31

28 3 0
                                    

Chapter 31

"Hinahanap mo ba siya?" napalingon ako kay Ems. Katabi ko siya ngayon sa may balkonahe ng bahay namin. Ang mga kasama namin ay nagvi-videoke na kaya kami ni Ems ay pinapanood lang sila.

"Huh? Ako may hinahanap? Wala ah!" tanggi ko  pero kumurap lang siya at parang ayaw maniwala. "B-Bakit ko naman siya hahanapin?"

Unti-unting napangiti si Ems. "Sino ba ang
iniisip mo? Wala naman akong sinasasabing pangalan." Eh sino nga ba ang iniisip ko?

Fine. Nagtataka lang naman ako bakit wala siya dito. Birthday ko kaya! Akala ko ba friends na kami?

Ito namang si Ems minsan magugulat ka na lang sa mga sinasabi niya eh. Siya talaga 'yung kapag nagsalita o may sasabihin, alam mong seryoso siya at may sense ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. Malakas rin ang pakiramdam ng isang 'to kaya kahit hindi namin sabihin sa kanya ang mga bagay bagay ay nakukuha agad niya.

Huminga ako nang malalim. "Paano mo naman nasabing hinahanap ko siya?

Ngumiti ulit siya. "Hindi ko rin alam. Basta alam ko lang, kanina ka pa hindi mapakali at laging may hinahanap at inaantay makita 'yang mga mata mo." napatingin siya sa mga kaibigan namin bago ulit ibinalik ang tingin sa'kin. "Nandito naman kaming lahat na mga importante sa'yo. Of course maliban lang sa mga magulang mo which I bet you don't even expect them to see at the moment. But I can see that your eyes are looking for something – someone else."

Huminga ako nang malalim. "Ems.. I- I don't know. Siguro dahil friends kami? I mean.. fine. we're friends. Maybe 'yung presence niya sa buhay ko recently has been too much, ganoon siguro? Teka, why am I even explaining? 'Wag na nga natin siyang pag-usapan."

Napapangiting umiling si Ems. "I didn't ask for an explanation. Kahit hindi mo ipaliwanag nakikita ko naman lahat sa mata mo. Namimiss ko na ba siya?"

Muntik ko nang maitapon ang hawak kong juice sa sinabi ni Ems. "Joker ka! Hindi. Never."

"You should text him."

"No way." Bakit ko naman gagawin 'yon at ano naman sasabihin ko?

She patted my back."Ikaw rin." aniya bago lumapit kila Ollie.

Pagkatapos nilang kumanta ay dumating si mama at may dalang maraming pagkain kaya ayun kumain ulit kaming lahat.

"Anak, oh this is for you." iniabot ni mama ang isang maliit na box.

"Thank you ma!" I hugged her tightly.

"Oops. Hindi 'yan ang regalo ko."

"Huh? Eh kanino po ito galing?"

"That, I don't know. Nakita ko lang sa mailbox. Baka may nag-iwan lang sa friends mo. Nasa kwarto mo na ang regalo ko sa'yo." pagksabi ni mama nun ay agad akong lumabas ng bahay at pumunta sa gate kung nasaan mailbox.

Ewan ko ba. Pagkasabi palang ni mama na may nag-iwan sa mailbox ay siya agad ang naisip ko.

Lumabas ako ng gate at tumingin sa kaliwa at pati na rin sa kanan pero puro mga batang naglalaro at mga bumabyaheng traysikel lang ang nakita ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nalungkot. Nag-expect ba ako masyado? Ewan ko rin. Nasanay lang siguro talaga ako na sumusulpot siya kahit saan.

"Tori." Napalingon ako sa nagsalita.

"Cy, ano'ng ginagawa mo rito?" kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinago ang hawak kong box sa likod ko.

He chuckled. "Nagpapahangin lang."

Bigla kaming natahimik pareho. Nakakagulat naman kasi 'tong isang 'to. Hindi pa naman ako ready kausapin siya.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon