Chapter 19

470 18 0
                                    

Chapter 19
Leo’s POV

“Hey, Leo, what’s up? Long time no see ahh! I saw your post!”sambit sa akin ni Patrick. Nginitian ko lang naman siya bago nakipag fist bump.

“Right! Hindi man lang nagsama!”reklamo ni Ryan sa akin, tinawanan ko lang naman ang mga reklamo ng mga ito.

“Huwag niyo na ngang kulitin pa si Leo,”naiiling na saad ni Daren sa kanila.

“Ready ka na ba, Leo?”tanong pa niya sa akin.

“Oo naman.”sambit ko kahit na ilang linggo rin akong napahinga sa pagrerace. But I was kinda excited dahil nga ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras para rumacket dito.

Nang magtungo sa locker room, dinig ko ang ilang usapin tungkol sa alin, saying random things about me. Wala naman akong ni isang pinakinggan doon. Nang palabas ay nahinto nang makita ko si Pulo na kasama si Red sa isang tabi. Nagtatawanan sila ngunit nang makita ako ni Pulo’y tila ba nawala ang ngiti mula sa labi nito. Aba’t akala mo naman ay wala kaming pinagsamahan. Ulol talaga ng isang ‘to. Kainis.

“Uy, Leo! Nandito ka pala! Good luck!”nakangiting sambit sa akin ni Red na nakipag-up here pa. Ngumiti rin naman ako sa kaniya pabalik. Hindi naman ako ‘yong tipo na dahil hindi kinausap ng isa’y, hindi na rin kauusapin pa ang kasama nito lalo na’t wala rin namang ginawang masama sa akin ni Red. Well, wala rin naman siyang ginawang masama sa akin but he was the one who cut our connection. Kung ayaw niya’y edi don’t kasi.

“Salamat! Good luck din sa’yo.”nakangiti kong saad.

“Leo, tara,”sambit sa akin ni Daren na malapad ang ngiti. Kinawayan muna si Red bago sumunod sa kaniya. Ni hindi ko pinansin ang mata ni Pulo na nakatingin sa akin.

“I think Pulo—“bago pa matuloy ni Daren ang sasabihin niya’y hininto ko na siya.

“Tawag na kami sa field. I need to go!”nakangiti kong saad. I don’t want to hear those random things na naririnig nila tungkol sa kaniya. Hindi ko gustong marinig ang mga opinyon nila tungkol kay Pulo, I mean he’s really an ass pero kapag nakakarinig ako ng mga hindi magandang wala namang katotohanan ay hindi ko maiwasang mainis. They don’t even know him personally so how can they judge him? Wow, Leo, coming from you talaga? Sometimes, it was you who likes to start that type of rumors.

Noon. Noong hindi ko pa siya kilala. So you think you know him well now, Leo?

Buong karera tuloy ay ‘yon lang ang naiisip ko. Masiyado akong lutang. Ang ending ay nanalo si Pulo. Bumaba naman ako sa motor ko nang alisin na ang helmet. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makitang supportive pa rin ang mga kaibigan kahit na natalo na.

“Wala ka pa ring kupas talaga, Leo!”natatawang saad ni Patrick na nakipag-up here sa akin.

“Sus, nambola ka pa, sayang lang pusta niyo.”nakanguso kong saad.

“Sino bang nagsabing sa’yo kami pumusta?”natatawang biro ni Daren kaya agad na nanliit ang mga mata ko.

“Ano?”natatawa ko naman siyang inambaan na ibabato ang sapatos. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Biro lang naman, Lodicakes!”natatawa siyang napatakbo nang lapitan ko siya. Napailing na lang ako, ang hyper din talaga nito ngayon. I think maayos na nga talaga sila ng Papa niya. Good for him. Really.

“Sa’yo lagi ang taya ko. Number 1 fan mo kaya ako.”aniya na kinindatan pa ako. Narinig ko naman ang sarkastikong tawa mula sa gilid namin. Napatingin naman ako kina Pulo at sa mga kaibigan nitong nagcecelebrate ngayon. Agad na nagkasalubong ang mga mata namin. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil pakiramdam ko’y kami ang tinatawanan nito. Ngumisi lang siya bago niya ako nilagpasan. Gago talaga.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now