Chapter 44

437 10 0
                                    

Chapter 44

Leo’s POV

Akala ko’y may bakbakan na magaganap katulad ng nababasa ko sa mga nobela ngunit mukhang pinapakalma niya ang sarili. Huminto naman ako sa pagsayaw at nilingon na siya ng tuluyan.

Kita ko ang pagkakakuyom ng kaniyang kamao, halatang pinipigilan lang ang sa kung anong gustong gawin. Kita ko ang madilim na tingin nito sa aming dalawa nitong kasama ko.

Nagtataka namang nagpabalik balik ang tingin ni Josh sa akin ngunit tipid ko lang siyang nginitian.

“Can we talk?”tanong niya. Napapikit na lang din ako dahil ako ang problema. Tumango ako dahil ‘yon naman talaga ang plano. Hindi ko lang alam na ganito pala kabilis.

“Sorry, labas lang kami,”ani ko na nginitian ‘yong Josh. Ngumiti naman siya sa akin at tumango kahit na pa mukhang ayaw niya pa akong paalisin.

Sumunod naman ako kay Pulo palabas, nakasimangot lang ‘to hanggang nasa labas na kami.

“What’s your problem?”tanong niya sa akin. Noong una’y nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa mapagpasiyahan ko na ring magsalita dahil walang mangyayari sa amin kung hindi.

“Anong problema ko? Wala naman,”ani ko na napakibit pa ng balikat.

“Then why are you acting like that? You even dance with that guy gayong mas pogi naman ako,”sambit niya. Pinigilan ko namang matawa dahil he’ll always find ways to bring that to an argument. Nawala lang ang ‘yon nang magsalita muli siya, seryosong seryoso na ngayon.

“Paano ko malalaman kung anong mali kung hindi mo sasabihin?”tanong niya pa.

“Hindi mo na kailangan pang malaman dahil wala naman tayong relasiyon. Manliligaw ka lang,”sambit ko.

“Walang tayo at una pa lang sinabi ko ng wala kang pag-asa so stop chasing after me. Stop meddling with my business.”seryoso kong saad.

“I know that’s why I tried my best not to fucking do something and you know how I meddle with your business,”aniya sa mahinahong salita. He tried really hard na pakalmahin ang sarili.

“You said we’re fine but how can you flirt with that guy?”kunot noong tanong niya sa akin. Dumapo pa ang iritasiyon mula sa mukha nito kaya pati ako ay nahawaan.

“Paki mo ba? I’m not yours to begin with,”sambit ko. Halatang napipikon na rin siya dahil sa sinabi ko ngunit pinigilan niya lang din ang sarili.

“Fine, play with that man as much as you like but remember I’m still the one who will you run back to…”aniya kaya tumawa ako ng sarkastiko.

“Hindi na kita babalikan. You can stop courting me. Tapos na tayo,”saad ko.

“Yeah, you already said that,”aniya na tila ba walang pakialam sa sinabi ko. Ni hindi niya ito sineryoso.

Flash News: Paparrazi InloveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora