Chapter 34

471 14 1
                                    

Chapter 34

Leo’s POV

“Pauwi ka na?”tanong sa akin ni Esme mula sa kabilang linya.

“Oo, miss mo agad ako?”natatawa kong tanong habang dala-dala na ang ilang bagahe. Bumalik pa ako sa tapat ng salamin para tignan ang imahe ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kulay ash pink kong buhok. Kapag nakikita ko ‘to’y hindi ko pa rin talaga maiwasan ang kilig sa sarili. Well, ang tagal ko kayang pinlanong magpakulay ng ganiyan.

After naming magbreak ni Pulo, I decided to love myself. Lahat ng gusto kong gawin, ginawa ko kahit mag-isa lang ako. Ang tagal kong nakulong na namumuhay para sa kung sino but I realize that I should also enjoy my life and that’s what I’m doing right now.

Pauwi na ako galing ng bali. Magsusulat ng travel blog pagkatapos. I already have my junior in BLC at talagang ako na ang naatasan nila na magtravel para isulat ang mga napag-alaman sa lugar. Sobrang sulit naman ng pananatili ko sa bali ng ilang linggo dahil ang dami ko rin talagang lugar na napuntahan. Uulit muli ako next time.

 “Nah, pasalubong, baka naman.”aniya mula sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Ang babaitang ‘to, tinawagan lang ata ako para manghingi ng pasalubong.

“Oo na. Gogora na me! See you!”ani ko bago namin binaba ang tawag.

Nakatulog lang ako buong byahe pabalik ng pilipinas. Ang dami kong nabisita sa loob ng kalahating taon. Nagsumikap talaga ako sa trabaho para sa ganitong buhay although nakakapagod lang minsan dahil talagag laspag ka kapag kauwi. But still, it’s fun. I like it this way.

Kumunot naman ang noo ko nang makatanggap ng tawag kay Lance, isa sa mga ex ko. Well, I’m happy with my life pero hindi ko maitatanggi na miss ko pa rin si Pulo, na lagi ko pa rin siyang naalala. Parang sobrang bilis nga lang ng anim na buwan para makalimutan ‘to agad. Pero sinusubukan ko naman, I tried to date many guys pero sa huli lagi ko rin silang kinukumpara sa kaniya. Laging ‘Mas better pa rin si Pulo’ ‘How can’t he understand me the way Pulo did’ at marami pang iba.

Ang ending ay hihiwalayan ko rin ang mga ‘to dahil hindi sila si Pulo. Well, to begin with naman ay sinabi ko na I’m not looking for a serious relationship. Naiinis na nga ako minsan sa sarili dahil lagi na lang pangalan niya ang naiisip gayong hindi naman dapat at hindi naman tama.

“Hello,”bati ko kay Lance nang sagutin ang tawag. Dinig ko naman agad ang bati nito sa akin.

“How are you, Leo? Miss na kita.”aniya kaya agad ko siyang tinawanan.

“Sorry pero ‘di kita miss. Pakidelete na lang number ko. Thanks!”ani ko bago siya pinatayan ng tawag. Napahilot na lang ako sa aking sentino dahil tumatawag nanaman ‘to muli. Sobrang kulit nito, siya na ata pinakamakulit sa mga naging ex ko.  Mapapagastos nanaman ako sa bagong sim card nito dahil ayaw niya akong tigilan na tawagan.

Nang makarating ako sa apartment ay agad din akong sinalubong ni Esme. Nagtatanong tungkol sa bali. Kinuwentuhan ko lang naman  siya hanggang sa mapagpasiyahan na ring magsipahinga. Abalang abala rin sa buhay niya ‘yang si Esme e.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now