02

121 16 3
                                    

Chapter 02

NAGULAT ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Ang lakas naman kasi ng pag-ring no'n. Hindi ko alam kung sira ba o ano, minsan kasi bigla nalang lumalakas yung ringtone kahit hininaan ko na.

Ayaw rin ako bilhan ni mama ng panibagong model ng phone. Ipinamana nalang ni Kuya yung luma niyang 3310, masyado pa raw maaga para magka-phone ako.

1 messaged received

Tamad na tamad akong binuksan ang text.

From: +91876543xx

Hi.

Sino 'to? Wrong send siguro.

Hindi ko pinansin ang text na 'yon. Ang sabi kasi ni Kuya ay 'wag basta basta magrereply sa hindi ko kakilala. Kumbaga, 'Don't talk to strangers'.

Maya-maya ay isang text na naman ang natanggap ko. Kamuntikan na akong mapasigaw at mahulog sa kama ko pagkabasa ko no'n.

From: +91876543xx

Ikaw ba 'yung nagbigay ng sulat?


Oh my! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Cyrus!Well, siya lang naman ang pinagbigyan ko ng sulat.

Halos mamilipit pa ang boses ko sa kilig at nagpagulong-gulong pa ako sa kama. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya. "Kakain na raw."

"Okay." Nginitian ko naman ang kapatid ko.

"You look stupid." Napailing nalang siya at isinara ang pinto.

Wala akong pakialam kahit magmukha akong tanga.

Bago ko nireplyan si Cy ay tinawagan ko muna si Alex. Mabuti nalang at nagpasa-load si Kuya kahapon kaya ni-register ko agad sa unli-call and text yung load.

"Oh." Bungad ni Alex sa kabilang linya.

"Alex? Nasaan ka?"

"Nasa kwarto, bakit?

"K-Kasi.. nagtext si Cy." Ilang segundo siyang natahimik bago ko siya narinig na tumili.

"Oh. Anong sabi?!"

"Tinatanong kung ako ba yung nagbigay noong sulat."

"Ano'ng sabi mo?"

"Hindi pa ako nagrereply. Kinakabahan kasi ako."

"Ano ka ba?! Wag kang kabahan. Basta magrelax ka lang. Chance mo nang maging close kayo ulit. Basta galingan mo ah."

"O-Okay. Susubukan ko." My gosh wala akong alam sa ganito! "Nga pala, ano'ng ibig sabihin ng 'xoxo'?

"Huh? Ano 'yan?"

"Sabi kasi ni Ollie lagyan ko raw ng 'xoxo' sa dulo ng letter ko para raw cute."

'Yun lang yata ang tanging sinunod ko sa itinuro ni Olivia. I actually saw that so many times sa mga sulat. I even saw that in every letter na natatanggap ng kapatid ko na puro lahat galing sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

It doesn't mean anything naman siguro.

Narinig ko Alex na may ibinubulong bago magsalita.

"N-Nilagay mo 'yun sa sulat?!"

"Uhh.. oo."

"Tangek talaga 'yang si Ollie. Wag ka na nga magpapaniwala ro'n."

Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may mali sa sulat ko.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon