Chapter 2

1K 28 4
                                    

Chapter 2


Leo's POV



Agad akong nabuhayan nang makita kong papalabas si Sasha rito sa likod na gate. Napangisi ako dahil aral na aral ko na ang lugar na ito, dito rin kasi nila ginanap ang party noong nakaraang taon. Mabuti na lang ay hindi pa naman pala nagbabago.



Mas lalo lang lumapad ang ngisi sa mga labi ko nang makita ko kung sino ang kasama nito. Pulo. Swerte ka talaga sa buhay ko. Kilala si Pulo sa dami ng babaeng inuuwi niya at ang dahilan kung bakit lagi siyang nahuhuli? Syempre ako. Lagi kong binebenta ang anumang litrato nito sa media.



Paano'y kaliwa't kanan ang babae nito, hindi nauubusan, noong nakaraan nga'y nakuhanan ko pa siyang nakikipaghalikan, minsan naman ay nakasubsob pa ang mukha sa leeg no'ng babae. Kaya kapag kailangan ko ng racket at walang wala na talaga akong pera? Siya ang madalas kong sundan, easy money. Nalulusutan niya rin 'yon, itinatangging may relasiyon siya sa artista nila. Matindi pa, mga sikat na artista talaga ang ikinakalintaryo. Ang landi.



Kakapasa lang sa kaniya ng trono nitong taon, siya na ang CEO ng media star. Mukhang hindi naman 'yon ang pinagkakaabalahan niya. Mas mukha pa siyang abala sa mga artista nila. Sa panlalandi.



"Nice."pabulong kong saad habang kinukuhanan sila ng litrato. Nakalingkis na ang kamay ni Sasha sa kaniya.



Pumasok sila sa kotse ni Pulo na siyang iba nanaman. Iba roon sa kotse niyang nasa harapan. Napangisi na lang ako dahil doon na nagtatapos ang lahat, umuuga na lang ang kotse nila and I know what happened next. Sa mukha niya pa lang ay wala na talagang pinipiling lugar, kung saan saan gustong gawin. Natawa na lang ako sa iniisip.



Nagawa ko pang kumain ng noodles habang hinihintay silang matapos. Nandito lang ako sa taas ng building habang kumukuha ng litrato. Ilang oras pa bago sila lumabas. Pawis na pawis na nang matapos. Kuha lang naman ako ng kuha ng litrato. Maya-maya lang ay bumalik muli si Sasha sa loob.



Halos maibuga ko ang noodles na kinakain nang makita ko si Pulo na siyang nakatingin sa gawi ko. Kumaway pa ito sa camera ko at ngumiti. Gago talaga.



Mabuti na labg ay nagawa ko pang ibalik ang mask at cap ko, kung hindi'y baka huli na ako ngayon.



Hindi pa nagtatapos 'yon dahil nang bumalik muli siya sa labas, ibang babae naman ang kasama niya si Moly, isang sexy star, heck, sobrang ganda ng isang 'yon, sobrang swerte niya, sana all.



Well, I don't care kung sino man ang ikama niya, ang mahalaga lang sa akin ay ang mga litratong nakukuha ko. Bago siya pumasok sa loob ng kotse niya, lumingon siyang muli sa gawi ko at saktong pagkakuha ko ang pagkindat niya. Napangiwi naman ako dahil do'n. Wala na talagang hiya hiya sa isang 'yon.



Kadiri, kakatapos niya lang tapos mayroon nanamang isa at parehas pang sa kotse. Hindi na nahiya. Ako 'tong nahihiya na lang din para sa kaniya.



That ended the night, hindi ko na hinintay pang matapos dahil baka mayroon pang humuli sa akin dito, ano bang alam ko kung patibong lang pala, 'di ba? Mukhang alam na alam niya pa kasi ang pwesto ko.



"Job well done, Leo! Ikaw na!"nakangising saad ni Gani habang pumapalakpak pa. Hindi ko naman maiwasang mapailing na lang dahil do'n.



"Daming gagandang litrato, linaw pa! Ikaw na talaga!"aniya pa habang nakatingin sa lahat ng litratong nakuha ko kagabi. Nangalumbaba lang ako habang binibilang ang kinita ko, naibenta niya na iyon sa mga reporters, nasa kanila na lang kung paano nila gagawan ng kwento.



"Alis na ako."sabi ko kaya ngumisi lang si Gani sa akin.



"Ikumusta mo na lang ako kay Jia."aniya. Tumango lang ako at nagkibit ng balikat. Gani. Sa tagal naming magkakilala, alam na alam ko kung paano siya kumilos. He'll use your weakness hanggang sa ikaw na mismo ang aayaw. Hindi kami magkasundo dahil alam ko kung gaano siya kaloko. Sa pera lang talaga kami nagkakausap ng matino. Well, laking pasasalamat ko na rin na kahit paano'y natutulungan niya ako.

Flash News: Paparrazi InloveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα