Chapter 39

445 16 0
                                    

Chapter 39

Leo’s POV

“Hoy, hala, saan ka pupunta?!”tanong sa akin nina Gilbert nang makita akong pasakay ng elevator.

“May naiwan lang po, Ms. Chacha.”paalam ko rito bago nagmamadali pang bumalik kaya lang dahil matagal ang elevator, sa escalator na lang ako nagtungo. Oh, ‘di ba? Yayamanin talaga ang media star. Hindi ko nga alam kung anong nakita sa akin ni Pulo at nagsasayang siya ng oras para lang ligawan ako.

“Papasok na ako nang hinarang ako ng secretary niya.”kinunutan ko naman ‘to ng noo dahil do’n.

“Ma’am, tapos na po appointment niyo, hindi na po kayo tatanggapin ni Sir. May iba na po siyang ka-meeting.”sambit nito. Agad ko namang naisip na mayroon na ‘tong kausap na artista sa loob. Napanguso na lang ako dahil do’n.

“Sige, pakisabi na lang na I decided to have dinner with him.”sambit ko. Kita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay ng kaniyanh secretary. Mukhang hindi pa naniwala. Nagkibit naman ako ng balikat doon. Bahala na nga siya, edi don’t.

Aalis na sana ako nang may marinig ang tinig ni Pulo.

“Did you forgot something?”tanong niya. Nilingon ko naman ‘to dahil baka ako ang kinakausap. Hindi naman ako nagkamali roon dahil sa akin nga siya nakatingin.

“Wala, sasabihin ko lang sana na we can have dinner tonight kung hindi ka busy.”sambit ko.

“Of course I’m n—”

“Sir, may meeting po kayo tonight with Ms. France.”sambit ng secretary niya.

“Cancel that I have an important appointment.”anito kaya bumalik lang ang tingin sa akin no’ng secretary niya.

“That’s right let’s all have dinner tonight.”nagulat naman ako nang makita ko ang Lolo niya na siyang lumabas din sa office. Ang tagal ko rin ‘tong hindi nakausap simula ng magkahiwalay kami ni Pulo. Iniiwasan ko rin kasi ang makausap ang mga ‘to, baka maging selfish ako at talaga ngang angkinin na ang apo niya.

“Kumusta ka na, Hija? Bakit hindi mo naman ako dinadalaw?”tanong niya sa akin. Nagmano naman ako sa kaniya.

“Medyo naging busy lang po this past few months saka you know break na po kami ni Pulo. Hindi naman po ganoon kakapal ang mukha ko para dumalaw.”natatawa kong saad.

“Bakit ba kasi kayo naghiwalay? Nagloko ba ‘tong apo ko, kaunti na lang ay ipapakapon ko na ‘to.”aniya kaya napahagalpak kami ng tawang dalawa. Napasimangot naman si Pulo dahil do’n.

“Luckily, hindi po ‘yon ang dahilan.”ani ko na ngumiti. Mukhang hindi rin pala nasabi ni Pulo ang tunay na dahilan kung bakit kami naghiwalay.

“Nagkabalikan na ba kayo ngayon?”malapad ang ngiti niya sa akin.

Flash News: Paparrazi InloveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz