30

30 2 0
                                    

Chapter 30

"Ano pa gusto mo?" tanong ni Aries na nasa likuran ko. Nakapila kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang namin ng exam sa P.E. Ililibre raw niya kasi ako dahil mataas ang nakuha naming grade sa practical exam namin.

Ang sabi ko nga sa kanya ay 'wag na dahil nageffort naman kami pareho kaya hindi na kailangan na ilibre niya ako. Medyo mataas kasi ang nakuha naming grade sa P.E. Nagpractice kaya kami kahapon kahit Linggo kaya ayun mukhang nagbunga naman ang pag-practice namin ng badminton kasi nga i-gigrade kami as pairs.

Nagreview rin kami nang sabay sa municipal library para sa exam namin dahil exam week na! Mabuti nga at nakatakas ako kay Kuya dahil malamang hindi niya ako papayagan lumabas ng Linggo. Aside kasi sa nagsisimba talaga kami sa hapon ay family day rin namin ang Linggo at kailangan magkasama kami lahat as a family. Naka-videocall lang kami kay Daddy dahil kasalukuyan siyang nasa business trip.

Maaga akong nagising kahapon kaya nakatakas agad ako at kay mama lang nagpaalam. Puyat kasi si Kuya nang dahil sa prom. Eh ikaw ba naman kasi 'yung maging prom King ano. Oh di ba, ang taray ng kapatid ko!

"Hoy! Bakit si Tori lang tinatanong mo?!" sigaw ni Ollie na nakapila sa likod ni Aries. Nasa likod ko naman si Aries.

"Luh! Partner ba kita?!" sabat ni Aries kaya pinalo siya ni Ollie. "Joke lang! Eh kung magpalibre ka kaya diyan sa kasama mo?" turo naman niya kay Ivan na nasa likod lang ni Ollie.

Nilingon ni Ollie si Ivan at nagoffer naman ang isa na siya ang manlilibre pero tinanggihan agad ni Ollie ang alok nito. If I know, duma-damoves na 'yang si Ivan sa best friend ko.

"Ayoko nga! Di bale nang magutom!" nakasimangot na sabi ni Ollie. Binalik niya ang tingin kay Aries at masama itong tinignan. "May hindi ba kayo sinasabi sakin na dalawa? Pinopormahan mo ba best friend ko ha?!"

Napalingon naman ako kay Ollie nang dahil sa sinabi niya.

"Pinopormahan agad?!" Hindi ba pwedeng manlibre sa kaibigan?!" mabilis na depensa naman ni Aries.

"Bakit magkaibigan na ba kayo nito?" tanong ni Ollie sa'kin kaya napatingin ako kay Aries.

"Di ba friend?" sabi naman ni Aries at tinaas-baba pa ang mga kilay habang nakangiti.

"Bahala nga kayo! Ang ingay niyong dalawa."

"Not me." bulong ni Aries at humarap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Si Ollie naman ay kinulit na ni Ivan kaya sila nang dalawa ngayon ang nagbabangayan.

Kumapit naman ako sa balikat ni Ems na nasa harapan ko. Mabuti pa 'tong si Ems, tahimik lang. Minsan gusto kong sumama nalang sa kanya kapag masyado nang magulo ang paligid ko. Siya kasi tahimik. Bihira lang magsalita. Pero kapag nagsalita naman siya, alam mo talagang may kwenta at may sasabihin itong importante.

Turn na ni Ems kaya nagorder na siya. Sinabay ko na rin ang order ko para isang bayaran nalang.

Nang magbabayad na kaming dalawa ay pumunta si Aries sa harap at nag-abot ng bayad. "Hi Manang! Dito niyo na po ibawas ang inorder nila. Pa-order na rin po ng isang caldo!"

Napatingin ako sa kanya. Sinabing huwag na niya kaming ilibre pero nagpumilit pa rin siya.

"Minsan lang naman. Sagot ko na kayo ni Ems." bulong niya at habang sumusulyap kila Ollie.

Napahawak si Ems sa dulo ng blouse ko. Mukhang nahihiya siyang tanggapin ang libre ni Aries kaya nginitian ko nalang siya at tumango ako.

Sinilip niya si Aries at nginitian ito. "T-Thank you." sabi ni Ems kay Aries kaya kinindatan naman siya nito.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon