Chapter 6

743 19 0
                                    

Chapter 6
Leo’s POV

“Ang ganda naman nyarn.”nakangising saad ni Patrick nang makita niya ako. I don’t know why but put extra effort today. Hindi ko alam kung dahil ba sa lugar na pupuntahan namin o dahil lang alam kong nandoon si Pulo. He left me dumbfounded noong isang araw, ayaw kong magmukha siyang nanalo. Hindi pa siya kumikilos kaya hindi ko talaga talaga sigurado kung anong ganap sa kaniya ngayon.

Araw araw akong kinakabahan pero bahala na, sana naman ay wala siyang gawin. 

“Araw araw naman ‘yan maganda.”sabi ni Daren na ngumiti pa sa akin.

“Boy, napaghahalataan ka na.”natatawang saad ng mga kaibigan nila. Nailing na lang ako bago sumakay sa motor na gagamitin ko sa race patungo sa Alpha. Nakasunod naman sila gamit ang kani-kanilang kotse. Nang makarating kami roon halos parehas din naman ang venue sa Beta ang pinagkaiba lang talaga ay ibang iba ang mga makikipagpustahan dito.

Malaki ang tayaan nila, hindi naman ako pwedeng matalo dahil kung matatalo ako’y kawawa sina Daren, sa akin pa naman malaki kung pumusta ang mga ito. Sila nga rin ang nagpapasok sa akin dito. Malaki rin ang balato nila maliban pa sa binibigay nilang pera sa akin para sumali rito. Parang win win na lang din sa akin. Sila ang lugi kung talo ako.

“Uy, Daren!”tawag ng ilang kilala nila. Ang daming bumati sa mga ito. Hindi ko alam kung pati ‘tong si Daren ay susunod nga ba sa yabag ng Tatay niya.

“Si Leo pambato namin.”nakangising saad ni Daren.

“Oh, ‘yong Leo na nilampaso lahat sa Beta?”nakangisi nilang tanong.

“Right. My Leo.”natatawang saad ni Daren habang nakaakbay pa sa akin.

“My Leo ka riyan.”natatawa kong saad na siniko pa siya kaya inalis niya rin ang pagkakaakbay sa akin. Natawa naman siya sa akin dahil do’n. Kita ko naman ang pagdaan ng grupo nina Pulo. Ang alam ko’y si Pulo at Red lang ang mahilig dito. Sina Silas? Hindi.

“Hi, sneaky little rat.”pabulong na saad niya nang dumaan mismo sa gilid ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang makita. Malapad na ngisi lang ang ibinigay niya sa akin. Napairap lang ako sa kaniya dahil do’n.

“That’s Pulo, Leo, he’s the known monster of this track.”ani Daren sa akin. Napatango naman ako roon, alam ko dahil minsan na kaming pumunta rito ni Gani kaya lang ay dahil hindi naman kami kilala, hindi kami pinapasok. Mayayaman at kilalang tao lang ang pupwede rito.

Tinawag na rin naman kami kalaunan kaya kanailangan na ring magbihis ng racing suit. Dumeretso na rin ako sa track dahil nandoon na rin naman ang motor na sasakyan ko.

Nang makarating ako sa racing track, kita kong ang dami pang kausap ni Pulo. Mayroon pa ngang isang sexy’ng babae na hinalikan siya sa labi para good luck daw. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi roon. Swerte talaga sa chix ng isang ‘to.

Maya-maya lang ay pinaputok na ang baril, senyales na start na ang race. It was really fun, may thrill hindi tulad no’ng mga una kong race although I really need to win this one. Noong una’y nangunguna pa si Pulo, todo harang pa siya sa akin but I still manage to find a way, nagawa kong lumusot sa gilid kung nasaan ang railings.

The race ended na ako ang nanalo. Malapad ang ngiti ko habang palakad sa gawi ng mga kaibigan ko nang may humawak sa aking palapulsuhan. Kita ko ang masamang tingin sa akin ni Pulo.

“What? Hindi mo ba tanggap na talo ka?”kunot noo kong tanong sa kaniya.

“Heck, woman, that was dangerous.”aniya na mariin ang tingin sa akin.

“What? That’s how racing works. No matter how dangerous it can get, you’ll do every possible way to win it, right?”nakangisi kong tanong sa kaniya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay dinamba na ako ng yakap ng mga kaibigan, tuwang tuwa na nanalo ako.

“See?”I murmured dahil nasa akin pa rin ang tingin niya. Mas lalo lang siyang sumimangot dahil do’n.

“That was really a good fight! Ang galing mo talaga Leo!”nakangiting saad ni Daren habang yakap ako.

“Tiyansing ka, gago!”natatawa kong saad bago siya kinutusan. Napatawa naman sila sa akin dahil do’n.

“That’s our Leo! Galing!”malakas na sigaw ni Patrick na patalon talon pa nang lumapit sa akin. Natatawa ko naman siyang sinipa dahil do’n.

“Let’s celebrate, treat ni Daren, siya ang pinakamalaki ang pusta, tiwalang tiwala sa’yo ‘yan.”anila. Ngumisi lang naman si Daren doon.

“Icash niyo na lang may kailangan pa akong puntahan.”sabi ko na ngumiti pa. Sanay na sanay naman na sila sa akin na laging tumatanggi dahil madalas ay dumederetso ako sa hospital para silipin si Jia, maswerte ako dahil malaki rin ang kinikita ko sa race. Iniipon ko lang muna ‘yon sa bangko. Gusto kong sumubok ng ibang business, baka sakali lang na hindi ko na kailanganin pang maging paparazzi.

How I wonder kung ano kayang mararamdaman nina Daren kapag nalaman nilang paparazzi pala ako at once in my life, nagawa ko rin silang ibenta sa media. Hindi ko rin alam, baka hindi na nila ako tratuhin ng ganito. They are all good to me. Hindi ko alam kung hanggang saan nga lang ang bait nila.

“Come on, ngayon lang naman, Leo. Sama ka na please. Shot lang tapos ihahatid ka na namin sa kung saan ka pupunta.”sambit nila sa akin.

“Alak nanaman.”natatawa kong saad sa kanila.

“Dinner!”mabilis na saad ni Daren.

“Tara na, gutom na rin ako.”ani Daren na hinila pa ako. Nagpahila naman ako sa kaniya, well, ginutom din ako bigla. Sayang din ‘yon.

Nadaanan pa namin ang grupo nina Pulo na siyang nagdidiwang din dahil kahit paano’y nanalo rin naman ang kaibigan nila. Kita ko si Pulo na siyang nasa kamay ni Daren ang tingin, hindi ko na lang pinansin at sumakay na rin kalaunan sa kotse ni Daren.

Sa malapit ngunit mamahaling resto lang din naman kami nagtungo.

“Diretso na raw sina Patrick sa bar.”aniya sa akin kaya nanliit ang mga mata ko sa kaniya.

“We? Sila nagsabi o ikaw?”natatawa kong pang-aasar sa kaniya. Hindi ako ganoon kainosente para malamang wala siyang nararamdaman kung ano sa akin, minsan ay trinatrato niya akong kaibigan, minsan ay alam kong higit pa roon. Hindi ko nga lang sure kung assumera lang ba ako o talagang ganoon nga.

“Crush mo ba ako, huh?”natatawa ko pang tanong sa kaniya. Natawa rin naman siya sa mapang-asar kong tono.

“Yeah, you’re cool. Na sa’yo lahat ng tipo ko sa babae.”aniya sa akin.

“Believe me, kapag nakilala mo na talaga ako? Kakainin mo rin lahat ng ‘yan.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Then let me know you slowly, Leo… Let me court you.”seryoso niyang saad.

“Gago, friends lang kaya kong ibigay sa’yo, wala pa sa isip ko ‘yan, papayaman muna ako.”sinagot ko na lang siya ng pabiro. But that’s true, hindi ko gustong makipagrelasiyon sa kahit ma sino ngayon. Mabait si Daren, hindi rin maitatanggi na gwapo ito, kaya marami ring nagkakandarapang babae pero bukod sa wala sa isip ko ang makipagrelasiyon, wala akong nararamdaman na kahit na ano sa kaniya.

“Friendzone agad, hayp ka.”dinaan na lang din namin lahat sa biro hanggang sa iniba na rin ang usapan at nawala na ang usapan tungkol doon.

Nang makarating ang order namin, sakto ang pagdating nina Pulo and friends. Kita ko naman ang bahagyang pagkagulat niya nang makita ako. Nagkunwari lang naman akong hindi napansin ang pagpasok ng mga ito. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo nila sa gilid lang naupuan namin. Nagawa pang tumayo ni Pulo at nginitian ako nang lumapit.

“Here you are, Leo. Congrats.”aniya sa akin na malapad pa ang ngiti. Kita ko ang tinginan ng mga kasama niya sa akin. Tumango lang sa akin si Red, ‘yong kaibigan nila ni Silas. Malapad naman akong ngumiti sa mga kasama niya at kumaway pa ngunit nang lingunin ko si Pulo ay napairap lang din ako. Dinig ko naman ang munting halakhak niya.

“Bakit ang suplada mo sa akin?”natatawa niyang tanong. Gusto kong itanong kung ano nga bang plano niya ngunit kita ko ang tingin ng ilang kaibigan niya at maski si Daren ay nakatingin lang sa aming dalawa.

“Sorry to say this, Mr. Demillio, but you’re ruing our date.”ani Daren kaya parehas kaming napatangin sa kaniya ni Pulo. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata ngunit ngumuso lang siya sa akin. Dinig ko maman ang munting halakhak ni Pulo.

“Is this really a date or it’s just what you think, Mr. Gonzales?”nakangising tanong ni Pulo sa kaniya. Iritado naman ako sa ngisi nito sa labi.

“It’s a date, pwede ba, umalis ka na.”ani ko na inirapan pa siya. Natatawa naman siyang umalis. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa ngisi at tawa nito, halata kasing mapang-asar.

Pakiramdam ko tuloy ay may meaning ‘yon. ‘Di ko alam kung nasa isip ko lang ba ‘yon o ano. Porket ba paparazzi ay bawal ng makipagdate? Gago ‘to ahh.

“He likes to bed you.”siguradong saad sa akin ni Daren. Napakibit naman ako ng balikat doon. Wala naman akong planong magpakama sa kaniya. I won’t never let myself be his toy.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano ni Daren.

“Next time let’s go to elyu, their beach is really fascinating.”aniya na nakangiti sa akin.

“Sige ba, basta sagot mo pagkain.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Oo ba, basta kasama ka e!”aniya na nakangiti rin sa akin. Napakunot naman ang noo naming dalawa nang mapatingin kay Pulo na tumawa. Malapit lang talaga siya sa gilid namin dahil siya ang nakaupo sa dulong upuan nila. Wala namang tinatawanan ang mga kaibigan niya. Siya lang ‘tong nasisiraan ng ulo. Pabida talaga ang hinayupak. Kita ko naman ang mga mata niyang dumeretso sa akin.

“How cheap.”dinig ko pang saad niya roon. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito. Basta ang alam ko’y iritado ako sa kaniya.

Halos kasabay lang din naman sila nang palabas na.

“Leo.”tawag sa akin ni Pulo nang pasakay na ako sa kotse ni Daren.

“Ano?”kunot noong tanong ko sa kaniya.

“Let’s talk.”aniya kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko rin mapigil ang kaba ko dahil pakiramdam ko’y alam ko na agad ang pag-uusapan namin. We will probably going to talk about me being a paparazzi. Parang nakikita ko na agad ang dadatnan ng usapan namin.

“Can you see that we’re going home now, bro?”tanong sa kaniya ni Daren.

“Hanggang dito lang usapan.”aniya na gumawa pa ng harang na akala mo’y bata. Parang hindi CEO. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o ano.

“Una ka na, Daren.”sambit ko dahil mukhang napipikon na si Daren sa kaniya.

“Are you really going to talk with him?”tanong pa ni Daren sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

“Hintayin na kita.”aniya sa akin at tipid na ngumiti.

“Huwag na, ako na.”sabi ni Pulo kaya nagmatigas si Daren.

“Kaya kong umuwing mag-isa.”sabi ko na napailing pa sa kanila. Mukha silang tangang magtatalo pa kaya pumagitna na ako.

“Sige na, Daren, hinihintay ka na rin ng mga kaibigan mo, ‘di ba? Don’t worry hindi ko hahayaang dalhin ako nito sa ibang lugar.”sabi ko na napakibit pa ng balikat. Tinignan lang naman ako ni Daren tila ba gustong umapela ngunit sa huli’y pumayag din. 

“Text me when you are already home.”sabi niya sa akin bago masama pang tinignan si Pulo ngunit ngisi lang ang ibinigay ng isang ‘to sa kaniya.

“Ingat, text ka rin kapag nakarating ka na sa bar.”ani ko.

“I’ll just call you.”aniya na ngumiti pa sa akin. Pumasok na siya sa kotse niya. Pinanood lang namin itong umalia hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa mga mata namin.

“You have a not so caring boyfriend.”ani Pulo na inirapan ko lang.

“You won’t deny it?”nakangisi niyang tanong. Hindi ko na sana papansinin ngunit mukhang wala siyang balak tantanan ako.

“Hindi ko boyfriend.”sambit ko.

“Alam ko. I just want to confirm it.”nakangisi niyang saad.

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now