Chapter 26

449 13 0
                                    

Chapter 26

Leo’s POV

“Oh, pak, ang ganda.”nakangising saad ni Iska. Nakita niya kasi ang dress kulay pula. Bagong bili ko lang ‘to sa ukay, aba’t todo effort talaga ako sa birthday ng Mama ni Pulo.

“Ikaw na talaga ang supportive na nililigawan.”natatawang saad naman ni Esme habang kinikilayan ako. Marunong naman ako pero mas magaling lang talaga si Esme sa akin.

“Gara, ang ganda mo.”agad naman akong ngumisi dahil minsan lang mamuri ‘yang si Esme. Si Cid lang alam niyang purihin e.

“Awrahan mong mabuti para naman plakadong plakado ka sa mother-in-law mo.”ani Iska sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang mga pinagsasabi ng mga ito o ano.

“Mother-in-law, ni wala pa nga atang balak sagutin ni Leo ‘yang si Pulo.”sarkastikong saad ni Esme. Nginiwian ko naman siya dahil do’n. Aso’t pusa talaga kaming dalawa. Paano’y pikon ‘yan sa akin kapag inaasar ko siya sa ex niya. Hindi ako humihinto hangga’t hindi ko siya napapaiyak.

“Alam mo, epal ka. Pupwede namang takpan na lang ‘yang bunganga mo, ‘di ba?”tanong ko na nagawa pa siyang samaan ng tingin. Imbis na matakot ang bruhilda, natawa lang ‘to sa akin.

“Totoo naman kasi! Kailan mo ba kasi balak? Ako ngang nakasubaybay lang sa inyo, inip na inip na. Paano pa kaya si Pulo?”aniya sa akin.

“Edi huminto siya kung naiinip siya?”hindi ko maiwasang mainis sa ideyang naiinip ‘to.

“Edi pahintuin mo kung wala kang balak sagutin?”tanong niya naman pabalik. Nag-angilan naman kaming dalawa. Kung hindi lang pumagitna si Iska ay hindi pa kami hihinto.

“Ang sinasabi ko lang naman kasi, huwag niya ng patagalin pa. Paano kapag nakahanap ng iba? Edi olats din siya sa huli.”pagpapaliwanag ni Esme. Ang motto kasi ng isang ‘yan. ‘Kapag gusto mo, sunggaban mo’ huwag ng magpaliguy-ligoy pa.

“He’s not worth it kung hindi niya pala kayang maghintay at manatili lang sa isang babae.”ani ko naman.

Hanggang sa matapos kami sa pag-aayos ay ‘yon lang ang pinag-uusapan naming dalawa. Nang lumabas ako’y nakita ko na agad si Pulo na siyang naghihintay sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya nag makita ko siya.

“You look extra gorgeous today.”nakangiti niyang saad habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

“Parang ayaw ko na tuloy tumuloy sa party at solohin ka na lang.”aniya kaya inirapan ko siya.

“Ulol mo. Kapag nalaman ko lang na reuse na ‘yang banatan mo, babanatan talaga kita.”ani ko kaya agad siyang napatawa sa akin.

“Grabe, ganoon ba ako kalandi sa paningin mo?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Oo.”walang pag-aalinlangan ko naman sagot kaya mas lalo pa siyang natawa. Sumakay naman na kami sa kotse niya.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now