Chapter 18

476 22 1
                                    

Chapter 18
Leo’s POV

Matapos ang trip namin sa New York, hindi na ako kinausap pang muli ni Pulo. I think it was his way of saying good bye to me? I don’t know. Basta matapos ko rin siyang itext at tawagan ng limang beses, hindi ko na rin siya kinulit pa.

Baka roon nga kasi nagtatapos ang lahat. Umpisa pa lang naman ay alam na namin sa aming mga sarili na pampalipas oras lang namin ang isa’t isa kaya ayos na rin naman siguro ‘yon.

Saka wala na rin paglalagyan ang problema ko, hindi na siya pupwede pang dumagdag.

“Leo.”tawag sa akin ni Doc Trek, ang Doctor ni Jia. Iniiwasan ko ‘tong kausapin dahil alam ko na agad ang sasabihin niya.

“Doc, pasensiya na po pero tatanggian ko lang po ulit kayo. Hindi ko po kakayaning isuko ang buhay ng kapatid ko, pasensiya na po.”sabi ko na nag-iwas ng tingin. Dinig ko naman ang buntong hininga nito.

“Hanggang ngayon ay matigas pa rin talaga ang ulo mo, Hija.”natatawa niyang sambit sa akin.

Simula no’ng mamamatay ang mga magulang ko at nacomatose ang kapatid ko. Si Doc Trek na ang naging Doctor namin. Siya rin ‘yong nagsabing wala ng pag-asa pa si Jia pero dahil matigas ang ulo ko at hindi pupwedeng mawala ‘yong munting pag-asang bumubuhay sa akin, hindi ko siya sinunod. Alam ko rin na nag-aalala ito para sa aming magkapatid. Kahit paano’y nakakautang kami rito sa hospital dahil sa kaniya, kapag wala akong pambayad, siya ang nakikiusap. He’s been good to us. Alam kong gusto niya akong magkaroon ng normal na buhay, ‘yon ang sabi niya noon.

Pero normal naman ako? Nakakapagsaya rin naman ako but I know what he mean about that.

“Fine, hindi na kita kukulitin pa. Tatakas ka nanaman.”aniya na naiiling sa akin. Bahagya namang napatawa si Nurse Cara na siyang nasa tabi niya.

“But there’s still no improvement, Leo, for how many years, baka naghihintay ka lang talaga sa wala.”sambit niya bago siya umalis, nakasunod naman si Nurse Cara na humingi lang sa akin ng pasensiya, nginitian ko lang naman siya dahil dito.

Habang patungo sa kwarto ni Jia, hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga kapag inaalala ang sinabi ni Doc, hindi ko gusto ang narinig. I know na masiyado ng matagal pero gusto ko lang namang umasa. Gusto ko lang namang magtiwala.

“Jia…”tawag ko sa kapatid ko habang hinahaplos ang kaniyang pisngi. Sinubukan ko pa siyang ngitian ngunit ramdam ko na lang ang pagbagsak ng luha.

“Laban ka pa, okay? Huwag mong iwanan si Ate, please… ikaw lang ang mayroon ako.”bulong ko sa kaniya. Mas lalo ko lang ‘yon napagtanto no’ng panahong tinalikuran din ako bigla ni Pulo. Naging masaya naman ako na nakasama ko ‘to pero mas masaya siguro kung gigising na si Jia at makikipagkwentuhan sa akin. Gusto kong lumaking normal ang kapatid ko. Gusto ko siyang makitang nakikipagtawanan kasama ang mga kaklase niya. Mga bagay na nagagawa ng mga teenager ngayon.

“Jia, miss na kita. Gising ka na oh.”ani ko habang malungkot na nakangiti sa kaniya. Umalis na rin naman ako nang matapos magdrama roon.

“Para kang tanga, tumayo ka nga riyan, Iska. Halika na.”sambit ko nang makita si Iska na siyang umiiyak lang nang umalis si Silas pagkatapos nilang mag-usap.

Tangina rin talaga ng magtotropang ‘yon e, ang hihilig mangghost, akala mo’y ang gagwapo! Well, gwapo naman pero mga gago nga lang. Pero minsan nag-aalangan ako dahil nakikitaan ko naman ng pagkaseryoso si Silas.

Nagtungo naman na kami ni Iska sa tindahan ni Aling Osang. Kita naman namin ang isang babaeng nagngangalang Esme. We ended up drinking together. Imbis na si Iska itong sasamahan ko, ako ‘tong napainom. Saka lang din natauhan nang makita namin si Esme na lasing na lasing na.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now