf ang librong hawak.

"Ano ba 'yon?"

"Nagrequest ka para sa dance troupe hindi ba?" biglang kumunot ang noo niya at nakangangang tumingin sa'kin.

"Ah. Oh tapos?"

"Susubukan kong kausapin ang teacher-in-charge ng drama club. Pero, hindi ko maipapangakong mapapayag ko sila."

Nagrequest kasi ang dance troupe kung maaring humiram sila ng isang kwarto sa school na pwede nilang pag-praktisan.

Matagal na kasing nagpapraktis ang dance troupe sa may field. Walang permanenteng quarters o practice room ang grupo.

Madalas pa ay sa labas nalang ng school nagpaparaktis ang grupo o kaya sa bahay ng kung sinong miyembro ng grupo.

"Ah ganun ba?" sarkastikong tanong niya.

"Lucas."

"Kung hindi pa naman pala sigurado dapat hindi mo na muna ako kinausap." aniya at lumapit sa pintuan at binuksan ito pero agad niya namang isinara muli. "Ah. Kinakamusta ka nga pala nila at panay ang tanong nila kung kailan ka babalik. Pero wag kang mag-alala, wala akong balak marinig ang sagot mo. Ipinapaalam ko lang sayo ang mga hinain nila." aniya at humarap ulit sa akin.

"Lucas, alam niyo namang-"

"Tanong nila 'yon. Wala akong pakialam kung bumalik ka sa dance troupe." sabi niya bago umalis ng kwarto.

Ilang saglit pa ay lumabas na rin ako at tumambad si Aries. Nakasandal siya sa pader na katabi ng pinto.

"Oh Pres! Nandito ka pala?" masiglang bati niya.

"Malamang. Eh ikaw, ba't ka nandito?"

"Ano.. napadaan lang." he stated and began scratching the bridge of his nose. "Dumaan kasi ako ng library. Alam mo na, studious eh." paliwanag niya kaya napangiwi ako.

"Studious ah?" tanong ko at itinuro ang Archie Comics na hawak niya.

Agad niyang itinago ang komiks sa likod niya. "Oo naman. Teka, pabalik ka na ba ng room?"

I nodded. Ano naman kaya trip ng isang 'to?

Mabilis akong naglakad at sinabayan niya naman ako.

Ito na naman at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Daig ko pa ang artista sa mga tingin nila.

Natigil ako sa paglalakad nang biglang humarang si Aries sa harapan ko at mabilis akong inakbayan.

Ngumiti siya nang pagkalapad bago impit na nagsalita.

"Please, sabayan mo nalang."

Giniya niya ako patalikod at muling naglakad pabalik sa kinaroroonan ng Student Council room.

Gusto kong magpumiglas pero sinasabayan niya ng lingon at pilit na ngiti ang bawat kilos ko.

"Aries!" biglang may sumigaw sa likuran namin dahilan para matigil kami sa paglalakad.

Marahang lumingon si Aries at sabay kaming humarap sa likuran.

May isang babaeng papalapit sa amin pero hindi ko ito kilala. Maganda, maputi, at sexy. Medyo maarte nga lang.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon