23

22 4 0
                                    

I immediately shut my door at dumiretso sa kama ko. Niyakap ko ang unan ko at saka nagtalukbong ng kumot.

Gusto ko sumigaw at ilabas lahat ng inis ko. Nag-away kasi kami ni Kuya. He confronted me about what happened nung Valentine's day. Nalaman niya pala 'yung tungkol sa nangyari sa'kin. Paano niya nalaman? That, I don't know.

Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling 'yung galit niya pero kasi hindi naman niya ako kailangan pagtaasan ng boses kanina. Narinig pa tuloy pati nila mama kaya nalaman na rin nilang lahat.

I would be lying if sasabihin kong hindi ako natakot sa nangyari sa'kin. Siyempre, natatakot pa rin ako. Since that day I became extra careful. Si Ollie lang ang nakakaalam sa mga kaibigan ko. Apart from her wala na. Bale si Kuya lang, Ollie, Patch, Kairon at Aries lang.

It's been more than a week na rin naman since that day at mukhang wala naman akong napapansing nagtatangka sa buhay ko pero siyempre hindi ko rin maalis sa utak ko ang curiosity kung sino ang may gawa at bakit nila 'yun ginawa sa'kin.

I calmed myself down at umupo sa kama ko then napansin kong tumunog ang phone ko.

From: Cyrus

Hey, nakauwi ka na?

Napangiti ako sa message niya. Kahit kailan ang sweet talaga ni Cy.

I replied to him na nakauwi na ako. Andami pa niyang text pero puro about sa finals lang.

We've been exchanging messages since last Valentine's day. Kinuha niya 'yung number ko noong naglunch kami sa canteen. Pero puro about school and acads lang rin napag-uusapan namin. Nangangamusta rin naman siya pero after that wala nang kasunod. Either babalik kami sa topic tungkol sa school o kaya naman wala nang nagrereply sa'min.

My phone rang again but this time. Hindi siya text. It's a call from Aries.

"Oh?"

"Ang sungit naman ng bungad."

"Ang dami mo namang load!" pwede naman magtext kasi kailangan talaga tumawag? Kung sa bagay. Katamad rin magtype.

"Para sa'yo marami." simpleng sagot niya then silence. Pakiramdam ko namula ang mukha ko. "Joke!" I heard him laughing on the other side of the line.

"Ah ganon. Humanda ka sa'kin bukas! I hate you!"

"Oops ang sabi ni Sister Grace sa'kin kapag sinabihan ka ng 'I hate you' dapat sagutin mo ng..." He stopped talking pero nakakainis dahil nag-aantay rin naman ako sa sasabihin niya. "... Thank you!" aniya at mas lumakas pa ang tawa. Nakakainis ba't parang kinabahan ako?

"Ha.ha.ha.ha.ha. Tumawag ka lang ba pa para asarin ako? Dahil kung oo, ibaba–"

"Uy wag. KJ naman!"

"Alam mo gutom lang 'yan."

"Mukha nga." I heard him chuckle pero parang may halong lungkot naman yata 'yung narinig ko.
"Maiba nga ako, may baon ka ba bukas?"

"Wala naman."

"Ah okay. Lunch tayo? Libre ko!"  anyaya niya. Ano naman nakain nito at gusto manlibre? Hmm sige na nga, libre naman!

"Fine. Basta libre mo ha?"

"Oo ba! Sige, ayun lang actually ang sasabihin ko kaya ako tumawag. Good night!"

"Good night." paalam ko at ibinaba na ang tawag.

Nilagay ko ang phone ko sa bedside table nang bigla namang nagring ulit. It was a text message from Aries.

From: Aries the Sleepyhead

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon