12

41 6 0
                                    

Chapter 12

"THANK YOU." Sa totoo lang ay kulang pa ang salitang 'thank you' sa laki ng naitulong sa amin ni Cy.

Halatang nabibigatan siya sa mga dala niya. Namili pa kasi ng mga kulang dahil nagpumilit si Glen, total nasa mall na rin naman raw kami.

"Ano ka ba, maliit na bagay. Teka, may bibilhin pa ba kayo?"

"Wala na. Thank you ulit." I really appreciate his gesture and for lending us his time.

"La 'yon. Babalik pa kayo ng school?" Nakangiting tanong niya at tumango naman ako. Kahit may tumutulong pawis sa mukha niya ay nagagawa niya pa ring ngumiti. Higit sa lahat, napakagwapo niya pa rin. "Samahan ko na kayo."

Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na niya pero sa loob loob ko eh gustong-gusto ko naman. Masyado naman yata siyang gentleman. Nakakahiya tuloy. Pinagbubuhat ko pa siya. Pakiramdam ko nakakaabala kami sa kanya.

"Uy okay lang. Kaya na namin 'to."

"Ay Pres hindi natin 'to kaya." biglang sabat ni Ashley. Gusto ko siyang kurutin dahil napaka-abusado niya.

Of course hindi nagpahuli si Glen at sumang-ayon rin agad. "Magco-commute lang kaya tayo? Aba wala naman tayong tsikot noh! Wag na tayong magpakamartir. Libre naman 'tong si Cyrus. 'Di ba 'tol?" Singit ni Glen sabay akbay kay Cy.

Gusto kong batukan si Glen sa mga oras na 'yon. Paano'y mas magaan pa ang bitbit niya kaysa kay Cyrus. Nakakahiya tuloy sa kanya. Parang ginawa namin siyang alalay.

Pero ayos lang ang lahat kay Cy. Mas na-iinlove ako sa kanya kapag ganyan siya. Napakabait niya kasi at matulungin. "Oo naman! Saka para naman 'to sa school event."

"Pero–" hindi ko natuloy ang pagsasalita nang bigla akong sundutin ni Ashley sa tagiliran ko.

"Ano ka ba Pres? Ayan na oh, nagpaka-good samaritan na 'yung tao. Tanggapin na natin ang tulong."

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag rin sa huli. Ayoko namang tanggihan ang pagmamagandang loob ni Cy. Baka kasi ano pang isipin niya.

"Kayo bahala."

"Ayos!" Biglang sigaw ni Glen. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

Napagpasyahan nga naming sumakay nalang ng tricycle kaysa sa jeep dahil sa dami ng pinamili namin. Pero hindi pa man kami nakakalabas ng mall ay biglang may sumulpot na asungot sa amin sa may exit ng mall.

"Oh! Nandito pa pala kayo?" Gulat na tanong ni Aries. "Pre ba't nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na." he rushed towards Cy.

"Nakasalubong ko kasi sila kaya heto." ipinakita ni Cy ang bitbit niyang mga paper bag. "Eh ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko kanina ka pa nakauwi?"

"Ah, umaambon kasi kaya sumilong muna ako." Aries explained rubbing the back of his neck.

Nakakatawang sabay-sabay kaming napatingala sa langit.

"Mukhang tirik na tirik naman ang araw ah?" Nilingon ko siya and he immediately avoided my gaze.

"Oo nga pre, parang hindi naman umambon."

"Mukha lang tirik 'yan pero kanina talaga maambon eh." Aries insisted at luminga-linga sa paligid saka kinalabit 'yung ateng guard. "Di ba ate?" Mahigpit niyang inakbayan ang babaeng security guard.

The guard was definitely confused and doesn't even know what to say. "Ha–"

"Hindi ba, ate?" Aries repeated his question raising both of his brows up-and-down saka may ibinulong kay ate. Hoy, kita ko kaya 'yon!

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon