27

27 3 0
                                    

Chapter 27

Kaunti nalang talaga at may sasapatusin na talaga ako.

"Isa pa." kalmado pero seryosong banta ko.

Nandito kami ngayon ni Aries sa canteen matapos ko siyang kaladkarin palayo kila Ollie at Ivan kanina.

Kumakain ako ngayon ng champorado samantalang siya ay nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Nakapangalumbaba lang siya at nakangiting nakatingin sa'kin. Buti sana kung simpleng nakangiti lang pero hindi! Kanina pa siya nakangiti ng nakakaloko at pagkatapos ay aasarin ako.

Pinipilit niya kasi akong umamin sa kanya na hinila ko raw siya kanina para lang raw masolo ko siya. Ang kapal!

"Ayaw mo tumigil?" nagbabantang tanong ko.

"Aminin mo muna na gusto mo lang talaga ako makasama." pamimilit niya at mas lumapad pa ang ngiti.

Ah ganon! Ayaw mo talaga tumigil ah.

Tumigil ako sa pagkain at nagpangalumbaba ring tumingin sa kanya. "Paano kapag sinabi kong.. 'oo'... ano'ng gagawin mo?" I looked at him and slyly smiled.

His wide smile faded. Bahagya siyang napanganga and backed off a bit. Para bang nabigla siya sa sinabi ko. Gusto ko nga tumawa nang makita ko rin siyang napalunok. Hindi kasi ma-ipinta ang reaksiyon sa mukha niya.

Ilang segundo ang lumipas at mas nagbago pa ang ekspresyon ng mukha niya na ngayon ay kunot ang noo at nakataas ang isang kilay.

"Seryoso?" biglang seryoso na tanong niya. Gusto kong tumawa pero I tried not to. Well, I think I kind of want to tease him a bit more.

Imbes na sumagot ay tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Shit." I heard him cursed.

"Hoy!" pinandilatan ko siya ng mata. His face softened. He pouted at sumandal nalang sa upuan. Cute.

Bigla tuloy ako natawa nang malakas kaya pinaningkitan niya ako ng mata. Hindi ko kayang pigilang tumawa dahil sobrang cute niya palang maasar. Medyo namumula nga ang mga tainga niya.

"Inaasar mo ba ako?" tanong niya. Hindi agad ako nakasagot dahil sa kakatawa. Nakahawak pa nga ang isang kamay ko sa tiyan eh.

"H-Hindi ah! Ikaw nga 'tong nang-aasar eh!"

"Aminin mo na kasi. Kung magiging crush mo ako, okay lang talaga sa'kin Pres." napangiwi ako sa simpleng sagot niya. Walang bahid ng pagyayabang sa tono nito. Siguro ay dahil may ibubuga naman talaga ang taong 'to pagdating sa itsura.

Fine. Aminin ko nang gwapo talaga siya. Kahit ano yatang deny ko wala ring epekto. Ganyan na siya siguro kagwapo since birth. Oo na, siya na ang pinagpala. Kaya siguro marami rin ang admirers niya. Kumabaga, kung si Amanda ang campus girl crush. Itong si Aries naman ang campus boy crush. Kung hindi ko lang siya kilala baka nga naging crush ko pa siya. Pero sorry nalang. Si Cyrus pa rin eh. Ewan ko ba talaga at bakit siya pa. Siya pa na hindi dapat.

"Alam mo? Napaka-feeling mo!"

"Sus, kapag ikaw na-inlove sa'kin ewan ko nalang. Baka iyakan mo pa nga ako."

Napapailing napang akong tumawa at kumain ulit ng champorado. "Alam mo, malabong mangyari 'yan kasi–"

"Si Cyrus ang gusto mo. Alam ko na 'yan."

"Alam mo naman pala." sabi ko. Ilang saglit rin kaming natahimik pareho. "Pero kung wala si Cyrus, mukhang hindi rin malabo na..na.."

'Na?"

Teka nga, ano ba dapat sasabihin ko?

"Na–"

"Uy nandito pala kayo!" Biglang dumating si Cyrus at nakipagfist bump kay Aries. Pumunta siya sa tabi ko at naupo. "May dapat ba akong ika-selos?" biglang biro na tanong nito kaya muntikan na tuloy akong mabulunan.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon