25

31 3 0
                                    

Chapter 25

Kanina pa ako napapagod at hila-hila pa rin ako ni Aries habang naglalakad.

Eh sino ba naman ang hindi mapapagod sa kaiiyak? Mugto na nga yata ang mata ko eh. Bumalik pa kami ng school kahit medyo malayo na ang nalakad namin kanina dahil kinuha pa ni Aries ang bag ko.

Napadaan nga rin kami kanina sa mga nagtitinda ng kakanin at may ibinili si Aries. Ipapasalubong niya raw.

"Malayo pa ba?" tanong ko.

"Hmm. Medyo. Konti nalang pramis."

"Eh bakit hindi nalang tayo sumakay?"

Natigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "'Yun nga. Wala akong pang pamasahe. Naiwan ko kasi 'yung wallet sa locker." aniya while scratching his temple.

"Eh di sana sinabi mo sa'kin?!" pwede ko naman siyang ilibre nalang ng pamasahe.

Ginulo niya naman ang buhok ko at ngumiti. "'Wag na, ako ang nag-aya di ba? Ang ungentleman ko naman no'n kapag ikaw nagbayad ng pamasahe natin."

May point naman siya pero kahit na.

"Pagod ka na?" tumango nalang ako at saka siya tumawa.

Bakit ba ang hilig niya tumawa? Hindi naman ako nagjoke.

"Gusto mo buhatin nalang kita?" kaswal niyang sabi na para bang wala lang sa kanyang gawin 'yon.

"Asa! Cha-Chansingan ka lang eh!" sabi ko pero siyempre biro lang 'yon.

Nanlaki naman ang nata niya sa sinabi ko at nakita ko nalang siyang nagpipigil ng tawa. "Ang cute mo Pres! Baka nga ako pa chansingan mo eh." aniya at humalakhak.

"In your dreams!" inis na sabi ko at nauna nang maglakad. Naramdaman ko namang nakasunod lang siya sa'kin.

Maya-maya pa ay panay bato niya sa'kin ng maliliit na bilog na papel. Pinilit kong hindi siya pansinin dahil badtrip na nga ako kanina sa school tas ganyan pa siya. Nagkalat pa talaga.

Ilang saglit pa at hindi na ako nakapag-pigil dahil isang malaking bilog na papel na ang tumama sa ulo ko.

"Ano ba?!" Pinulot ko 'yung papel at ibinato kanya! "Bored ka ba?'!" imbes na magsorry ay tumawa lang siya.

"Ang sungit talaga! Sasabihin ko lang naman kasi na nandito na tayo."

Huh? Nandito na kami?

Mabilis na naman niya akong hinila at saka pumunta sa isa sa mga makitid na daanan at nagpa tuloy lang kami sa paglalakad. Ilang lakad lang naman 'yon galing highway.

Maya-maya pa ay nakakita ako ng malalaking kubo. Medyo namomodernize na rin naman na kubo kasi parang ang ganda ng pagkakagawa. Yung lugar naman ay parang isang maliit na compound. Magkakatabi ang mga bahay pero meron ring medyo malalayo ang pagitan sa isa't-isa.

"Mang, Pang!" gulat akong napalingon kay Aries.

Sino naman tinatawag niya? Napalingon tuloy ako sa paligid. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita?! Wala naman kasing tao.

Maya-maya pa ay biglang may lumitaw sa may bintana. Isang matandang babae at kumakaway siya sa'min.

"Apo!" tawag ng matandang babae kay Aries.

Nilingon ako ni Aries at ngumit lang ulit siya. "Tara." Nagulat ako nang hawakan niya ang palad ko at hinila papunta sa kubo.

"Totoy?" huh?

Napalingon ako sa nagsalita? Isang matandang lalaki ang nakatingin sa amin. May hawak siyang palakol at mukhang nagbibiyak siya ng kahoy.

"Totoy!" biglang lumapit sa amin 'yung matandang lalaki.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon