05

89 16 0
                                    

Chapter 05

"IKAW?!" Sabay naming itinuro ang isa't isa. Agad nasapo ni Aries ang noo niya.

Nangunot ang noo niya at saglit nag-isip.

"T-teka ka nga. Wag mo sabihing ikaw yung may-ari niyan?" he asked referring to the letter that I'm holding.

"H-hindi no!" Tanggi ko.

"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong niya at humakbang papalapit sa akin kaya napaatras naman ako. "Kung gano'n, bakit ka nandito? Bakit mo kinuha 'yan sa'kin?"

"K-kasi.. S-sinabi ng kaklase ko na a-ako raw ang pumunta rito at b-bawiin yung sulat." ang hirap namang magpanggap. Kainis naman kasi 'tong si Aries! "Siya rin ang may-ari nito kaya pinapabawi na niya." paliwanag ko ngunit bakas sa mukha niya ang pagdududa.

Ilang saglit pa ay narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Kung siya man ang may-ari niyan. Bakit hindi siya ang humarap sa'kin?"

Bakit kasi andami namang tanong ng taong 'to?

"N-nahihiya siya." Gusto ko man na dugtungan ang sinabi ko ay hindi ko magawa. Naba-blangko ang utak ko. Tumangu-tango naman siya pero hindi ko sigurado kung ano ang iniisip niya.

"Ok." Simpleng sagot nito. Mukhang nakumbinsi naman sa sinabi ko.

"M-mauna na ako." Tumalikod ako sa kanya at mabilis na ng naglakad ngunit wala pa sigurong limang hakbang ang layo ko ay narinig ko ang pagsigaw niya.

"Happy!" kung tatanga-tanga nga naman talaga oh. Napalingon ako sa kanya!

Ang nakakunot niyang noo at salubong na kilay ay agad napalitan ng isang nakakalokong ngisi. Tumatawa siyang lumapit sa'kin. "Hindi pala ikaw ah."

"W-Wag kang lalapit sa'kin!" Saway ko ngunit pinagtitripan talaga ako ng loko at mas lalong lumapit sakin. Na-estatwa lang ako'ng pinapanood ang paglapit niya. Yumuko siya na naging dahilan para magpantay ang paningin namin. Tinignan niya ako sa mata habang hindi mawala-wala ang ngiti niya kaya nilabanan ko naman 'yung mga titig niya. Umaatras ako pero patuloy pa rin naman ang paghakbang niya papalapit sa'kin.

Ngumisi siya nang nakakaloko at sa oras na 'yon ay gusto ko siyang sapakin. "Happy? Happy? Happy!" Nanunuksong tawag niya at pigil ang pagtawa. Iginewang-gewang niya rin ang ulo na tila ba nakikipaglaro siya sa bata. Bigla akong nainis.

Kung pwede ko lang siya tadyakan ay ginawa ko na, pero hindi naman makitid ang utak ko na gumawa ng ganoong bagay ng dahil sa simpleng tukso. Inangat niya ang kanyang ulo habang nakapameywang saka nag buntong-hininga. Tinignan niya ulit ako at ngumiti nang sobrang tamis! "So, ikaw pala si Happy?"

Loko'ng 'to. pinagti-tripan nga ako. Tignan natin kung hindi ka magka-diabetes. Langgamin ka sana sa kakangiti mo.

"Bakit? Sinabi ko ba na ako 'yon?"

"Hindi. Pero hindi mo rin naman itinangging ikaw." aniya sabay ngiti ulit. "Kunwari ka pang namamasyal tas bigla kang pinapunta ng kaibigan mo rito? Hindi ka magaling magsinungaling Pres. Tsk tsk tsk."

Ayaw talaga niyang maniwala kahit ano pang sabihin ko sa kanya. Kung pwede pa nga akong magsinungaling eh pero wala akong lakas para magsalita at gumawa ng kwento sa utak ko.

"So crush mo 'ko?" Biglang tanong niya.

"A-Ano?! Kapal ah!" naiiritang singhal ko. "Hindi para sayo 'yon. T-teka nga, b-bakit nasa'yo ang sulat ko?"

"Ewan, nakita ko lang sa bag ko."

"P-Paano–"

"Teka, ang ibig sabihin hindi para sa'kin 'yon?" Ang nakangiti niyang mukha kanina ay nawalan na ng emosyon. Blangko at hindi ko makuha ang ibig sabihin no'n. Nagsalubong ulit ang mga kilay niya. "Eh para kanino 'yon?" seryosong tanong niya.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon