20

25 3 0
                                    

"Akin na nga 'yan." Pilit inaagaw ni Ashley ang pagkain niyang chicihirya.

"Hindi ba sabi ko bawal nga? Kulit!" inis na singhal ni Glen.

Gusto kong lumabas ng SC room dahil kulang nalang ay bumili ako ng popcorn at manood ng lambingan nila. Kanina pa kasi ako nilalanggam dito nang dahil sa sweetness nilang dalawa!

Lagi nalang kasi junk food ang binabaon na snack ni Ashley kaya itong si Glen ay lagi siyang pinapagalitan. Gusto ko tuloy malaman kung ano nang status nila. Sila na kaya? Kung umasta kasi si Glen parang boy friend na niya.

"Ibalik mo 'yan sabi eh!"

"Sabi nang huwag eh–" gusto kong matawa hindi dahil natapon ang pagkain ni Ashley kundi dahil sa kung sino ang natapunan nito.

Pirmeng nakaupo si Lucas sa beanbag at nagbabasa ng libro. Nakatapatong naman ang mga paa niya sa center table.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawa at mukhang kaunti nalang ay mauubos na ang pasensiya. Pinagpag naman ni Lucas ang mga chichirya sa damit. Nagkalat pa talaga siya dito!

"Sorry!" sabay na sabi ni Ashley at Glen. Napailing nalang si Lucas at bumalik sa pagbabasa ng libro.

Siguro nagtataka kayo kung bakit siya nandito sa SC? Ako rin eh.

Ba't ko nga ba siya dinala dito?

Flashback

Mabilis kong kinuha ang gamit ko at lumabas ng class room! Kainis na Ollie ba't ba ang tindi niya mang-asar recently?

Teka, ba't ba ako tumatakbo at nagtatago? Wala naman akong kasalanan ah! Kaya ko naman harapin si Aries na walang malisya.

Why am I even explaining?

"Hoy!" Narinig ko pang sumigaw ang isang estudyante kaya napalingon ako sa mga nagtatakbuhan.

Pero laking gulat ko nalang nang may biglang humablot sa kamay ko at hinila ako! Tumatakbo na rin tuloy ako.

"Hoy ano ba?!" Sigaw ko rin. "L-Lucas?."

Hindi niya ako pinansin at mabilis kaming pumasok sa banyo ng mga babae!

"Oy nakita niyo ba?" rinig kong may nagsalita sa labas. Ba't ba kami nagtatago rito at bakit ba kasama ako?!

"Wala boss, mukhang tumakbo dun."

"Tang-na, Lucas lumabas ka!" galit na galit na sigaw ng lalaki.

"Lu–" mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Tinignan ko si Lucas na ngayon ay hingal na hingal. Napansin ko rin ang posisyon namin at parang pamilyar 'to. Nakatungkod ang isang kamay niya sa pader at hawak naman ng isa niyang kamay ang bibig ko. Pamilyar nga– ah erase erase!

"Tara, doon kayo sa likod ng school kami sa itaas." utos ng mukhang boss nila.

Ilang segundo pa ay mukhang umalis na rin silang lahat.

"Sht Lucas!" Mabilis kong tinabing ang kamay niya dahilan para tignan niya ako nang masama. Wow siya pa ang galit niyan?

"Ahhhhhh!" bigla kaming napalingon sa sumigaw na babae. Kakalabas niya lang ng cubicle at tinakpan niya agad ang mukha. "M-Manyaaak!" sigaw ulit niya at mukhang si Lucas ang tinutukoy nito.

Mabilis kong hinila si Lucas palabas ng banyo at syempre maingat kong tinignan kung may tao ba sa labas. Mukhang wala naman kaya lalad-takbo ang ginawa ko papuntang SC room habang hila ko si Lucas.

End of flashback

"A-Ash. Sorry." si Glen na ngayon ay nilapitan si Ashley. Mukha kasing masama ang loob nito dahil sa nangyari sa pagkain niya. Kahit naman ako ay magagalit kapag natapon ang pagkain ko– teka parang nangyari na rin sa'kin to. Ah erase erase!

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon