Chapter 11

582 18 0
                                    

Chapter 11
Leo’s POV

Pulo:

Are you going in Alpha tonight?

Ako:

Yup, why?

Pulo:

Wala lang. See you, hehe.

Natatawa pa rin talaga ako kapag nakikita ko ang hehe’ng reply niya sa dulo.

“Sino ‘yan, Leo?”tanong sa akin ni Daren nang makita niya akong tumatawa. Nagkibit lang naman ako ng balikat. Kapag sinabi kong si Pulo ‘yon, paniguradong makakarinig nanaman ako ng sermon, sawang sawa na ako. Matanda naman na ako, alam ko ang ginagawa ko.

For the past few months, nagawa naming mapalapit ni Pulo sa isa’t isa, we almost have the same vibes, nagkakasundo rin kami kapag nagtutungo sa kung saan saan para kuhanan siya ng litrato. Noong nakaraan lang ay nagpunta pa kami ng Mt. Arayat para maghike. It was actually fun. Ang saya niya rin kasing kasama, walang boring moments. But I still know my limit.

Tama rin naman kasi sila, hindi ako pupwedeng mahulog dito dahil alam na alam ko kung sino nga ba ‘yang si Pulo. He’s not that serious when he was in relationship. Alam ng lahat ‘yon but they still want him. They still want to risk themselves.

Nanatili lang ang tingin sa akin ni Daren kaya natatawa ko lang din siyang binalingan ng tingin.

“Si Pulo ‘yan?”tanong niya sa akin. Simple lang akong tumango.

“Alam ko.”ani ko agad nang magtangka siyang magsalita. Mas lalo lang niya akong binigyan ng hindi makapaniwalang tingin.

“I was just worried about you… huwag mo sanang isiping nangingialam ako.”aniya sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kaniya roon.

“Yeah. I know.”ani ko. Maya-maya lang ay inaya na kami patungo sa Alpha.

“Hi, Leo.”malapad ang ngiti ni Pulo nang salubungin niya ako.

“Hi,”ibinalik ko lang din naman sa kaniya ang ngiti niya sa akin. Kita ko ang tingin sa akin ng ilang kaibigan niya, mayroon pang mga masasama ang tingin na wari ba’y anytime ay handa ang mga itong saktan ako. Mayroon namang mga nagtataka kung bakit casual kami ni Pulo ngayon samantalang noong mga nakaraang race ay madalas na tanguan lang kami at minsan ay iniiwasan ko pa ang magkaroon ng interaksiyon sa kaniya.

“Want to grab dinner after the race?”nakangisi niyang tanong sa akin.

“Hmm, basta ba treat mo.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Ge, lods.”aniya na tumango pa.

“Mami?”tanong ko pa muli.

“G!”aniya kaya napatawa ako.

“Ge ge, may the best racer win.”ani ko na nginitian pa siya. Salit salitan kaming dalawa. Minsan ako ang nananalo, minsan siya, but we both enjoy it. It’s fun.

“By the way, ganda mo today. Bagay sa’yo buhok mo.”pamumuri niya pa.

“Sus, kunwari ka pa! Araw araw ka namang gandang ganda sa akin.”natatawa ko sa kaniya.

“Well, that’s true.”aniya na nakangisi pa.

“Leo.”tawag sa akin ni Daren kaya nagpaalam na ako kay Pulo na siyang naroon na ang mapaglarong ngisi.

“What was that, Leo? Close kayo ni Pulo?”tanong sa akin nina Patrick. Kita ko pa ang pagtingin nila kay Daren, ang alam ko’y magkaaway ang pamilya ni Pulo at pamilya nina Daren dahil madalas na ibuking ng news sa media star ang ilang mga illegal na gawain ng pamilya niya.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now