06

76 15 0
                                    

Chapter 06

"NAGUGUTOM na ako." kanina pang reklamo no Ollie. Nakapila kami ngayon sa canteen.

Na-late kasi kami ng punta sa canteen dahil nagkaroon ako ng saglit na meeting sa Student Council.

"Oh ito kumain ka muna nito. Sabi ko naman sa'yo mauna ka na." iniabot ko yung isang pack ng Tini Wini cookies na baon ko.

"The best ka talaga, pakiss nga." At nginuso ang bibig niya at napaiwas naman ako. "Ang choosy naman nito, friendly kiss lang naman eh."

Biglang nagring ang phone ko at binasa ko agad ang message na natanggap ko mula kay Alex.

"Pila ka lang dito. Nakalimutan ko nga pala yung pera ko." pagkukunwari ko.

"Ha? Eh dala mo naman wallet mo ah."

"Nakalimutan kong ilagay kanina sa wallet yung baon kong pera. Oh siya, pumila ka na. Saglit lang naman ako." hindi naman na umangal si Ollie, alam niya kasing ayokong nangungutang. Nagoffer nga siya na bayaran ko nalang raw pagbalik ng room pero hindi na ako pumayag.

Agad akong umalis at nakipagkita kay Alex.

"Tori." bati ni Alex. She really look worried.

"Lex."

"Sorry." Agad siya nagbaba ng tingin.

"Para saan?"

"Alam kong hindi sumipot si Cyrus." she tried to speak calmly but failed and just gave an apologetic smile. Sa totoo lang ay hindi naman ako galit sa kanya. Tinulungan pa nga niya ako.

I poked her side and hugged her. "Alex, it's not your fault." I reassure her na okay lang talaga.

"H-hindi ko talaga alam Tori. Akala ko natanggap niya yung sulat. Sigurado akong nilagay ko yun sa bag niya. Pero nung kinausap ko siya kahapon pagkauwi ng bahay ay parang wala siyang alam tungkol ro'n."she explained.Ramdam ko talaga that she really feels guilty about it.

"Okay lang 'yon! Nagpapasalamat pa nga ako at tinulungan mo ako."

"T-talaga?" Nag-angat siya ng tingin at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Wag kang mag-alala, kakausapin ko ulit ang kapatid ko."

"A-ano.. kahit wag muna siguro." Nag-aalangang sagot ko, halata naman ang pagtataka sa mukha niya. "I mean, marami pang chance na makausap ko siya. Saka na nating pag-usapan. Gutom na'ko eh hehe. Tara."

Mabuti nalang at hinayaan ako ni Alex na hilahin siya papuntang canteen. "Alam mo, napapaisip ako. Asan naman kaya napunta yung sulat mo no?" Gusto ko sa kanyang sabihin na sa ibang tao napunta yung sulat ko pero mas mabuti na wala munang alam si Alex. "Sigurado talaga kasi akong nailagay ko 'yun sa bulsa ng bag ni Cyrus."

Napatigil ako sa paglalakad." Yung bag ba niya ay kulay black tas yung strap ay pinaghalong gray at black. Then yung zipper nya is white?"

"Oo yun nga."

Ganoon rin ang bag ni Aries.

I looked at Alex and she gave me a confused look. "Bakit mo natanong?"

"Ah, wala naman. Naalala ko lang." natatawa naman siyang napailing at hinila ako sa canteen.

Sabay kaming tatlo ni Ollie at Alex naglunch. Si Emanuelle kasi ay may meeting sa choir nila.

Muntik na nga akong magwalk-out habang kumakain, paano ay panay ang tanong ni Ollie tungkol sa nangyari kahapon. Mabuti nalang at kasama ko si Alex na siyang sumusuway sa kanya.

Agad natapos ang lunch kaya nagsipagbalik na kami sa klase. Pagkapasok ng room ay namataan ko agad si Aries na nakasalampak ang ulo sa armchair niya at patagilid na natulog. Ginawa niyang unan ang isang braso at inunat ito.

Pisces vs. Aries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon