08

79 12 0
                                    

Chapter 08

"NAKAKAGUTOM talaga kapag klase ni Ms. Abello. Nakakainis! Gusto ko siyang kainin nang buhay!" wika ni Ollie habang tinutusok-tusok ang porkchop na nasa pinggan niya.

Napagdiskitahan na naman kasi ni Ms. Abello ang klase namin. Nagpa-surprise quiz siya ng twenty items ta's limang puntos ang bawat isa. Maraming hindi pumasa sa passing score na 85 kung saan tatlo lang dapat ang mali mo. Mabuti nalang at nakapasa ako.

"Ano ba kasi nangyari at napagbuntunan na naman kayo ni Ms. Abello?" tanong ni Alex na pinapapak ang Mik-mik na powdered candy.

"Eh paano? Kasalanan ba namin na napunit yung skirt niya nang umupo siya sa teacher's chair? Kasalanan ba namin 'yon? Tell me!"

Paniguradong malalagot na naman si Ollie sa mama niya. Paano'y kapitbahay nila si Ms. Abello at malamang ay ikukwento na naman nito sa mama ni Ollie ang tungkol sa grado niya.

Panay ang reklamo ni Ollie samantalang nakikinig lang sa kanya si Alex na mukha namang walang paki. Marahil ay sana'y na ito sa mga drama sa buhay ni Olivia.

"Uy nakikinig ka ba?" napalingon ako nang tinapik ako ni Ollie sa balikat.

Panay ang pag-iisip ko sa usapan namin ni Aries kahapon. Hindi ko alam kung sasabihin ko rin ba sa mga kaibigan ko ang mga nangyari sa'min at tungkol sa usapan naming pagpapanggap.

Pero naisip ko na mas makabubuting wala muna silang nalalaman. Baka kung ano pa ang isipin nila. Ang totoo ay nagdadalawang-isip na ako kung kakayanin ko ba at kung itutuloy ko pa. Gusto kong kausapin ulit si Aries pero bigla nalang siya nawala pagkatapos ng quiz kanina.

"Oy Victoria!" bumalik ang diwa ko nang biglang pumalakpak si Ollie sa harapan ng mukha ko.

"H-Ha? O-oo."

"Tch. Hindi ka nga nakikinig. True friends talaga kayong dalawa ni Alexis!" aniya at pinagkrus ang mga braso niya. "Mabuti pa itong si Emmanuelle ko, napakabait." niyakap niya nang mahigpit si Ems na halata namang wala ring choice kahit nasisikipan na rin sa pagkakayakap nito.

Natatawa kong pinagmasdan ang dalawa. "Eh parang hindi ka naman kasi nasanay kay Ms. Abello. Malay mo i-magic niya yung grades natin."

"Buti sana kung nagma-magic. Eh hindi! Wala sa teachers natin ang nagma-magic." singhal ni Ollie. "Mabuti ka pa nga! Ang taas ng score mo kanina."

"Naka-tsamba lang."

"Hanep yung tsamba na 95 ah. Sana pinerfect mo na, nahiya ka pa!"

"Walang makakaperfect ro'n. Wala pang nakakaperfect sa mga quiz ni Ms. Abello. Genius lang naman ang makakatalo sa quiz niya!" pabirong sabi ko.

Napapangiwing lumingon sa'kin si Olivia. Para bang may mali sa sinabi ko base sa reaksiyon ng mukha nito. "Meron no! Aba, maging chismosa ka rin paminsan-minsan Tori."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi nga? "May nakaperfect ng quiz niya?"

Kung sino man ang nakakuha ng perfect score sa quiz ni Ms. Abello ay talagang isang henyo. Kapag nagbibigay kasi ng quiz si Ms. Abello ay sobrang tricky. Minsan lahat ng tanong niya ay sobrang dali pero may twist, siguradong hindi mo masasagutan ang panghuling tanong niya at sinisiguro niya iyon palagi.

Kaya kung sino man ang tao'ng 'yon ay marapat na hangaan at palakpakaan siya ngayon.

"Aba syempre. Haha! Nakahanap ka rin ng katapat mo no!" natatawang wika ni Ollie. "Actually, bagay kayo."

Bigla nalang nabilaukan si Alexis sa gilid ko kaya agad siyang binigyan ni Ems ng tubig.

"Ha.ha. sige ipush mo 'yan." pinandilatan ko siya ng mata pero nagpipigil pa rin siya ng tawa.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon