Chapter 47

516 14 0
                                    

Chapter 47

Leo’s POV

Nagising naman ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nakatitig lang sa akin si Pulo.

“Hoy, gago, natulog ka ba?”natatawa kong tanong dahil kagabi pa siya nakatitig sa akin.

“Yeah,”aniya na tumango.

“I was too scared that it’s not real,”sambit niya na napanguso pa. Hindi ko naman maiwasang matawa at mailing na lang dahil do’n.

“Good morning, Fiancée,”lumapad ang ngiti niya nang batiin ako.

“Good morning, Jowa!”ani ko bago siya hinila na patayo dahil parehas kaming may trabaho pa ngunit nahila niya lang ako, ang ending ay napasubsob lang ako sa dibdib nito.

“Let’s stay here for 5 mins.”aniya kaya pinagbigyan ko na lang din. Dinig na dinig ko naman ang malakad na pagtibok ng puso nito. Napangiti na lang ako dahil ang sarap sa pandinig.

“Patay na patay ka talaga sa akin, no?”tanong ko sa kaniya.

“Slight,”aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa at napailing na lang din.

Maya-maya lang ay tumayo na kami. Siya ang nagsangag ng kanin habang ako naman ang nagluto ng ulam. It was a very peaceful morning kaya lang ay parehas kaming napatingin sa phone ko nang makita ang tawag ni Josh. Kita ko namang napangiwi si Pulo dahil do’n.

“Ako na,”aniya na agad pang kinuha ang phone at siya na mismo ang sumagot sa tawag.

“Hindi mo na siya kailangan pangsunduin, ihahatid siya ng jowa niya,”sambit niya bago ‘to patayan ng tawag kaya napaawang lang ang labi ko habang nakatinhin sa kaniya.

“Siraulo ka, ang bait bait no’ng tao. Hindi ako ang gusto no’n, si Carol,”ani ko dahil mukhang habang buhay niyang dadalhin. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay doon bago napakibit na lang ng balikat.

“Let’s just eat first,”aniya nang kukunin ko sana ang phone ko. Napakibit na lang ako ng balikat at napatango. May mga damit pa naman ako rito kaya hindi ko na kailangan pang umuwi.

Habang hinihintay siyang matapos kumilos, nagsorry naman ako kay Josh.

“I guess you’re both fine now, hmm? Congrats, Leo!”aniya mula sa kabilang linya.

“Salamat, Josh, don’t worry, ilalakad pa rin kita kay Carol,”natatawa kong saad. Natapos din naman ang usapan namin dahil may missed call na rin galing kay Iska. Mukhang nabalitaan na ni Esme.

“Finally! Congrats, I’m really happy for the both of you! Sabihin mo kay Pulo, babangasan ko siya kapag sinaktan ka pa,”aniya na malapad ang ngiti. Ang dami naming napagkwentuhan kahit ng nasa sasakyan na ako ni Pulo. Natapos lang ang tawag dahil late na rin doon.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now