35

46 2 3
                                    

Chapter 35

Una, malalaman mong crush mo siya kapag lagi mo siyang iniisip kahit wala namang dahilan.

Psh. Wala naman talaga akong iniisip na kung sino kanina. Nagkataon lang 'yung kapag napapadaan si Ivan mag-isa sa canteen kaya naalala ko siya.

Pangalawa, hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakikita. That includes kapag hindi siya nagrereply sa mga text mo for example.

So? Ano naman ngayon kung hindi siya nagtetext? Hindi naman na talaga ako nag-eexpect na magtext siya. Hindi naman niya kailangan mag-update tungkol sa mga ganap sa buhay niya. Mabuti nga 'yun at bumalik na sa normal ang school life ko. Actually, improving pa nga dahil mas close na kami ngayon ni Cy kumpara dati.

I should just focus on things and people that matter di ba? Focus lang.

"Hoy!"

"Ay butiki!" ang sakit nun. Mahulog ba naman ang phone mo sa mukha mo. "Ano ba kuya?! Hindi ba uso ang kumatok?"

"Ano'ng katok? Kanina pa ako kumakatok at tawag nang tawag sa'yo. Lutang ka na naman ba? Palibhasa puro ka cellphone diyan. Bumaba ka na at kakain na!"

"Oo na!"

Agad naman lumabas si Kuya sa kwarto ko. Napahawak naman ako sa ilong ko at tingin ko ay na namaga yata ang cartilage sa ilong ko. Ang sakit kaya mabagsakan ng phone.

Nakakainis! Baka naman kasi wala lang signal 'tong phone ko kaya hindi nakakatanggap ng mensahe? Pero imposible. Katext ko nga lang si Cy kanina.

Teka, bakit ba kasi ako apektado? Ano ba ang kinaiirita ko? Think rational Victoria. Di ba dapat wala ka nang paki?

Pagkababa ko para kumain ay sumalubong sa'kin si mama na mukhang kakarating lang rin galing work.

"How's first day, anak?"

"Okay naman ma. " ngumiti ako bago umupo sa tabi ng kapatid ko.

Nagsimula na kaming kumain and as usual nagki-kwento lang si mommy.

"Oh, bakit parang nakabusangot 'yang mukha mo? Anak? Hey." natauhan ako nang bigla akong sikuhin ni Kuya.

"P-Po?"

"Happy, kanina pa po kaya ako nagsasalita. Okay ka lang ba anak? Masama ba ang pakiramdam mo? Baka mawalan na ng lasa 'yang kinakain mo kakatusok mo diyan sa manok." aniya kaya napatingin ako sa plato ko.

"Ah.. okay lang ako ma. May iniisip lang."

"Care to share?"

"W-Wala po. Naalala ko lang may transferees nga pala sa klase namin."

"Uy babae?!" biglang usyoso ng kapatid ko.

"Oo Kuya. Maganda. Magandang-maganda. Hindi kayo bagay. Isa pa, isusumbong kita kay Ate–" napainda ako sa sakit nang biglang may tumapak sa paa ko. Obvious naman kung sino ang umapak sa'kin.

"Oh siya tama na 'yan. Kumain na kayo– ehem.. Ehem. Victoria? Kung hindi ka tulala eh panay namang check mo diyan sa cellphone mo. Ano bang meron?"

"W-Wala po. Inaantay ko lang ang tawag ni Ollie." pagsisinungaling ko. Napailing nalang si mama samantalang pinaningkitan naman ako ng mata ni Kuya.

Pagkatapos naming magdinner ay agad akong unakyat sa kwarto.

Gumagawa lang ako ng assignment nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa kama dahilan para kumaripas akong humiga sa malambot na malambot kong kama bago sagutin ang tawag.

"Wow ang bilis!"

"Ollie?" alam kong si Ollie 'yon pero nagtanong pa ako. Ewan ko kung bakit biglang nanglaylay ang mga balikat ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon