Chapter 1

1.6K 26 0
                                    

Chapter 1
Leo’s POV

“Leo, kailangan mo ng bayaran ang bill ng kapatid mo…”ani Nurse Cara sa akin.

“Okay po.”ngumiti lang ako sa kaniya kahit na hindi ako sigurado kung paano ko nga ba talaga mababayaran ang ganoong kalaking halaga. Sana naman ay magawa kong makakuha ng malinaw na litrato sa racket ko mamaya.

“Kumusta po si Jia?”tanong ko.

“Still the same, Hija, wala pa ring kahit na anong improvement.”aniya sa akin. Tumango lang ako bago tinignan ang kapatid ko. She’s still peacefully sleeping. Kahit gaano katagal, hindi ko siya susukuan.

“Kumusta ang baby ko?”tanong ko habang nakangiti sa kaniya. Alam kong hindi niya ako sasagutin pero pakiramdam ko’y nakikinig naman siya.

“Pasensiya na at hindi kita nadalawa kahapon ahh? Busy lang kasi si Ate.”sambit ko habang hinahaplos ang mga kamay nito. My greatest wish? To talk to her. I really want to ask her about how she feels. Lahat ng simpleng bagay basta marinig ko lang ang tinig nito.

Ang dami kong tanong at kwento sa kaniya habang pinagmamasdan ang mukha nitong nanatili lang na nakapikit. Ang sabi nila’y baka wala na raw pag-asa dahil machine na lang ang bumubuhay sa kaniya pero kahit na ganoon, kahit na kakapiranggot lang na tiyansang mabubuhay muli ito, isusugal ko. Gusto kong kumapit hanggang dulo, anong malay ko, ‘di ba? Baka pagbigyan niya rin ako.

“Sige na, baby, magwowork ba si Ate.”ani ko at ngumiti pa sa kaniya bago ko siya hinalikan sa noo.

Nang lumabas ay malapad lang ang ngiti ko sa ilang nurse na kilala.

“Nurse Cara, una na po ako. See you when I see you.”nakangiti kong saad. Nginitian niya naman ako dahil do’n.

“See you din, Leo.”aniya.

“Saan ka nakakakuha ng energy mo araw araw, Leo? Hindi ka ba napapagod?”natatawang saad ni Nurse Love sa akin. Napakibit naman ako ng balikat doon at ngumiti lang sa kanila.

“By the way, bet ko ‘yang earings mo today, gandara ahh.”aniya pa ulit habang tinitignan ang ring kong earings na siyang binili ko lang sa tiyanggian ng dose pesos. Hindi naman sensitive ang tainga ko kaya keribels lang.

Nagpaalam na rin ako sa kanila nang makita ang oras. Bago sumakay sa motor ko para magtungo sa tapat ng media star at magpunta sa trabaho, inayos ko muna ang mukha, inalis lang sandali ang earings na malaki, inalis ang lipstick na kulay pula pati na rin ang make up ko. Nang makarating ako sa fastfood chain na pinagtatrabahuan, agad akong sinalubong ni Kim, katrabaho ko.

“Tagal mo. Kanina pa kita hinihintay.”sabi sa akin ni Kim.

“Ito naman, hindi pa naman time.”ani ko habang sinusuot ang uniform namin dito sa fastfood na tindahan ng burger. I brought my bag so kung may hindi man inaasahang pangyayari, handa ako.

“Leo! Nabalitaan ko may party raw na gaganapin mamayang gabi!”bulong sa akin ni Gani, ang boss namin nang makita niya ako. Hindi ko lang siya boss dito sa fastfood chain, boss ko rin siya sa mga racket ko.

“Saan?”tanong ko naman, nanatili lang na walang ekspresiyon ang mukha. Mukha nanaman akong daga nito but still I choose to do this, kailangan ako ng kapatid ko.

Sinabi naman niya ang lugar na paggaganapan ng party.

“Do you think makakalusot ako roon, Gani? Mahirap makapasok doon.”sambit ko.

“You know what to do.”nakangisi niyang saad kaya napailing na lang ako at napatango. Wala naman akong choice. Kailangan ko ng pambayad sa hospital. I really hope na makakuha ako ng big scoop para naman magkapera.

Naging abala ako sa trabaho ko ngayong umaga, kahit anong oras naman ako rito, hindi naman nagagalit si Gani, basta makapagtrabaho ako ng 4 hours sa isang araw ay ayos na.

Nagawa ko pang makichismis sa mga staff ng media star. Nag-uusap lang sila tungkol sa magaganap na party mamaya.

“Pupunta rin daw si Sasha, ang ganda talaga no’n sa personal no?”tila nagpantig naman ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Sasha, once na makakuha ako ng litrato nito kasama ang secret boyfriend niya, sigurado akong panalong panalo ako nito. Tiba tiba dahil sikat na sikat si Sasha ngayon.

Natahimik naman sila nang mapansin akong lumapit, nagkunwari lang akong abalang abala sa trabaho ko. Well, sanay na sanay naman na kami rito nina Gani, hindi pupwedeng mahalata nila kami dahil paniguradong mahihirapan kami na makakuha ng scoop kung sakali.

Napangisi na lang ako nang pumasok sa loob. Pinaningkitan naman ako ng mata ni Gani dahil do’n.

“May nalaman ka?”tanong niya.

“May malalaman pa lang.”natatawa ko namang saad kaya nailing na lang siya. Inalis ko naman na ang uniform na suot at nagbihis ng damit.

“Galingan mo,”sambit pa ni Gani sa akin. Nagkibit lang naman ako ng balikat doon.

“Alis na ako, Gani!”paalam ko sa kaniya at kumaway pa. Nakilala ko si Gani simula noong nagkandaleche leche ang buhay ko.

Maganda ang buhay ko noon… may masayang pamilya, kumpleto at masagana. Lahat ng gusto namin naibibigay ng Mama’t Papa ko. Isang sikat na football player si Papa tapos si Mama naman journalist.

Until that incident happened… nabangga ‘yong kotseng sinasakyan namin. Kung minamalas ka pa, ako lang ‘tong nakasurvive. Hindi ko alam kung bakit sa akin pa pinaranas ang lahat ng hirap. Namatay si Mama at Papa, ni hindi ko magawang umiyak noong araw na binuburol sila dahil may kapatid akong nasa hospital. Nacoma. Ni hindi ko alam kung paano ako babangon, lahat ng responsibilidad, naging akin, simula sa burol hanggang sa pagpapagamot sa kapatid ko.

Wala akong matakbuhan dahil parehas silang laki sa orphanage, parehas na iniwan nang kanilang mga magulang.

Hindi naman na ako minor, 18 ako noon, kakagraduate ko pa nga lang ng senior high pero nasanay ako na may magulang na laging nandiyan para sa aming magkapatid. Magulang na laging aalalay sa mga desisyon namin sa buhay.

Ni hindi ako sigurado sa mga binabayaran ko, hindi naman ako matalino, ni wala sa isip ko ang karangyaan na mayroon kami. Sa isang iglap, nawala ang bahay sa amin, mga ari-arian, naibenta ko para sa mga aasikasuhin sa buro pati na rin sa pagpapagamot sa kapatid ko. Hindi ako matalino pero natuto akong hindi maging mangmang dahil kailangan kong magkaroon ng alam sa lahat ng bagay.

Until Gani showed up, noong una’y kinukuhanan kami ng litrato ni Jia, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko noong araw na ‘yon pero imbis na kami ang pagkakitaan niya, siya ang pinagkakitaan ako.

“Alam mo bang may batas na nagsasabing bawal kumuha ng litrato ng walang pahintulot galing sa taong kinukuhanan mo?”tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya. Dati’y wala akong pakialam sa mga bagay na ito ngunit ngayong kailangan ko na rin ng pera, nagawa kong makipagkasundo sa kaniya. Alam kong ibebenta niya ito sa ilang company ng mga reporter dahil naririnig ko si Mama no’ng minsan.

“Magkano ang kikitain mo riyan?”tanong ko na hawak hawak na ang camera ngayon habang nakataas ang kilay sa kaniya. Bahagya naman siyang nakatikhim dahil do’n, wala pa sana siyang balak na sagutin ang tanong ko kung hindi ko lang siya sinamaan ng tingin. Nang sabihin niya’y agad akong ngumisi.

“60% ibigay mo sa akin.”sabi ko kaya agad na napaawang ang kaniyang labi.

“Ano?”tanong niya na masama ang tingin.

“Anong gusto mo? Wala na lang?”tanong ko na nagkunwari pang idedelete ng litrato. Napangiwi naman siya dahil do’n.

“Oo na!”aniya na parang napipilitan pa bago niya hihilain na sana ang camera sa kamay ko.

“Paano ako nakakasiguro na ibibigay mo sa akin ang pera?”tanong ko.

“Pucha, nautakan pa.”dinig kong bulong niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Hehe, sige contract.”aniya sa akin. Tumango naman ako bago kami gumawa ng kasunduan na ibibigay niya nga sa akin ‘yon. Nagawa ko pang kunin ang number nito para hindi talaga ako takasan.

“Ulitin naman ‘yong shots, ‘yong kunwari’y hindi ko nakita at dapat medyo malinaw.”sambit ko sa kaniya. Kita ko ang reklamo sa mukha niya ngunit sa huli’y pumayag din.

Simula no’ng araw na ‘yon ay kinuha ako ni Gani, kung makakuha man ako ng litrato’y bibigyan ko siya ng 10% dahil siya ang babayaran ng reporter. Swertihan at tiyagaan. Sa loob ng ilang taon, nagagawa kaming buhayin ng bagay na ‘yon. Mahirap pero ito ang pinili kong desisyon, kailangan ng malaking halagang pera.

“Good afternoon, Aling Nora!”maligalig kong bati sa owner ng apartment ba pinagtutuluyan ko ngayon. Medyo malayo ‘to sa apartment na pinagtutuluyan ko malapit sa hospital pero mura lang kasi rito at medyo madali kapag kinakailangan ako ni Gani.

“Good afternoon, Leo, ang aga mo ata ngayon?”nginitian ko lang naman siya bago ako bumili ng ulam sa kaniya.

“Aling Nora, pakidagdagan po ng sabaw.”masigla kong saad. Hindi ko alam pero kapag nasa apartment ako, nagagawa kong tumawa ng totoo. Hindi ko alam kung dahil ba walang nakakakilala sa akin kaya ganoon o ano pero isa lang ang sigurado ko, I was geniunely happy kapag nandito ako. Nagagawa kong maging masaya at huwag munang isipin ang problema.

“Sis, ‘yong panty mo kalat kalat, akala ko basahan.”sambit ko sa isang kasama ko sa apartment. Masamang tingin naman ang ibinigay niya sa akin dahil do’n. Nagsitikhim-an naman ang ilang babaeng kasama namin sa loob.

“Grabe ka naman, pupwede mo namang ibulong na lang.”anila sa akin. Luh, sinabi ko lang naman ang kung ano-anong sinasabi nila kapag nakatalikod ito. Napakibit na lang ako ng balikat bago umakyat sa kama ko. I tried to be friendly sa kanila ngunit lagi nilang na mimisinterpret ang actions ko. Lagi ko pa naman hinihiling na sana’y magkaroon ako ng kaibigan na mapagsasabihan ko rin ng problema ko at ng kung ano ano. Minsan nalulungkot na lang talaga ako para sa sarili but no. I should be thankful for what I have.

Natulog lang ako hanggang sa maggabi dahil alam kong hindi nanaman ako makakatulog nito. Agad kong kinuha ang bag na may lamang camera at kung ano ano pa nang magalas otso na.

Camera pa ni Mama ang mayroon ako, hindi ko ‘to binenta noon dahil ‘yon ang ginamit ko noong kailangan ko ng pagkakakitaan at binigyan ako ng trabaho ni Gani.

I wore my dress. Hapit na hapit ito sa aking katawan, sanay na ako na magsuot nito dahil kapag may mga party na kailangan kong puslitan ay nagsusuot ako nito, minsan nga lang ay hindi ako pinapapasok. Nilagay ko lang din ang iba pang gamit sa malaking bag na dala ko.

Nakita ko naman na agad ang sundo kong si Gani, naroon na agad ang kotse niya. Inihagis niya lang ang susi niya.

“Good luck, galingan mo ng magkapera naman tayo.”aniya sa akin. Nagkibit lang naman ako ng balikat sa kaniya bago sumakay sa kotse nito. Sana.

Nang makarating ako sa venue, kita ko na agad na mahigpit ang seguridad dahil hindi pinapapasok ang ilang reporters na nasa labas. Kinuha ko ang leggings na dala bago sinuot ang jacket ko. Kung hindi ako makakapasok, paniguradong kailangan kong maghintay ng matagal dito. Lumabas na ako ng kotse ni Gani, nandito naman din kasi ang motor ko. Nilagay ko na bago ako umuwi kanina, para sigurado.

Nang mailagay na ang mask at cap ay sumakay na ako roon bago ipinaharurot patungo sa eskinita sa likod ng venue ngunit bago ‘yon ay napahinto ako nang makita ang bagong sasakyan na parating. Kabisadong kabisado ko kung kanino ‘yon.

Agad akong napangisi nang makita si Apolonio Demillio na lumabas ng kotse niya papasok na rin siya sa loob. He’s known by the name Pulo. Nasa akin nga talaga ang swerte. Basta nandito siya, nandito rin ang issue.

Kita ko agad ang ilang babaeng sumalubong dito.

Let the game begin.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now