Chapter 13

569 19 1
                                    

Chapter 13
Leo’s POV

“Aba’t imbis na matakot ka sa mga narinig mo sa hospital, talagang ikaw pa ang nagdala ng kapahamakan sa sarili mo.”sermon sa akin ni Iska. Napanguso naman ako roon. Well, hindi ko rin alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko at sinuggest ko ‘yon. But I still want that.

“Come on, samahan mo na lang kasi ako.”nagpapasama kasi ako sa unang date namin ni Pulo. Wala lang. Gusto ko lang ng kasama dahil hindi ko alam ang gagawin ko, high school pa ako noong huling date ko.

“Ang tapang tapang mo tapos ngayon magpapasama ka sa akin sa date mo?”natatawa niyang tanong sa akin. Napanguso lang ako dahil do’n.

“Fine,”

Hindi ko mapigil ang excitement na nararamdaman ko, kung ano ano ng damit na ang sinukat ko ngunit hindi ko pa rin magawang makapili.

“Ano, Leo? Hanggang mamaya ka ba riyan?”

“Ito na, Lods. Pero anong maganda? Ito ba?”pakita ko pa sa dalawang damit na hawak hawak. Kita ko naman na naiiling na lang siya sa akin dahil do’n. Alam kong napipilitan lang ang isang ‘yan, ayaw niya kasi kay Pulo para sa akin.

“’Yang floral.”aniya kaya agad akong napatango. Tinignan ko pa sa salamin sa may cr ang itsura. Maya-maya lang ay nag-ayos na ako. Malapad naman ang naging ngiti ko nang maayos ang maging itsura. Nilagyan ko rin ng kolorete ang mukha, pagkatapos ay nagsuot ako ng earings. Sinubukan ko pang icurl ang dulo ng mahaba kong buhok.

“Ganda mo.”pamumuri ni Iska sa akin, agad akong ngumisi sa kaniya.

“Kiss mo nga ako kung ganoon.”agad naman siyang natawa sa akin at nailing na lang. Sanay na sanay na sa ugali ko.

“Tara.”aniya sa akin. Nakacasual lang itong damit. Well, malalaman mo naman kay Iska kapag si Silas ang kikitain niya, mas pinag-iisipan niya kasi ‘yon. She put extra effort kapag ganoon.

“Hey, namdito na ako sa tapat ng kanto niyo. I don’t know if this is the right place tho…”ani Pulo mula sa kabilang linya. Siya naman ang nagsabing susunduin niya ako, kaya rin hindi ako nagpants ngayon. Nandito rin naman kasi siya.

“Alright, papunta na kami.”sabi ko sa kaniya. Alam niya na kasama ko si Iska. Pumayag naman din siya roon. Para tuloy kaming teenager na hindi pupwedeng magjowa kaya naman nagsasama ng kaibigan kapag nakikipagdate para kunwari’y kaibigan lang din o ‘di naman kaya first date na nahihiya pa kaya naman kailangan ng kaibigan na kasama.

“Ganda mo ngayon, Leo, saan ang lakad?”tanong ng ilang kapitbahay ko. Nailing lang ako dahil nambobola nanaman ang mga ito.

“Nako, wala po akong pera rito.”natatawa kong sambit sa kanila. Nagawa ko pang makipagkwentuhan sandali bago kami nagpatuloy sa paglalakad ni Iska.

“Silas also want to come no’ng sabihin kong nagpasama ka kay sa akin but because he have family lunch right now, hindi rin nakasama.”ani Iska habang naglalakad kami.

“Kaya magthird wheel ka muna.”

“Ano pa nga?”natatawa niyang tanong.

Kita ko naman agad si Pulo na siyang nakatayo sa tapat ng kotse niya. Bago na ang kotse niya ngayon, ibang iba sa disenyo no’ng noon.

Mayroon pang ilang kumakausap sa kaniya. Nagawa pang makipaglandian sa mga kapitbahay dito. Paano’y nakikita ko pa ang paghampas ni Diane sa kaniya. Palihim naman akong napairap ngunit agad ko ring pinigilan ang sarili ng may mapagtanto. Wala kaming commitment sa isa’t isa. Ayos lang ‘yon. But still he’s with me right now, nandito ako ngayon kaya mahiya sila.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now