Chapter 22

465 16 1
                                    

Chapter 22

Leo’s POV

Hindi ko na lang namalayan na nasa sasakyan na kami sa pagkatulala ko. Pinupunasan lang ako ni Pulo gamit ang t-shirt na extra niya rito sa kotse. Ipinatong niya rin ang longsleeve niya sa balikat ko.

“Do you want us to buy an ice cream?”tanong ni Pulo sa akin nang mapansin ang nakatingin lang ako sa kaniya. Umiling lang ako bago ko ibinaling ang tingin sa labas.

Naramdaman ko na lang din ang luha mula sa aking mga mata. I can still remember how I stalked Karylle for week, it was me who make her suffer like that. Ilang beses ko siyang nakuhanan ng litrato at sa pangatlong pagkakataon ay nakita niya ako, sinundan at hinabol. She was desperate. Hindi ko alam na buntis na pala siya ng araw na ‘yon. Umiyak siya, asking me to delete those photos. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya she said.

I deleted all of it and didn’t sell it but I think I know the reason why the article about hser was publish.

“Ibaba mo na lang ako riyan.”sambit ko nang madaanan ang burger shop ni Gani.

“Change your clothes first. Baka magkasakit ka.”aniya ngunit umiling lang ako.

“Please.”saad ko dahil wala na akong oras para makipagtalo pa. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago ako hinayaang magtungo roon.

Nang makarating sa loob ay pinagtitinginan ako ng ilang customer. May mga nagtatakip pa ng ilong ngunit wala na akong iba pang maisip kung hindi ang puntahan si Gani.

“What’s with you, Leo? Saan ka nanggaling? Nako naman! Maligo ka muna!”aniya sa akin ngunit nanatili lang na seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa paraan ng pagtingin ko.

“Anong problema mo, Leo?”nagawa niya pang paalisin ang mga tao sa kitchen dahil nakatingin lang silang lahat sa aming dalawa.

“I told you that you shouldn’t send the news about Karylle, right?”galit kong sambit kaya mas lalo lang na nalukot ang mukha nito. I deleted those pictures pero dahil si Gani ang lagi kong kasama at nasabi ko sa kaniya ang tungkol do’n. Binigyan niya ng tip ang isang reporter and just like that, Karylle era ended… because of us… because of me…

“Karylle? As in Karylle Pagco? The famous sexy star?”tanong niya sa akin. Mas lalo ring nakunot ang noo ko nang tumawa ito.

“You’re kinda funny for the past few days, Leo.”natatawa niyang saad ngunit wala akong oras para makipagtawanan sa kaniya.

“It ended years ago, bakit binibring up mo nanaman?”naiiling niyang tanong.

“Namatay ‘yong batang nasa sinapupunan niya.”seryoso kong saad. Doon lang din siya natigilan.

“Because of you her child fucking die, Gani! You ruin her! You ruin her life!”galit kong sigaw. Maya-maya lang ay bigla ‘tong natawa.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now